Chapter 17

1.5K 43 10
                                    

It was already December, more specifically ay it was already the day of my last Exam. I was currently inside a cafe malapit lamang sa condo ko.

I didn't even bother changing dahil tinamad na rin akong maligo. Mag-aalas kwatro na sa umaga, wala masyadong tao sa lugar na ito. Just a couple of students na nag-aaral rin at mga joggers na maagang nagsisimula.

I wrapped my hands around the mug, glad for the warmth it provided me. Medyo nagsisi nga ako dahil hindi ako nagpalit. I was only wearing the oversized sweater I managed to steal from Kobe, na sakto lang naman sa kanya, and my shorts.

I tucked a leg under the other at uminom ng kape. Malamig na ang panahon dahil December na, dagdag pa na napakaaga pa nga ngayon tapos ang lakas pa ng aircon ng cafe. I had a strong urge to just curl up and sleep pero kailangan ko na talagang mag-aral.

I yawned a bit and stretched my arms para magising ang diwa ko. The bell near the entrance chimed, estudyante na naman sigurong mag-aaral dito.

My hands froze mid-air nang pagbukas ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Kobe. He looked so amused while he studied me. Basa ang kanyang buhok at nakaayos na siya.

Agad kong ibinaba ang aking mga kamay, inignora ko na ang pamumula ng aking mukha at nginitian siya. "Good morning!" pagbati ko.

"Morning," he greeted too. I still couldn't wrap my head around the fact na manliligaw ko na pala siya. Minsan nga nakalilimutan ko, para kasing wala namang nagbago.

Tumabi siya sa akin and I was surprised nang binalot niya ako gamit ang dalang medium-sized comforter. Damn, Kobe always knows what I need and when I need it.

Ngumuso ako nang maalala ang usapan namin kagabi. "Hindi ba't sabi ko sayong wag ka lang sumunod?" Sinabi ko kasi sa kanya kagabi na mag-aaral ako rito. He told me na pupunta raw siya para may kasama ako but I insisted na magpahinga na lang siya.

"I also need to study," sagot niya naman at itinaas ang dalang mga libro.

"Kota na ako sa mga palusot mo Paras," I told him and tapped the space beside me. Nag-order rin siya ng kape niya at pagkatapos ay umupo na sa tabi ko.

True to his words, nag-aral nga siya. Hindi ko na pinakawalan pa ang comforter na nakabalot sa aking katawan. I even tucked my legs inside para hindi talaga ako ginawin. Kung titingin ka sa malayo ay tanging kamay lang talaga ang makikita sa akin.

I glanced at Kobe na seryoso sa kanyang sinusulat. He was wearing his glasses na nakakadagdag sa studious na aura na pinalalabas niya. Mahina ko siyang binangga para kunin ang atensyon niya.

Lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay. "I'm bored," bulong ko.

"You need to study," ani niya.

Ngumuso ako pero nagpatuloy na rin. I looked outside nang makitang umuulan. A few minutes passed at hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.

Nagising lang ako when I heard Kobe's laugh near me. I looked up at nakitang nakahilig na pala ako sa kanya. "Mag-aral ka na sleepy head."

It was already 6 am when we decided to stop. Natapos ko rin naman ang dapat tapusin pero mas marami pa ata ang tulog ko kesa sa pag-aaral.

Sabay kaming umakyat papunta sa condo ko. Pagdating nami'y agad akong bumagsak sa sofa. "Iidlip muna ako sandali," pagpapaalam ko at natulog na nga.

Nagising na lamang ako nang may kumatok sa pinto. Kobe was nowhere to be found, umuwi na siguro kaya ako na ang bumakas.

Bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Kara. She looked at me up and down before her gaze slid to someone behind me.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon