Dumaan ang isang araw at wala pa din akong natanggap mula kay Exo. Tinext ko na siya, pero hindi ako nirereplyan. Ang plano kong magtampo muna sa kanya ay hindi na natuloy dahil hindi ko alam saan at anong ginagawa niya sa ngayon.
Nandito ako sa apartment. Nakatitig lang sa vase na may rosas. Mabuti na lang at wala na ang pagkirot kong nararamdaman. Kanina lang din ay binisita ako ni Papa.
Nasabi ko sa kanya ang buhay ko ng dumito siya kanina. Ang pagkahilig ko sa musika. Ang pagkamatay ni Papa Bry. Ang pagiging malupit ni Tita Tifanny. Ang gabi ng finals, ang panloloko ng Ex ko at syempre, ang tungkol sa amin ni Exo. Tila sa munti pa lang na panahon na magkakilala kami ay gumaan gaan na ang pakikitungo ko sa kanya.
Inalokan niya din ako ng tulong pinansyal para sa pag-aaral ko. Nagtransfer na siya sa bank account ko. At sinabi niya saking pwede daw akong tumira sa bahay niya, nila
Pero hindi ko pa yun kaya. Yung makasama ang legal niyang pamilya. Napag-alaman ko din na may dalawang kapatid ako. Isang lalaki at isang babae. Pareho daw nasa ibang bansa na nag-aaral.
Gusto ni Papa na sa isang condominium ako manatili para sa mas komportable. Kung hindi ko daw gustong tumira sa bahay niya ay at least mag condo daw ako.
Hindi naman ako makatanggi. Nakabili na kasi siya. Mamahalin pa yun kaya sayang kong tatanggihan ko pa.
Gusto kong sabihan sa lahat ng ito si Exo. Gusto kong siya ang una kong sabihan tungkol kay Papa. Siya kasi yung nandito sa tabi ko.
Namimiss ko na siya. Tila hindi ako masasanay pag ganito. Ayoko ng ganito.
Gusto kong nandiyan siya kada matatapos ang araw ko. Nandiyan yung palagi niyang tinatawag sa akin na 'Babe'. Yung presensya niya. Yung pag-aalaga niya. Yung pagpapaalala niya sakin gaano niya ako kagusto.
Kasi gusto na ko yung suklian.
Kahit pa sira-sira ang puso ko, pilit ko namang inaayos para sa kanya.
Gusto kong magsimula ulit kasama siya.
Napasubsob na lang ako sa kama sabay takip sa ulo ng unan. Para akong tangang kinikilig habang iniisip si Exodus. Kung may makakakita siguro sakin ngayon na mag-isang tumitili at ngumingiti malamang mapaghihinalaan akong nakahithit.
Lumipas ang hapon at naging gabi na lang ng wala pa rin akong matanggap mula sa kanya. Napag-isipan ko na lumabas na lang muna para magpahangin.
Dinala ko ang cellphone ko at nagsuot ng hoodie at nagpantalon para lumabas. Mga bandang alas otso pa naman.
Gusto ko lang maglakad lakad para kahit papaano ay mahimasmasan.
“Kathy!”, napabalikwas ako ng may nag preno sabay tawag sa pangalan ko. Isang Ford Ranger na kulay pula ang nasa aking likuran.
Nangunot ang noo ko at nanliit ang mata dahil sa ilaw mula sa sasakyan.
“Are you now fine?”, at bumaba na galing sa sasakyan si Benjamin.
Nagtaka na naman ako. Hindi maitago ang pagtataka sa mukha. Hindi kami masyadong close pero siguro nag-aalala lang siya sakin.
Pero-- teka, alam niya naman sigurong nililigawan ako ng kaibigan niya? Bakit--?
“Hey hey hey. I'm not hitting on you okay?”, natatawa niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Naluwagan ako. Buti naman. Gwapo siya pero hindi ko maimagine ang sarili na magkagusto sa kanya.
Kay Exo lang ako.
Leche. Kung ano-ano na naiisip ko.
BINABASA MO ANG
Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]
Roman pour AdolescentsKatherine Miranda, a singer solo performer, stop chasing her passion and dream when one painful and shitty night happened. It hurt her, to heart and her soul. She then live in the bitterness and darkness and started to perceive life as dull and full...