Chapter 6

1.5K 38 16
                                    

"Hindi pa rin ako naniniwala sa mga sinasabi mo, Cie. It's Tuesday today, bakit sabay tayong naglu-lunch? Hindi ba dapat time niyo ni Kobe ngayon?" kunot noong tanong ni Kara.

Two days afer that night at tuluyan ko nang na kumpirmang totoo ang mga sinabi ni Kobe sa gabing iyon. The past weeks, we'd always have lunch together every Tuesday, Thursday and Friday but I knew that from now on it's gonna be different.

Babalik na ako sa normal na routine ko bago ko pa siya nakilala.

A phase.

That's what he is.

"Don't tell me na you let Carlo's words affect you?? Seryoso ka bang gusto mo pa rin yung Carlo na yun eh may isa namang kulang na lang ay sambahin ang lupang nilalakaran mo!"

Sa aming dalawa, si Kara talaga ang mas maingay. Kaya naman, bago pa siya mag-eskandalo dito ay ikwinento ko na ang nangyari sa gabing iyon.

The memory of how things turned out haunted me even in my waking moments. Sa tuwing natutulala ako'y nababalik sa limang segundong iyon ang aking isip. That's why I always try to keep myself busy.

"Because unlike you, I don't have random urges to kiss my other friends, Cieraphine, and I can't really focus if every time I see you it feels like you're tempting me to do something."

Pagkatapos niyang sinabi ang mga katagang iyon ay mas lalo akong nalito sa mga naramdaman. But what I do get is his point. Hindi ko lang talaga kayang paniwalaang natutukso siya sa isang katulad ko when he has the best girls willing to be chosen.

I then told him that I understood, I thanked him for his time and wished him luck after. Kahit na naluluha ay hindi ko hinayaang mahulog ang aking mga luha sa harap niya. I don't want people to see me crying because of a boy.

But then Kobe was also one of the few people na nakakita sa aking umiyak ng dahil sa lalaki. And now he's in that position.

Nang makapasok na ako sa loob ng condo ay bumuhos ang mga luha ko. In the short span of time I've spent with Kobe, I got attached badly. And maybe, just maybe it doesn't end with being attached because maybe I actually like him.

Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niya. Those words just feel too good to be true. Totoo man o hindi, it doesn't matter. Siya na mismo ang nagsabing ayaw na niyang magkita kami.

Kahit si Kara ay nagulat sa ikinwento ko. She was mad at Kobe for ditching me pero hindi niya naman kayang manatiling galit because he did it for a good cause.

But whatever happened between the both of us stays between us. Sunday na at may laro na naman ang UP against FEU. This time hindi na kami sa Patron nakaupo but near enough to still enjoy the game.

Sinadya rin naming matagal pumunta para hindi namin maabutan ang warm up nila. Buti nga't supportado ako ni Kara sa ginagawa kong pag-iwas.

It didn't start with this though.

Noong Wednesday, habang naglalakad ako sa campus papunta sa next class ko, nakita ko siya sa direksiyong pupuntahan ko sana. I had to take a longer walk para hindi kami magkita.

Thursday naman nang kasama ko si Kara. We were about to have lunch nang makita naming kumakain sa loob si Kobe kasama sina Javi. Once again, umiwas na naman ako. We had to walk fast para makaalis lalo na't alam kong nakita kami ni Javi.

And now, today.

Pagpasok namin ay nakahuddle ang dalawang teams, marahil ay may nag timeout. UP was trailing FEU kaya siguro mukhang mas tensyunadong tingnan ang Fighting Maroons.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon