Chapter 22

1.2K 32 5
                                    

The next day, bumalik pa rin ako sa library. Maaga akong pumunta kaya pagdating koy kakabukas pa lamang ng library at wala pa masyadong tao sa covered court.

Dahil umalis na ako ng bahay na wala pang breakfast ay kumain na muna ako sa panaderia. Tulog pa si Dad pag-alis ko kaya kay ate Vanessa lang ako nagpaalam.

I silently enjoyed my coffee at nang makitang dumaan ang librarian ay lumabas na ako dala-dala ang kape. It was a paper cup kaya ayos lang naman sa store.

There were only 3 ways to get to the library at lahat ng iyon ay dumadaan sa covered court. Kaya naman, nang dumaan na ako sa covered court ay hindi ko napigilan ang sarili na sumilip sa loob. Dahil maaga pa nga, wala pa masyadong tao sa loob.

There were a couple of teenagers na naglalaro habang nakita ko namang nakatayo lamang si Kobe sa isang gilid. This time ay nakapang-basketball na siya. Dinidribble niya lamang ang bola. He stopped in the middle of doing that at bumaling sa direksiyon ko, as if sensing na may nakatingin.

Aalis ba ako?

But then I remember my conversation with Kara kagabi. There had to be a reason kung bakit itinago nila ang tungkol kay Kobe sa akin. And my curious ass can't live not knowing what that reason is.

So I stayed when he started to jog in my direction. Nakita kong sinundan ng tingin ng mga teenagers na naglalaro si Kobe.

Malawak niya akong nginitian nang makarating na siya sa harap ko. I slightly looked up to him para salubungin ang tingin niya. Wala siyang sinabi at dahil medyo nangangalay na ang leeg ko ay napatingin ako sa kinatatayuan namin.

Sementado kasi ang kinatatayuan ko at elevated ito. Kaya hinatak ko si Kobe para bumaba siya mula sa sementadong bahagi, in that way hindi ko na kailangang tumingala pa.

He chuckled lightly dahil sa ginawa ko pero nang makita niya ang masamang tingin na ibinibigay ko ay nagseryoso na rin siya.

"Good morning," ani niya. Hindi ko alam kung sadyang ganoon nga ang boses niya tuwing umaga. But he sounded like he just got out of bed! Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha dahil sa naisip.

"Good morning rin," I greeted back. I didn't know what to say to him. Heck, I don't even know how I'm going to find out why Mom didn't tell me na he was a part of my life. Siguro'y ang pinakamaayos ko lamang na plano ngayon ay ang sumama sa kanya in the hopes of remembering even bits of my memories.

His gaze turned dark at umigting ang kanyang panga. He looked at the court kung saan kami kahapon before returning his gaze back to me. His hand slightly rubbed his beard at para bang nagpipigil siya. Something was bothering him, that I was sure of. "Do you have a boyfriend?"

My eyes snapped back to his dahil sa tanong niya. One of the staffs of the panaderia na pinagbilhan ko ng kape ay natigilan sa paglalakad pabalik doon dahil marahil ay narinig niya ang tanong ni Kobe.

"Wala," tanging sagot ko. His hands moved at inabot niya ang dalawang kamay ko. He examined it properly na para bang may hinahanap, "Hindi ka naman nagsusuot ng singsing," he whispered to himself.

"What do you mean?" Diretso ko nang tanong sa kanya. "Hindi ka naman kasal?" He asked again na agad ko namang inilingan.

"Then sino yung tinawag mong baby kagabi?" seryoso niyang tanong.

Hindi ko napigilan ang ngiting kumawala sa akin. Maybe I'm partly sadista, ang cute kasi ng mukha niya while he was grumbling a few seconds ago!

"Pamangkin ko iyon," I answered, still smiling. Natigilan siya sa tanong ko, na para bang ngayon niya nga lang iyon naisip.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon