Tumila ang ulan. Inihatid ako ni Exo sa apartment. Hindi ako masyadong umimik matapos sabihin ni Exo na gusto niya ang pagtawa ko.
Hindi kona itatanggi sa sarili ko na may gusto na ako sa kanya. Pero hindi dapat. Pero hindi ko siya mahal...
Hindi pa ako Tapos kay Phil
Ayaw kong manggamit ng ibang tao para makalimot. Unfair sa taong gagamitin ko.
Alam ko naman din sa sarili ko na hindi pa ako handa. Masyado pa akong wasak. Hindi pa ako buo. At walang magbubuo ng mga piraso nang nabasag. Walang magdudugtong sa mga naputol.
Knowing Exo? I can't just take him for granted. Masyado siyang mabait para saktan ko.
"Kath...", tawag ni Exo sa akin ng akmang bubuksan ko ang gate ng apartment.
Nilingon ko siya. May ngiti ng nakasilay sa kanya. Ngiting parang kabado pero determinado.
"Bakit Exo?", pilit kong tinatago ang kaba din sa akin.
Bakit ka kinakabahan Katherine?
Simpleng crush mo lang yan.
Di ka abnormal. Marami naman nagkakagusto diyan.Lumapit siya sa akin.
"Kath may sasabihin ako...", halatang kabado niyang usal.
"Ano yun?", tanong ko naman habang ang lakas kumabog ng puso.
Kalma lang kasi heart patapusin mo muna.
"Uhm.. didiretsuhin na kita kasi gabi na rin", usal niya at nagbuntong hininga na animoy pinapalakas ang sarili.
"I don't know when it started but all I know is---"
Don't know?
Halata na ba niya?
Patay ka Kathy mukhang alam na niya na may gusto ka sa kanya. Hala!"Uy Wala!", sigaw ko animoy tumatanggi. Mariin ko ding kinagat ang pang-ibabang labi.
"Anong wala?", natatawa niyang tanong sa akin. Animoy di makapaniwala sa nasaksihan na naiusal ko.
Leche Kathy umayos ka.
"Ahhh hehehe...ano ba sasabihin mo?", kamot batok kong tanong.
Advance ako mag-isip.
Napangiti pa siya na nakatingin sa akin. Ako naman ngayon ang kinakabahan kong ano ba talaga ang gusto niyang sabihin.
"Hey Kath...", malambing niyang usal na lumapit pa sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
Diyos ko po. Patigilin niyo ang nilalang na ito. Sasabog na puso ko.
Hinihintay ko lang ang sasabihin niya. Ano na kasi? Ito na ba? Nalaman na niya! Halata naba? Leche ka Kathy!
"Kath.. I don't know nahalata mo ba pero, may gusto ako sayo matagal na", sabi niya na ikinabigla ng buong sistema ko.
Ano daw?
May gusto siya sa akin? Si Exo? Si Exodus?
Awtomatikong namilog ang aking mga mata. Di alam ang sasabihin. Walang salitang lumabas din sa aking bibig. Idagdag mopa ang di na maawat na kabog ng puso.
Alam kong may gusto din ako sa kanya pero simple lang iyong paghanga.
Wala pa akong kasiguraduhan.Hindi parin ako nakapagsalita dahil sa narinig ko. Pano nato?
"And now, I want to say, Gusto ko manligaw sayo. Magpapaligaw kaba o magpapaligaw ka?", tanong niyang nakangiti.
Nawindang na naman ako sa sinabi niya. Teka lang.
Manliligaw?
Gusto ko sampalin ang sarili ko dahil baka imagination ko lang ito. Oo may parte sa akin na natutuwa sa nalaman pero alam ko naman sa sarili ko na wala pa akong kasiguraduhan. Tulad nga ng iniisip ko, ayaw ko gumamit ng ibang tao para ipanakip butas sa sugat na hindi pa naghihilom. Hindi ako ganun.
"Exo..."
"Its okay. Hindi ako nagmamadali. I'll prove my feelings to you", nakangiti niyang tugon. Mga ngiting humahalo sa kagandahan ngayong Gabi. Ngiting sumasabay sa pagningning ng mga tala sa kalangitan.
"Exo, hindi ka nakakatawa", usal ko na pilit ngumingiti para takpan ang kabog ng puso.
Sumeryuso bigla ang aura niya. "I'm not joking here Miss Katherine Miranda", tugon niya na lumikha ng kiliti sa puso ko.
Heart kalma lang kasi.
Kamot batok lang ang naisukli ko sa kanya. Pano na ba to?
"Manliligaw ako sayo sa ayaw at sa gusto mo. I'm sure of this feeling. Bukas na bukas ay liligawan ka ni Exodus Herera", wika niya.
Lumunok ako bilang pagtugon. Nako po. Issue na talaga to. Baka mafeature pa ako nito sa diyaryo.
Exo Herera, son of the Herera Real Estate inc and constructing company owner is now courting a worthless girl.
Hindi kami bagay. Iba mundo ko sa ginagalawan niya. Iba ang buhay ko sa kinagisnan niya. Masyado akong wasak para sa kanya.
Tama ka Kath. Pigilan mo ito.
"Exo kasi--"
"No buts. Just let me prove you my feelings okay? Its more than you can imagine", sabi niya.
Baka hindi ko masuklian Exo.
"Now, sleep and rest. Tomorrow's another day", sabi niya.
Tiningnan ko siya na halo-halo ang emosyon. Hindi ko alam ano ang dapat maramdaman. Hindi ko maintindihan.
"Sleep tight Babe", usal niya at bago pa ako makapagsalita ay hinalikan na niya ako sa aking noo.
---•---•---•--•--•---•---•---
Mariecool :)
BINABASA MO ANG
Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]
Fiksi RemajaKatherine Miranda, a singer solo performer, stop chasing her passion and dream when one painful and shitty night happened. It hurt her, to heart and her soul. She then live in the bitterness and darkness and started to perceive life as dull and full...