CHAPTER 16

71 13 0
                                    

Sabi ko sa sarili ko ayaw ko na iyong maalala. Ayoko na. Hanggang ngayon masakit pa.

Itinigil ko na ang passion ko sa musika.
Itinigil ko na ang pagkanta.
Itinigil ko na ang pag-gigitara.

Kasabay ng pagkaputol ng string na iyong ay siyang pagkaputol din ng koneksyon ko sa aking pasyon.

Para kanino ko iaalay ang pangarap na iyon kong ang mismong taong pag-aalalayan ko ay Wala na? Paano ko ipagpapatuloy yun kung yun ang dahilan ng pagkawasak ko?

Nasabi ni Tita Tifanny na nag-overspeeding daw si Papa dahil nagmamadali siyang umuwi para maabutan ako at masamahan sa Finals. May dala pa nga siyang bagong pick na magagamit ko at bangle na may nota na disenyo.

Kusa ng tumulo ang mga luha ko.

Tinitingnan ko ang bangle na suot ko.

Hindi ko alam kailan ako babalik sa pagtugtog. Masyado pang mahapdi ang karanasan ko.

Nagulat ako ng may yumakap na sa akin. Naaamoy ko na ang pabango ni Lea. Kanina paba ako dito sa school plaza?

"Hindi ko alam ano man ang pinagdadaan mo pero tandaan mo kahit sa konting panahon palang na magkasama tayo, nandito lang ako para sayo", sabi ni Lea habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Niyakap ko din siya pabalik.

"Ayaw kong magtanong kung ayos ka lang dahil halata naman na hindi. Ayaw kong sabihin na ayos lang yan dahil alam kong mahirap. Pero hindi ka nag-iisa Kathy. Kung gusto mo ng kausap, nandito ako. Kung gusto mo ng karamay, dadamayan kita. Kung gusto mo ng back-up, reresbak ako. Pero kung kailangan mo ng kasama, di ako magdadalawang isip na tabihan ka", sabi niya at napabitiw na sa pagkakayakap sa akin. Kitang kita ko ang sensiridad sa kanyang mga mata.

Mas lalo naman akong napaiyak sa mga sinasabi. Ayaw ko kang magpakampante, pero may nagsasabi sa puso kong totoong kaibigan si Lea.

Pagkatapos akong patahanin ni Lea ay dumiretso na agad ako sa cafe para magtrabaho.

Hindi naman kalayuan at madadala lang sa paglalakad.

Nangyari na eh. Wala na akong magagawa.

May mga bagay talaga na mawawala sa atin at hindi na natin maibabalik pa. Minsan hindi natin maiiwasang magsisi. Dapat talagang sa bawat desisyun mo sa buhay ay pag-isipan mo ng mabuti.

Oo masakit. Pero Anong magagawa ko? Yung taong minahal ko higit pa sa sarili ko sinaktan ako. Yung taong tinuring kong kapatid ay pinagtaksilan ako. Yung taong tinuring akong pamilya ay nawala na sa akin.

Yung musikang matagal ko ng gusto ay siyang dahilan ng pagkawasak ko.

Dinivert ko na lang ang atensyon at pag-iisip ko sa trabaho ko.

"Sa table 1 to", utos ni Adelaine.

Kinuha ko naman ang order at pumunta na sa table 1. Ang customer ko ay lalaking naka T-shirt na black at may cap.

"Here's your order sir", sabi ko at inilapag na sa mesa ang order niya.

Aalis na Sana ako ng mapatigil ako dahil sa pagsasalita ng lalaki.

"Kathy..", usal niya at kunot-noo ko naman siyang nilingon.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakayuko siya at idagdag mo pa ang tulong ng cap niya. Tanging matangos niya lang na Ilong ang nakikita ko.

Magsasalita na Sana ako para tanungin kong bakit niya alam ang pangalan ko pero di ko nagawa dahil tinawag na ako ni Ellaine.

Ewan ko pero parang bumalik ang misteryusong sakit na nararamdaman ko ng makita ko ang lalaki na iyon.

Pero ipinagkibit balikat ko na lang. Baka kaklase ko lang sa highschool.

Dumaan ang ilan oras na pagtatrabaho ko. Nangangalay na din ako at medyo masakit na ang leeg pero kaya pa naman.

"Wow ah required ba na kapag tutor ka may instant sundo din?", mapang-asar na tanong ni Ellaine.

"Ay kung ganyan din naman na sundo na gwapo wala na akong angal", sabi naman ni Adelaine.

Alam kong pinaparinggan nila ako. Pero patay malisya lang ako dito. Di naman talaga maitatangging may itsura itong si Exo.

Ng makalabas na ako ay tanaw ko agad siya na nakasandal sa kotse niya na nakapamulsa. Ng makita niya ako ay tumuwid siya sa kanyang pagkakatayo.

Kinawayan ko siya at nginitian. Sinuklian naman niya ako ng kanyang usual na tamis na ngiti.

Leche heart. Ngiti lang yan. Wag kang ano.

Mas binilisan ko ang paglalakad para mapuntahan na siya. Patakbo akong pumunta sa gawi niya.

Palapit na Sana ako ng sa di inaasahan ay biglang kumirot ang tuhod ko dahil sa pagkapagod ko at....

Natapilok ako.

Pero ang mas hindi inaasahan ay...

Nakasampa na ako ngayon sa dibdib niya dahil sinalo niya ako.

"Okay ka lang Kath?", tanong niya sa akin.

Hindi ko masagot ang tanong niya dahil ito na naman ang kabog ng damdamin na diko mapigilan. Idagdag mo pa na nakasampa parin ako sa dibdib niya. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya habang ang isang kamay ko nakahawak sa kanyang dibdib.

Ayaw kong mag-isip ng kahit ano. Pero parang may ibang ibig sabihin ang malakas na paghiyaw ng puso niya habang nagkadikit ang mga katawan naming dalawa.

Wag kang assuming Katherine.
Puso mo yang naririnig mo dahil sa sobrang lakas makakabog.

Pero sa kaloob-looban ko, parang hindi lang yung puso ko ang lakas makahiyaw. Parang sa aming dalawa. Nakagat ko na lang ang labi ko kasabay ng isang pigil na ngiti.

Wag kang assuming Kathy.

---•---•---•---•---•---

Mariecool :)

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon