Chapter 29

1.4K 37 7
                                    

Nakangiti akong bumangon mula sa pagtulog sa sumunod na araw. Hindi pa rin nawawala ang sayang nararamdaman dahil sa ginawa ko kahapon. 

It's still hard to believe na kami na nga. After years of heartbreaks and sacrifices.

Mas lalo pang naging maganda ang mood ko nang may matanggap akong text galing sa kanya.

Kobe:

Good morning, how was your sleep?

You:

It was great! What are your plans for today?

Kobe:

Basketball training lang, ikaw?

You:

Sa office lang din like the usual.
I'll get ready now, baka ma-late pa ako sa lagay na ito.

Tulad ng sabi ko, nag-ayos na nga at pagkatapos ay dumiretso na sa office.

"Ciera? Nakikinig ka ba?"

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Jen na may sinasabi tungkol sa mga gagawin ko ngayon. This was the nth time na nag space out ako ngayon.

All because of something that happened yesterday. I just feel so happy right now at dahil dito'y halos matapos ko nang basahin ang mga kailangan for this day. Sadyang doon lang talaga ako nagspa-space out kapag nagsasalita si Jen.

"Ah—oo, continue," nakangiting sabi ko.

"Tapos ka naman sa mga gagawin mo diba? You're scheduled to visit the new factory today. Yung kakastart lang 3 months ago?" Jen looked up from her notes para tingnan kung nakikinig ba ako.

This time, tumango na ako sa sinabi niya at inayos na ang gamit para makaalis na kami.

It took me a while before ako nasanay sa mga gawain dito. Minsan kasi mas busy pa rito ang schedule ko at kahit anong gawin ko'y napapa-overtime ako para matapos. Hindi ko kasi gustong maabutan ng bukas ang dapat ay natatapos ngayon.

It was a 2-hour drive from the office na mas lalong tumagal dahil sa lala ng traffic. By the time we got there, tirik na tirik na ang init at nagpasalamat na lang akong nagdala ako ng payong. Ang init pa ng suot kong hard hat.

Dagdag pa na malapit na ang lunch at medyo nagugutom na rin ako. Sa kabila ng init, may mga trabahador pa ring ipinapatuloy ang trabaho. "Kuya, magpahinga na muna kayo't napakainit pa naman ngayon," I told them.

"Mamaya na lang ho, tatapusin lang namin 'to."

Nagpatuloy ako sa pagsasabing magpahinga na sila hanggang sa kalaunan ay napagtanto kong inaabala ko lang sila dahil sa ginagawa ko at nagtanong na lang. "Si Cayden?"

Si Cayden kasi ang engineer ng site na 'to. Natigilan ako nang may mapagtanto pagkatapos kong magtanong. I've been so happy sa mga nangyari kahapon, hindi ko man lang naisip kung paano ko sasabihin kina Mom na kami na nga.

Knowing Kobe, alam kong importante sa kanya ang opinyon nila Mom. Naramdaman ko ang bahagyang panlalamig ng aking katawan. I felt scared. Takot akong biglang hablutin ang isang bagay na matagal ko ng inaasam mula sa akin.

"May meeting pa ako. Mag-lunch ka na lang muna then we'll talk after."

Nilingon ko si Cayden na hindi man lang tumigil sa harap ko. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad palayo kaya napanguso ako.

Tama nga naman siya, gutom na gutom na nga ako. I looked at Jen na nakatulala sa direksiyon ni Cayden at bahagya siyang tinapik. "Lunch na tayo?"

"Ay! Yes! Tara, let's go!" Her answer was too enthusiastic kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nagkibit balikat lamang siya at naglakad na palayo.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon