Chapter 1

2.1K 55 8
                                    

Isang linggo at isang araw na ang nagdaan after that Friday night. Kinwento ko nga kay Kobe ang nangyari.

How I confessed and how I got my heart broken in the same night. Hindi ko alam kung paano niya nagawang maging seryoso habang nakikinig sa akin. I mean, we were strangers to each other or per se, acquaintances. Why would he care diba?

Nang matapos akong magkwento'y natapos ko na rin ang ginagawang paglilinis sa mga sugat niya. He managed to make me laugh after by telling some corny joke. And I appreciated the effort.

Umuwi na ako after, I offered him a ride but ang sabi niya'y may sasakyan siya along the place so I let him be and it ended there. We were never going to see each other again. Sa lawak ba naman ng mundo.

Or so I thought.

Hindi ko alam kung tuluyan na ba akong nakamove on sa nangyari. The past days in school, hindi na kami gaanong nagkikita ni Carlo. A part of me thinks na iniiwasan niya ako. But the rational part believes na hindi naman pero sa laki ba naman ng UP.

And yes, I'm an iska, 3rd year na ako in Business Ad. On the other hand, Engineering naman ang kinuha ni Carlo kaya naman malayo talaga ang building nila. But back then, before the fight, nagkikita naman kami.

Wearing a wine-colored dress and my heels, I quickly went out of my condo para maghanap ng masasakyan. Malapit ng magsimula ang misang dadaluhan ko. It was a Sunday at nakasanayan ko ng magsimba.

My car is still being fixed kasi nasiraan ako ng gulong kahapon kaya wala akong choice kundi ang mag commute.

Mag iilang minuto na at wala pa ring taxi na tumitigil at medyo naiinitan na ako. Nagsimula na akong mainip nang may sasakyang tumigil sa harap ko. Hindi naman ito taxi. Napailing na lang ako nang maalalang pwede naman mag Grab. I've just been so dependent on my car at hindi ko naisipang kakailanganin ko iyon.

The window of the car rolled down at gulat kong tiningnan si Kobe, ang lalaking nabangga ko last week. He raised an eyebrow at me.

"Sisimba ka?" He asked.

"Oo."

"Sakay."

Nakakahiya man, tinanggap ko na lang ang alok niya dahil kung hindi ay matatagalan na talaga ako. I quickly opened his car door at pumasok na.

"Good morning! Salamat rin ah." I said at nginitian siya.

Tumango lamang siya bago bumaba ang kaniyang tingin sa aking suot. I suddenly felt uncomfortable at the intensity of his stare.

Sinimulan niya na ang pagmamaneho. "Magsisimba ka rin ba?" I asked to break the silence.

"Oo." sagot niya.

"Alam mo, familiar talaga ang name mo." ani ko. Nilingon ko siya. I took advantage at his inability to glance at me kasi nagmamaneho nga siya. I just didn't notice na may traffic light pala at napahinto kami. Nilingon niya rin ako. "I assume you're a student, saan ka ba nag-aaral?"

"UPD." He answered.

For the nth time, gulat ko na naman siyang tiningnan. "Oh! Schoolmates pala tayo!" I said.

Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata bago niya ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

"Baka nakita na kita sa campus kaya familiar name mo." I concluded.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon