CHAPTER 49

90 4 0
                                    

“Mainit Engineer, payongan na kita”, natigil ang pagtingin ko sa hawak na blueprint ng ospital ng lumapit si Castillo at pinayongan ako.

Nakangiti siyang sumilip din sa blueprint. “Ibahin na lang kaya natin ang ibang disenyo ng architect? Komplikado, pag pinilit naman, delikado”, hawak niya ang panga sa isang kamay habang ang isang kamay ay nakahawak sa payong.

“Sino nga iyong architect Engineer Castillo? I forgot his name, hindi kami madalas magkita dito sa site”, pinunasan ko ang sariling pawis at binalik ulit ang tingin sa blueprint. Maganda naman ang disenyo, sadyang may ilang parte lang na hindi naayon. Sa bandang exit ay spiral staircase ang disenyo niya, sa halip na standard, bagay na hindi dapat lalo pa na hospital at may mga pasyente.

“Kakilala iyon ni Madriñan Engineer. Si Architect Serilla”, napatango naman ako. Mas bata lang ng ilang taon sa akin si Madriñan, pero ganunpaman, may skills talaga siya kaya kahit fresh grad, Associate Engineer na. Magna cum laude din, kaya hindi na maipagtataka.

“Pakitawag na lang Engr. Castillo. Kailangan siyang ma-aware sa changes”, tumango naman siya at naglakad pabalik sa tent.

Hawak ko ang payong sa isang kamay at blueprint sa kabila. Napatingin naman ako sa kasalukuyang ginagawa at nag-isip ng magiging porma ng hagdanan. Natigil lamang ako ng may pamilyar na amoy at may tumikhim.

Kinuha niya ang payong sa aking kamay at ang blueprint.

“Is everything alright?”, nakakunot ang noo niya.

Naka-maroon na longsleeve polo na nakatupi sa magkabilang braso, itim na pantalon, maayos na buhok, at may kaunting pawis sa noo.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa kanyang presensya, bagay na siya lang ang nakakagawa.

“Mmm. May kaunting problema lang”, sagot ko.

“I see. It's already lunch time“, tiningnan ko ang aking relo at pasado alas dose na nga. Humugot ako ng hininga at kinuha ang blueprint at payong sa kanya, para siyang Assistant ko nito.

“Let me”, paglayo niya sa blueprint at payong sa akin.

“Ako na, ano ka ba”, pag-abot ko pero inilayo niya pa rin.

“Babe, you look exhausted”, napaawang ang bibig ko ng bahagya, hindi naman makakadrain ng energy ang isang blueprint at isang payong!

“Slight lang. Ibigay mo na 'yan sa'kin”, pero sa tangkad ba naman niya ay hindi ko talaga maabot-abot.

Kagat niya ang labi na pinipigilang ngumiti habang nakatingin sa akin.

“I'll atleast carry these”, pagmamatigas ni Exo.

Parang tanga. Wala naman iyong kabigatan!

“Para kang assistant ko niyan e”, napalinga pa ako at hindi nga ako nagkakamali, may ilang nakatingin sa amin na may mga kunot ang noo at ang iba naman ay may bahid ng ngiti.

“So? You're always my Boss anyway”, nakangiting aniya.

Hindi ko alam tatawa ba ako o ano. Lakas makahighschool ng banat niya!

Naglakad kami patungo sa tent, na hawak ni Exo ang payong sa kaliwang kamay at blueprint naman sa kabila. Napapatingin na sa amin ang ilan, halatang naguguluhan kung bakit biglang naging malapit kami ng lalaking ito.

Ng makarating, nakaawang ang bibig ni Castillo ng makita kaming dalawa ni Exo. Hindi pa niya alam anong meron sa amin gayong noong nakaraan ay akala lang niyang isang intimidating na investor ang lalaking nasa aking gilid na dala ngayon ang payong at blueprint.

Broken Strings (Music Series #1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon