CHAPTER 46

62 3 0
                                    

Nakaupo ako sa aking kama habang yakap ang dalawang tuhod. Tahimik bumabagsak ang mga luha ko habang nakatitig lang sa labas ng bintana.

Ito iyong nasasaktan ka kasi alam mo na talagang wala na. Na alam mong kailangan mo na lang tanggapin ang nangyayari. Na kailangan mong maging maayos kasi walang tutulong sa iyo kundi ikaw lang din.

Inabot ko ang cellphone ko at may pinindot. Pinikit ko ang mga matang kanina lang lumuluha.

“I came along

I sing a song for you

And all the things you do

And it was called yellow~”

Pinakinggan ko ang boses ni Exo. Sa gabing kinantahan niya ako. Madalas kong pinapakinggan ang record na ito sa loob ng ilang taong pangungulila ko sa kanya. Kasi sa bawat rinig ko, nararamdaman ko iyong pagmamahal niya sa para akin, nararamdaman ko iyong kasiguraduhan na magbabalik siya at magiging ayos rin kami.

“So then I took my turn

Oh what a thing to have done

And it was called yellow~”

Pero kasi ngayon iba na ang sitwasyon. Hindi porket nagbitaw na ng salita ay susundin niya. Hindi porket pinaramdam niyang may kasiguraduhan ay mananatiling sigurado. Kasi sa buhay hindi natin alam anong mangyayari, hindi natin alam kailan magtatapos ang mga bagay na akala nating dadalhin natin hanggang dulo.

Your skin, oh yeah your skin and bones

Turn in to something beautiful

You know, You know I love so

You know I love you so~”

Ang sarap pa din sa tenga ang boses niya. Ang sarap sa pakiramdam na ako ang unang babaeng kinantahan niya. Pero ngayon, ang sakit na sa puso. Ang sakit sa puso na alam mong hindi na ikaw ang taong inalalayan niya ng puso niya. Na alam mong mananatili sa nakaraan ang mga alaalang iyon. Na alam mong.. wala na talaga.

Minsan kasi may mga bagay na magtatapos na lang.

Na hindi na pwedeng balikan.

Tahimik pa rin akong umiiyak hanggang matapos ang record. Mas hinigpitan ko ang yakap sa sarili.

Siguro tama na Kathy.

Siguro hindi talaga kayo ang para sa dulo.

Tama na ang sandaling minahal ka niya at minahal mo rin siya.

Kasi hindi naman lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan.

May pagkakataon talaga na hanggang doon na lang.

* * *

Natapos ang mall tour na ginawa namin. Maayos naman ang kinalabasan. Kahit pa wala ako sa sarili ay nakuha kong huwag idamay ang ibang bagay.

Andaming taong nanuod. Kahit papaano ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa, na nakalimutan ko sandali ang sakit na dinadala ko.. dinadala ng ilang taon.

“Hey.. sasama ka diba?”, mahinang boses ni Lea sa kabilang linya. Ngayon na ang kaarawan niya.

Nakahiga lang ako dito sa sofa sa salas. Hindi alam kung ano ang gagawin ngayong weekend. Napagod ako sa mall tour at sa trabaho.

“Happy Birthday”, pagbati ko sa kanya. Maliit lang ang boses ko at ngumiti kahit hindi nakikita ni Eleanor.

“Diba? Sabi mo magcecelebrate ako ng birthday ko na nandito ka?”, paninigurado niya na may malambing at mahinang boses.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon