Chapter 27

1.1K 40 14
                                    

Maaga pa nang magising ako. Alicia was still sleeping but Kara was nowhere to be seen.

Naligo na ako sa loob ng banyo at nang matapos ay bumaba na agad sa resto.

Wala pang tao pagdating ko kaya madali akong naka-order ng maliit na cake. It's Kobe's birthday today at tulad ng sinabi ko kagabi, hindi ako maniniwala hanggang bumalik ang aking alaala.

When the cake I ordered, arrived, lumabas na ako ng resto at naiilang na lumapit sa receptionist. Bakit hindi ko naisipang hindi ko nga pala alam ang room number ni Kobe?

Paniguradong hindi ako basta-bastang sasabihan ng room number niya kung magtatanong ako. I can always text him pero mawawala ang pagiging surprise ng lahat ng ito.

I decided to try my luck at nilapitan na ang receptionist. "Good morning, can I have the room number of Kobe Paras?"

Her brows lifted at my question. Suplada niya akong tiningnan dahil may ginagawa pa kasi siya at dahil sa ginawa kong pagtanong ay naputol.

With the kind of look that she was giving me, nagsisi na agad ako dahil nagtanong pa. "What's your name, Ma'am?" tanong niya habang may tinitipa sa keyboard ng computer niya.

"Cieraphine Herrera,"

After a few seconds, natigilan siya at kuryoso akong tiningnan from head to foot before she returned her gaze back to the screen.

"Room 739."

Nagpasalamat na ako sa kanya at kahit na nalilito sa kung bakit sinabi niya ang room number ay sumakay na nga ako sa elevator papunta sa tamang floor.

The elevator door opened and a weird feeling settled in my stomach. Bigla akong kinabahan habang naglalakad. 739 was in the other side kaya kinailangan ko pang maglakad ng mas matagal. My head started to throb.

The hallway seemed to go on forever. My heart was beating so fast at mas lalo pa itong bumibilis sa bawat hakbang ko.

Something feels wrong. Mas lalong sumakit ang ulo ko at hindi ko na namalayang nawalan na pala ako ng balanse.

At first it came like flashes. A hallway just like this. Lights that illuminated the room just like this. A heavy feeling just like this.

Pero kalaunan ay untu-unti nang naging tuloy-tuloy ang pagbalik ng alaala ko. The last piece of the puzzle. Pakiramdam ko'y nasa katawan ako ng ibang tao. Only able to watch pero walang magawa.

Bumukas ang pinto and I watched in horror at the naked woman. Another memory flashed, I was already driving the car, tears blurred my vision.

And this is when it happened. The car left the ground and the next thing I knew, blood was already running down from my head.

"Cie? Anong ginagawa mo dito?" Nakasandal pa rin ako sa wall. I still felt dizzy and the throbbing of my head worsened dahil sa pagbalik ng alaala ko.

Cayden was right. Kobe cheated on me.

Wala sa sarili akong tumingin sa tumawag sa akin. Kakalabas lang ni Kara mula sa kwartong kaharap ng room ni Kobe. Her hair was a mess at mukhang kakagising pa lang niya.

Behind her, Ricci was standing habang nalilito rin akong tiningnan.

I couldn't answer her. Iniisip pa rin ang nalaman.

"Cieraphine!" Tatayo pa sana ako para bumalik na lang sa kwarto nang tuluyan na akong nawalan ng malay.

The last thing I saw was Kara rushing to my side while Ricci ran to the door opposite to his at walang pasabi niya itong binuksan.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon