Chapter 11

1.6K 47 17
                                    

Lampas alas singko na nang hapon nang makarating ako ng Manila. It was already the 30th of October dahil puno na pala ang flights kahapon.

Dala-dala ang backpack ay sumakay na ako ng taxi papuntang Araneta. Nagpa-reserve kasi ako ng seat kay Kara kaya pupunta na muna ako doon.

UP was trailing ADMU by a lot of points kaya mas lalo akong nainis sa traffic. But in the end, pagdating ko sa Araneta'y tapos na ang game.

Nagdadalawang isip pa nga ako kung uuwi na ba ako o maghihintay. I wouldn't even know kung nakuwi na si Kara.

Am I even waiting for Kara?

I sighed. Aminado akong hindi nga si Kara ang hinihintay ko kaya hindi ako sigurado kung anong gagawin. If I text Kobe na nandito ako, ano naman?

Aalis na lang sana ako nang makita kong palabas na ang team. Nakangiti si Bright habang ini-encourage ang mga kasamang mas maging jolly. Natatawa na lang na umiling sina Pio sa ginagawa niya.

Wala si Kobe sa grupo nila. Siguro'y umalis na kanina pa. Sa pagkakaalam ko kasi, minsan lang siya sumasama sa team pabalik.

Nakita ako ni Juan kaya kinalabit niya ang kapatid. "Hello Cie!" bati nila sa akin.

Mahina akong ngumiti at bahagyang kumaway. Dahil sa ginawang pagbati ni Javi ay napalingon ang lahat nilang kasama.

Na-conscious tuloy ako sa suot kong nagmistulang costume ni Lara Croft minus na lang ang mga punit at sugat.

"Hi!" bati ko naman sa kanila. "Si Kobe?" Hindi ko na lang inisip ang hiya na unti-unting bumabalot sa aking mukha.

"Okay na pala sila," bulong ni Ricci kay Noah na narinig ko naman.

Siniko ni Noah si Ricci nang nakitang nakatingin ako. "Nasa loob ginigising pa ni Janjan," pagsagot naman ni Noah. "Nakatulog kasi habang hinihintay kaming matapos."

In that moment, tumakbo palabas ng Araneta si Janjan habang tumatawa at sumisigaw. "Nandito na siya! Takbo!"

"Ah here he comes!" sabi pa ni Bright nang nakalapit na si Janjan sa grupo.

"Galit ba?" tanong ni Will.

"Super wala sa mood," sagot naman ni Janjan habang nakatago sa likod ni Bright.

Tahimik na naglakad palabas si Kobe habang may ginagawa sa cellphone niya. Kitang-kita na kakagising lang niya and he tried to rub the sleep off of his eyes. Nahirapan pa siya dahil suot niya ang eyeglass niya habang ginagawa iyon.

"Wag mong iwan si Kobe, Cie ah? Mainit talaga ang ulo niyan kapag bagong gising." bulong pa ni Jaydee.

Nag ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Kobe. Nalilito ako kung sasagutin ko pa ba kung nasa harap lang niya naman ako.

Bumaling ako sa kanya at nakitang nakatingin na pala siya sa akin. His phone was pressed on his ear habang ang isang kamay naman ay nasa mga mata pa rin.

My phone continued to ring kaya sinagot ko na lang iyon. "Hello?" Para akong tangang nakangiti pagkatapos ko sinabi iyon sa phone habang nakaharap sa direksiyon ni Kobe.

His mouth was slightly parted at ibinaba niya ang isang kamay na hindi nakahawak sa phone.

Hindi siya nagsalita but pinatay niya ang tawag sa phone at naglakad papunta sa akin. His tall legs brought him in front of me in a few seconds and he wrapped me in a tight hug. My feet left the ground pero hindi ko iyon pinulupot sa katawan niya nang maalala ang hiyang naramdaman ilang araw na ang nagdaan, noong nasunog ang condo.

"Kobe, nakatingin sila." bulong ko sa kanya.

"I don't care," he murmured near my ear at mas hinigpitan pa ang yakap. I felt my cheeks heat up lalo na nang nakita kong kinukunan kami ng pic ni Ricci.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon