CHAPTER 22

61 14 1
                                    

Tatlong linggo ng dumaan matapos ang gabing nasa Park kami ni Exo. Tatlong Linggo na ring araw-araw niya akong binibigyan ng rosas. Tatlong Linggo na ring hatid-sundo niya ako. Tatlong Linggo ding magkaklase na kami dahil sa parehang schedule namin.

"Sana all may Jowa", pagpaparinig ni Eleanor. Kanina pa siya nagsasambit habang nakakalokong nakanguti sa akin. Wala pa si Prof.

"Sino may Jowa?", mataray na tanong ni Rose Marie.

Si Rose Marie ay isa kong kaklase sa ilang minor ko. Medyo pabida at sipsip ang isang to. May pagka chismosa din.

"Paki mo ba?", mataray ring tanong ni Eleanor. Alam kong nababadtrip rin siya kay Rose Marie. Kahit ako naman.

"I'm just asking you know. It's like duh, kanina kapa sabi ng sabi 'Sana all may Jowa'. Are you insecured?", hamong tanong ni Rose Marie.

Napalunok na lang ako. Magkatabi kami ni Lea tapos itong si Rose Marie ay nasa tapat lang namin. Si Exo naman ay lumabas dahil nag cr pa.

"Ako? Insecured? Are you kidding me?", naka smirk na tanong ni Lea na may bahid na ng irita.

"Maybe. Oh dear. Mahirap may Jowa. Uhm you don't have any freedom eh. Plus the fact the you have to stay away from some other guys. Its irritating", maarte niyang sabi.

Tiningnan lang siya ni Lea ng nakataas ng kilay na halatang walang pakialam.

"Share mo lang?", bored na tanong nito.

"Ahhh. Ganyan kasi yan pag may boyfriend kana Rose diba. Syempre may kasintahan kana kaya dapat hindi mo iparamdam sa kanya na may gusto kang iba", pagsinggit ko dahil baka ano na mangyari dito.

Binalingan ako ni Rose. Tinaasan ako ng kilay.

"So you have one?", tanong niya.

"Wal---"

"Meron kaya nga sinasabi ko Sana All may jowa diba?", pagputol ni Lea sa akin.

"Ahh, nagbibiro lang si Lea. Wala pa akong---"

"Pero malapit na maging sila", muling pagsinggit ni Lea. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Stop inserting Eleanor. I'm not asking you", taas kilay na sabi nito.

"So what?", mapangasar na tanong din ni Lea. Kitang kita na ngayon ang pagka-asar ni Rose Marie.

"Ano nangyayari?", tanong ng kakadating na si Exo. Binigyan niya ako ng ngiti bago bumaling ulit sa kanila Rose Marie at Eleanor.

"Nevermind. Exo saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap", naka pout na saad ni Rose Marie.

Napakunot ang noo ko.

Kanina hinahanap? Talaga?

"Tangina", di makapaniwalang saad ni Lea. Pinandilatan ko ulit siya para manahimik na lang.

"Ah ganon ba. Bakit?", tanong ni Exo at umupo na sa aking tabi. Gitna ako ni Exo at Lea.

"Uhmmm I'm confuse eh dito", nagulat ako ng may hawak na siyang notebook. "Can you please teach me? Please?", pagpapacute niya kay Exo.

"Alam mo Rose busy siya. Doon ka na lang sa iba", pagtataboy ni Lea.

Hinawakan ko ang braso niya para tumigil. Mas lalo lang niyang pinapalaki ang gulo.

"Alam mo rin Eleanor, kanina kapa. Bakit ba ang hilig mong makialam?", irita ring tanong ni Rose.

"Paki mo?", hamon ni Lea.

"Ah Rose sa iba na lang. Kila Jadrick alam nila to. May gagawin kasi ako", tugon ni Exo.

"Like what?", tanong naman ni Rose Marie.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon