CHAPTER 42

58 5 3
                                    

Kahit gaano mong protektahan ang sarili mong hindi masaktan, kung nakatadhanang masasaktan ka, masasaktan ka talaga.


Kahit anong payo mo sa sarili mong huwag ng magmahal ulit, kung tatamaan ka, magmamahal ka talaga at susugal pa. Susugal na naman kahit walang kasiguraduhan. Magbabakasakali kahit alam mong marami ng napatumba ang pagkakasakaling 'yan.

Nakakapagod din palaging umiyak. Nakakapagod din maiwan. Pero sa kabila ng pagkakapagod mo, makukuha mo pa ring umulit.

Dismissal na ng panghuling subject ko ngayon. Tatayo na sana ako para makalabas ng tawagin ako ng Professor.

“Maiwan ka muna Miranda”, napahinto ako at bumaling kay Prof. Hilario Ayden. Nakapatong ang dalawang kamay sa makapal niyang engineering na libro.

Naglakad ako palapit sa kanya at humugot ng hininga.


“Anong nangyayari sa iyo? Sunod-sunod ang pagiging bagsak mo sa subject ko. Malapit na ang Finals. Pag pinagpatuloy mo ito, hindi ka lang mawawala sa dean's list Miranda, maaaring mawala ka din sa listahan para maka fourth year”, hindi man lang ako nagulat sa sinabi ni Prof. Hindi man lang ako nakaramdam ng panghihinayang.

Namanhid na ata ako. Nawala ako sa sarili. Hindi ako nakakausap ng maayos, kahit si Lea. Pili at maiksing salita lang ang binibitawan ko. Pinangako ko sa sarili na kung masaktan man ako ay hindi na ako magtatago sa dilim, pero ngayon bumabalik ako sa dating ako. Dating ako kung saan nakatago at lumalayo.

“Sorry Prof”, nakababa kong sabi sa kanya.

Nagbuntong hininga siya. Ako ang paborito niya sa klase. Nasasagot ko ang mga recit na binibigay  niya at mga problem solving. Pero ngayong second sem, tila sakit sa ulo ang bigay ko sa kanya.

“Hindi lang pala sa subject ko nagkakaganyan ka Miranda, pati rin pala sa iba. Kahit mga minors. Kung ano man iyang problema mo ay wag mo naman sanang idamay ang pag-aaral mo. Hindi biro ang mga major subs ngayon, kung hindi ka magtitino ay mahihirapan ka sa fourth year lalo na sa professional exam”

Hindi na lang ako nagsalita.

Umalis ako at dumiretso agad sa condo. Mahigit limang buwan na ang lumipas, pero heto ako ngayon, hindi malaman paano bumangon. Malapit ng magfinals pero hindi man lang ako naghanda katulad ng mga nagkakandarapang mga estudyante ngayon.

Ito ang mahirap pag nagmahal ka, kung sa panahong maiiwan ka, hindi mo alam paano magsimula ulit. Ang hirap.

Kinuha ko ang gitara at sinilid sa bag nito. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Repub. Wala akong maisip na ibang paraan para kahit papaano hindi ko muna maisip ang sakit na iniwan ni Exo sa akin kundi ang pagigig lang.

“Sigurado ka? Isisingit kita”, tanong ni Shania. Manager dito sa Repub. Nakiusap akong sa kanyang kung maaari ay magperform ako.


Tumango ako at umupo muna sa bar counter. Hindi na ako umorder pa ng mga shots. Nung nakaraan na naglasing ako ng todo ay parang mamatay ako sa sakit ng ulo ko dulot ng hangover. Naospital pa nga ako. Mabuti nga lang at hindi nagalit sa akin si Papa.

“Sige. Pagkatapos nitong Guevarras ay ikaw na. Maghanda ka”, tinutukoy niya ang babaeng kumakanta sa entablado. Naka skinny jeans na pinalibutan ng checkered na polo na tinali sa kanyang bewang. Nakaspaghetti strap naman sa tops.

Natapos ang Guevarras na tinutukoy niya. Sa tantsa ko ay mas bata ito sa akin. Pumunta ako sa stage at nag set up.

Acoustic night ang theme ngayon kaya wala ang mga electronic rock music.

Kinaskas ko ang intro ng kakantahin. Wala ng sakit na dulot ng gabing namatay si Papa at nung sinaktan ako nila Phil kundi napalitan ng bagong sakit ng pagpapakawala sa akin ni Exo at ang pag-alis niya.

Sa wari ko'y lumipas na ang kadiliman ng araw

Dahan-dahan pang gumigising at ngayo'y babawi na

Muntik ng, nasanay ako sa'king pag-iisa

Kaya nang iwanan ang bakas ng kahapon ko..~”


Siguro nga mahirap. Pero wala namang magbabago kung mananatili kang nakalubog sa kadiliman. Kailangan mong bumangon at hayaang masinagan ng ilaw ng katotohanan.

Ito ang katotohanan ng buhay.



Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko

Nagbago man ang hugis ng puso mo

Handa akong hamunin ang aking mundo pagkat tuloy pa rin..~”

Ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko. Sa halip na magpatuloy sa pagiging wasak, kailangan kong buohin muli ang sarili, hindi lang para sa akin, kundi para din sa kanya. Kailangan kong maging karapatdapat sa pagmamahal niya.



Kung minsan ay hinahanap ang alaala ng iyong halik

Inaamin ko na kaytagal pa bago malilimutan ito

Kay hirap ng maulit muli ang naiwan nating pag-ibig

Tanggap na at natututo pang harapin ang katotohanang ito..~”


Pinikit ko ang aking mga mata. Kinanta ang kanta mula sa puso.


Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko

Nagbago man ang hugis ng puso mo

Handa na kong hamunin ang aking mundo pagkat tuloy pa rin..”


Sinabayan ako ng mga tao hanggang sa matapos ang kanta. Tila ba gumaan din ang aking pakiramdam. Nagpalakpakan sila at naghiyawan.


Aayosin ko ang sarili ko Exo. Bubuohin ko ulit para sa iyo.


Sana sa pagbalik mo, ako pa rin. Sana..

---•---•---•---•---•---•---

Tuloy pa rin by Neocolours

Vote, comment, share, and enjoy reading:))

Mariecool :)







Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon