CHAPTER 48

80 4 2
                                    

Di ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Humakbang ako palayo. Hinawakan ko ang dibdib ko, at wala sa sariling umupo sa buhangin habang yakap ang dalawang tuhod.

Tumulo ang luha ko.

Hindi pwede 'to. May nararamdaman siya sa akin.

“Wag mong.. sabihin 'yan”, pahina ng pahina ang aking boses, sapat na para marinig niya. Nakatitig ako sa paghampas ng mga alon habang may nanlalabong mata dahil sa luha.

“Why?”, at naramdaman kong umupo din siya sa aking tabi.

Humugot ako ng hininga. Pinunasan ang luha at tumingala sa langit.

“May.. asawa at anak ka na. Wag kang.. magsalita ng ganyan”, sabi ko at napababa ang tingin. Pinagmamasdan ko lang ang paang may kaunting sugat na dumugo.

Walang nagsalita. Mas lumamig ang hangin pero hindi ko pinansin. Hinawakan ko ang buhok ko at inipon sa kanang balikat.

Hindi pa rin nagsalita si Exo kaya tiningnan ko siya. Ganon na lang ang pagkagat niya sa labi na pinapigilang ngumiti. Napakunot naman ang noo ko.

Magsasalita na sana ako pero hindi ko na natuloy. Sa halip, iniwas ko ang tingin sa kanya.

“Sino? Ako?”, pinipigilan niya ang sariling matawa.

Hindi na lang ako nagsalita.

Sino bang kausap ko? Wag niyang sabihing wala dahil nakita at narinig ko.

Umusog siya palapit sa akin, dahilan para magdikit ang aming balat. Hindi naman ako makagalaw dahil ang bilis ng tibok ng puso.

“Zed's not my kid”, at napalingon ako sa kanya pero napaiwas din lalo pa't ang lapit lapit ng mukha namin. Nakatatak ang ngiti sa kanyang labi..

Not my kid. Sinong niloko niya? Papa ang tawag ng bata sa kanya!

Hindi pa rin ako nagsalita, nanatiling naghintay sa mga salitang bibitawan niya.

“He's my nephew. Anak ni Ate Gen. May kambal din siya, si Zai. They grew without a dad, so I'm kinda their Dad as well as Levi. They call us 'Papa' instead of 'Titos'”, napaawang ang bibig ko.

Kumurap ako ng ilang beses. Para namang may malaking tinik ang nabunot sa dibdib ko.

Wala siyang anak.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya ng mapagtantong inakala kong may anak na siya.

Sisilay na sana ang ngiti sa akin pero hindi natuloy dahil may naalala ako.

“Kung gayon, sino si Elizabeth?”, madilim ang mukha kong nakatitig sa kanya. Nawala ang ngiti sa kanyang labi at napaseryuso ang awra.

Dapat kong malaman sino iyon. Kung hindi iyon ang inakala kong ina ng bata, sino iyon? Kasintahan ba? Fling?

“She's..”, hindi niya maituloy ang sasabihin. Napataas naman ang kilay ko.

“She's.. another story”, at nagbuntong hininga siya.

Lumingon siya sa akin. Binigyan niya ako ng mahina at pilit na ngiti. Inabot niya ang kamay ko. Hindi ko alam at hinayaan ko lang siyang hawakan iyon. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin at binaling niya sa dagat ang kanyang tingin.

“Remember when I told you that my Mom had a cancer and she's in US?”, tanong niya habang suot pa rin ang pekeng ngiti.

Kinabahan naman ako. Nakuha kong tumango, nilingon niya ako saglit at binalik na naman sa dagat ang tingin.

“I left you because I was needed there. Kakailanganin niya ng surgery dahil nagcollapse siya. Her condition's fatal. Hindi alam ni Dad sa panahon na iyon, dahil baka magka-cardiac arrest siya. So.. I've been there. And indeed, her condition's worst. She's.. dying”, bahagyang nanginig ang boses niya. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang kanyang binibitawan.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon