Chapter 19

1.2K 38 7
                                    

It was almost midnight when we arrived back in the Philippines. Pagod na pagod na kami sa biyahe pero hindi pa rin nawala sa aking isip ang planong gawin.

Nang makuha na namin ang aming mga bag ay sabay na kaming lumabas. I turned to look at Mom who gave me a knowing look.

"Pupunta ako kay Kobe, mom," pagpapaalam ko sa kanya.

She smiled a bit bago ako niyakap bilang paalam na rin. "Take care okay? Hindi ka naman siguro pababayaan ni Kobe."

Nginitian ko na lamang si mama at bumaling kina Cayden at Jace na ngayo'y nakasimangot na habang nakatingin sa akin. "No fishy business, aight?" kunot-noong ani ni Jayden.

Tinawanan ko na lamang ang sinabi nila at umalis na nga papunta sa sasakyan kong nakahanda na. Mom was going to go with the rest of the family kasi magho-hotel na lang raw muna sila at bukas na uuwi sa Batangas.

Before I started my car ay nagtipa na muna ako ng text para i-send kay Kobe. I had no plans of letting him know that I was coming. In the past months kasi, ako na lang ang palaging nasu-surpresa sa mga galawan niya. It's nice to have something different for a change.

You:

Where are you?

I couldn't help but think about that phone call a few days ago. Marahil kung hindi ko iyon natanggap ay hindi siguro ako magkukumahog papunta roon. It's been a waiting game na kasi for months now kahit aminado akong nakikita ko rin ang kasiguraduhan sa mukha ni Kobe everytime he does things for me.

And maybe old women or men will frown at what I'm doing—going to a man's condo unit in the middle of the night para lang sagutin siya but a relationship doesn't have to rely on a man's efforts only. It has to be equally exerted by both parties for it to work.

And that's what I'm doing.

I took advantage of the fact na napaaga ang uwi namin dahil sa isang tawag na nakuha ni Cayden about an important project raw. That's why a wide grin was set on my face habang pina-park ang sasakyan sa parking lot ng condo niya.

Kinuha ko ang phone ko and saw his reply.

Kobe:

I'm in my condo, bakit?

Hindi ko na nireply-an ang text niya dahil excited na akong pumasok sa building. I felt butterflies in my stomach at para akong lumulutang ng dahil sa saya.

Maybe nothing's gonna change between the both of us kung sasagutin ko siya kasi sabi nga ni Kara na noon pa lang, parang kami na, but knowing that there's a label will assure the both of us.

Nang nasa tamang floor na ako ay muntik na akong mamatay sa gulat nang bumukas ang pinto sa kaharap na unit ni Kobe. Lumabas si Lola Ising, yung tinulungan namin noon. She smiled at me widely nang makita niya ako at ginantihan ko naman iyon.

"Live in na pala kayo iha?" She chuckled after.

"Sasagutin ko pa ho," nakangiti ko namang sabi.

"Salamat nga't nabubuhay pa ako para makitang maging kayo! O siya sige, hindi ko na papatagalin pa't matutulog na ako," pagpapaalam niya.

I stopped in front of his door at inilagay ang passcode doon. Nang bumukas ang pinto ay naramdaman ko ang mabigat at mabilis na pagtibok ng puso ko.

Kinakabahan ay naglakad na ako papasok. Nagdalawang-isip pa nga ako. Ang weird naman kasi ng ginagawa ko. Habang mas tumatagal ay mas lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ko.

The condo was silent, siguro'y natutulog na si Kobe. Maybe going here was a mistake. Dapat siguro'y ipinagpabukas ko na lang. I was about to turn around and leave when I heard something.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon