A/N: Hi guys! Thank you so so much for making it up to this part. Thank you for supporting. This is it. The last part, the epilogue of Kathy and Exo's story. Enjoy:)
Exodus' Pov
"Hoy Herera! Ano bang nangyayari sa inyo ni Naomi? Anong problema niyo? Maghihiwalay na ba kayo?", hindi ko pinansin ang pagsusungalngal ng bunganga ni Benjamin. Mariin kong hinahawakan ang baso na wala nang laman ng Margarita.
"Ortiz, pabayaan mo na. Asikasuhin mo na lang sariling love life mo", tinapik ni Francis ang balikat ni Benj.
"Ulol ka ba? Pinsan ko iyon. Nag-iisang pinsan na babae. Hindi ko iyon hahayaang magago", halata na sa boses niya ang pagiging lasing, siya ang madaling malasing sa buong tropa namin.
"Ano na? Huwag kang magkakamaling magloko Herera. Ako ang nagpakilala sa'yo sa kaniya dahil may tiwala ako sa'yo", he continued lecturing me.
He's right. Siya ang nagpakilala sa akin ni Naomi. She's beautiful when we first met. I even thought she is the one I'm searching for.
Iyong babae sa plaza, na nakita kong tumutugtog ng gitara, ang saya niya habang kumakanta siya. Her smiles are heaven, that you'll smile unintentionally upon seeing those kind. Hindi ko nakuha ang pangalan niya dahil agad siyang umalis, iniwan ako sa plaza. Siya ang unang babaeng nakihalubilo ako, except for my sister and my cousins. Pero mukha atang sa una ko pa lang na lapit, lumayo na siya.
Ang hirap maghanap sa taong hindi mo naman kilala. Iyong pinanghahawakan mo lang ay ang hitsura niya. I have no background informations about her, palagi akong dumadaan ulit sa park bago umuwi sa bahay, pero hindi na kami ulit pang nagkita. Natapos ko na lang ang highschool, hindi pa rin kami nagkita.
And this college, may pinakilala sa akin si Benj. Nag-iisang pinsan niyang babae. May half daw siya na pinsan, pero lalaki. Hanggang baba ko ang height ng pinsan niya, mahaba ang buhok, maliit ang bilugang mukha, pinkish lips, fair skin, matangos ang narrow na ilong at nagniningning ang mga mata. Una pa lang nang nagkita kami, parang kakaiba na ang naramdaman ko. And, she looks like the girl in the plaza years ago. But something's weird, parang may mali, pero hindi ko na lang inintindi dahil baka nagbago lang siya dahil lumipas ang ilang taon.
I courted Naomi, thinking she's the one caught my heart before. Hindi ko siya gustong biglain, na biglang itatanong na siya ba iyong nasa plaza na nagigitara. I waited some timing. Nang naging kami na, it went well. She's caring. But, she's selosa. I know it's normal, pero ang selosa niya na kahit mga blockmates kong mga babae ay pinapaiwasan niya sa'kin. Noong sinuyo ko siya, naging maayos naman kami ulit. I don't know I asked that time randomly if she can play guitar. Mismong sarili ko nagulat ako dahil tinanong ko iyon, na matagal ko nang gustong alamin simula pa lang. But upon hearing her answer, parang nabingi ako. Hindi daw siya marunong. Hindi pa nga daw siya nakakahawak ng gitara. Kaya sa panahon na iyon, nagbago na ang pakikitungo ko sa kaniya.
She's not her.
"Anong bang problema Exodus? Ano bang kulang ko?", she's crying. Nasa loob kami ng aking sasakyan. Hindi ko na sinasagot ang mga tawag niya at hindi ko na rin siya pinapansin. Hindi ko kasi matanggap, na nagkamali ako. Na nakuha kong manggamit ng ibang tao.
"It's not you. It's me", I answered with a low voice. Gusto kong humingi ng tawad. Kaya pala parang may mali simula noong una, kasi hindi naman talaga si Naomi ang babaeng iyon.
"Don't give that 'It's not you it's me' shit! May iba na ba? Nagsawa ka na ba sa akin? Ano bang kulang ko? I can give you all just to fix this bullshit!", nagpadyak pa siya sa aking sasakyan.
That's what I hate about girls. Hindi ba sapat ang binitawang salita? Bakit kahit ayaw na ipipilit pa rin? But this is all my fault anyway. And I can't blame her, if she had feelings for me.
BINABASA MO ANG
Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]
TeenfikceKatherine Miranda, a singer solo performer, stop chasing her passion and dream when one painful and shitty night happened. It hurt her, to heart and her soul. She then live in the bitterness and darkness and started to perceive life as dull and full...