Chapter 25

1.2K 35 4
                                    

Kobe started to lead me out of the bar habang tumitingkayad naman ako para hanapin si Kara. "I need to find Kara first," I told him.

Hindi niya pa rin ako pinapakawalan kahit na ang daming tao na bumabangga sa amin. "She's already well-taken care of." Sinundan ko ang tingin niya and standing a few meters away from us was Kara.

Nakatayo siya sa harap ng isang bakanteng lamesa na may upuang nakapalibot rito. Her posture was stiff, no signs of being drunk.

Nakapamewang si Kara habang kausap ang lalaking nakaupo doon. Lumingon ang lalaki sa amin at tinanguan siya ni Kobe.

I instantly recognized him, si Ricci. Isa siya sa mga kasama ni Kobe noon, pero bakit nandito siya? At bakit stress na stress si Kara habang nakikipag-usap sa kanya?

Kobe slightly tugged my arm kaya nagpatianod na rin ako. Ang pangit pangit ng balanse ko at kulang na lang ay isang ihip ng hangin ay matutumba na dahil sa kalasingan.

When we finally went outside, I took a deep breath nang nakalanghap na ako ng sariwang hangin.

"My car is still a few blocks away kaya kailangan muna nating maglakad," ani niya na sinuklian ko lamang ng tango. I continued to walk in an unstable manner pero hindi ako napapalayo sa kanya dahil sa kamay niyang nakapulupot pa rin sa aking katawan. "Let me carry you," ani niya.

Agad naman akong umiling. "Wag na, kaya ko naman." In that moment, muntik na akong natumba dahil sa heels ko. Kobe immediately helped me to stand up pagkatapos ay yumuko siya.

Tinanggal niya ang suot kong heels before he carried me in front of him. Naramdaman kong pinagtitinginan kami ng mga tao kaya isinubsob ko na lang ang aking mukha sa katawan niya para hindi nila ako mamukhaan.

Kobe continued to walk in silence. After a few minutes ay hindi na masyadong maingay ang lugar. Unti-unti na rin akong hinihila ng antok.

In a desperate move to fight my urge to sleep, sinubukan kong kausapin siya. "I remember everything now," bulong ko, hindi ko pa rin siya tinitingnan.

Dahil malapit lang ang aking mukha sa kanyang dibdib ay naramdaman kong bumilis ang tibok ng kanyang puso. I peered at him with one eye para tingnan ang reaksyon niya sa sinabi ko.

His mouth was slightly parted open in surprise pero hindi siya nagsalita. "Everything until a month before the accident and the reason why I got into it in the first place," I sighed.

Nang hindi pa rin siya nagsasalita ay nagpatuloy na ako. "Were we ever a thing back then?"

Lumingon siya sa akin, bahagyang pumungay ang mga mata. Sadness filled his face dahil sa sinabi ko. "We were always a thing," sagot niya.

"Sinagot ba kita?"

Natigilan siya sa tanong ko. Remorse filled his expression pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

I welcomed the silence and let sleep welcome me in its temporary haven. But just before I could totally sleep, Kobe whispered, "Sasagutin pa."

The morning after, I woke up with a very heavy headache. I was groaning the whole time habang inaabot ang tubig na nakahanda malapit sa kama ko.

Biglang bumukas ang aking pinto at nilingon si Kara na kakapasok lang. May dala siyang gamot na kakainom niya lang pagkatapos ay binigyan niya rin ako.

"Thanks," ani ko pagkatapos ko itong inumin.

Nakasubsob pa rin ang aking mukha sa kama habang nakatayo naman si Kara malapit sa hamba ng pinto, inoobserbahan ako.

"I saw you with Kobe kagabi."

Alerto akong napalingon sa kanya. My memory from last night was still fuzzy kaya hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon