Chapter 24

1.2K 33 2
                                    

"Nag-dinner ka na?" pambungad na tanong ni Dad sa akin habang may hawak siyang newspaper at nagbabasa.

I kissed his cheek as a greeting before I answered, "Yes dad."

"Saan ka galing?" Ibinaba niya ang newspaper at umayos sa pagkakaupo.

"Sa covered court po, I watched the basketball game." I studied Dad's reactions. Hindi naman siya nagulat o nagalit, he just looked curious. Siguro, hindi sinabi ni Mom kung ganoon.

"I heard na sikat raw ang instructor nila?" Umiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. I only shrugged as a reply at sinimulan na ang pag-akyat when he spoke again habang nakatingin na sa newspaper niya. "Nakwento pa nga ng mga kakilala ko na baka mapapadalas daw siya dito dahil may babae daw."

So may iba nga siyang kinikita dito? And I was a fool for thinking na ako lang ang palaging kinakasama niya for the past days. I really should learn from my mistakes.

"I don't know Dad, aakyat na ako at magpapahinga. Good night." I told him. I was too mentally tired para isipin pa ang mga bagay na iyan.

Dalawang linggo na ang nagdaan and I never saw a single sign of him ever again. What he told me before I got out of his car never happened, or maybe it did but hindi lang ako ang binisita.

Tulad ng sabi ni Dad, may kinikita rawng babae si Kobe at na mapapadalas siya. I've only ever been to the library and back here at home, ni anino niya'y hindi ko makita. So it's safe to conclude na dad was right.

There has been a week-long celebration so far. Ngayon kasi ang Araw at ang buong siyudad ang nagdidiwang. Most of the roads were closed off para mabigyang daan ang mga booths at tents na nagbibinta ng iba't-ibang bagay.

The main event happened inside the covered court pero dahil wala naman akong close dito'y nasa bahay lamang ako in the past days. Closed rin kasi ang library eh dahil may sariling fundraiser na ginagawa si Tita A para makabili pa ng bagong libro.

"Ara! May bisita ka!" Nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil sa ginawang pagtawag ni ate Vanessa. My heart started to beat fast habang pababa ako. Before I opened the door ay huminga muna ako para ihanda ang sarili.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakapasok na si Kara sa loob ng gate. She smiled at me widely nang makita ako. I felt disappointment start to creep its way into my heart but I shrugged it off. Bakit, Cieraphine Aragon? Sino ba ang inaasahan mo?

Nginitian ko si Kara at sinalubong siya ng yakap. "Buti nga't nakapunta ka!" I led her inside my room.

Hindi ko ikinwento sa kanya ang anumang bagay tungkol kay Kobe. I didn't tell her na in the short time na nagkikita kami ay nagustuhan ko na agad siya. Lalo na't hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit itinago siya nina Mommy mula sa akin.

Nagkwentuhan kami tungkol sa buhay namin. It was a good thing na Kara didn't bring up our conversation about Kobe. I wouldn't know how to deflect it.

I was playing with her phone habang siya naman ang nakahawak sa phone ko. Napatingin ako sa apps niyang social media sites. Hindi na rin kasi ako naging active sa mga accounts ko eh. Nawalan ako ng ganang i-activate iyon ulit pagkatapos sabihin ni Mom na naka-deactivate yun pagkatapos kong ma-aksidente.

Malapit nang sumapit ang gabi at kating-kati na si Kara na gumala sa labas. Sa kinaroroonan kasi ng bahay namin, kitang-kita ang mga ilaw na mula sa town square kasabay ang napaka-lively na tugtog na nanghihikayat sa lahat na lumabas na sa kanilang mga bahay at gumala.

"Natatae ako, Cie. Saan ba ang CR niyo rito?" tanong ni Kara habang nakapuluot ang kanyang braso sa kanyang tiyan.

I pointed to a door inside my room habang busy ako sa phone niya. Nagmamadali syang pumasok sa loob.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon