Chapter 28

1.3K 45 30
                                    

Gising pa sina Kara at Alicia pagbalik ko. Ikinwento ko sa kanila ang nalaman. Tulad ko'y nagulat rin sila.

"Tapos?" Kara asked eagerly. Her face mask disabled her to move freely kaya hindi maayos ang pagkakasabi niya noon.

"I told him I had enough of things at na gusto ko nang mapag-isa." pagsagot ko naman.

"ANO!?"

"Ate! Bakit mo ginawa iyon?"

I looked at them in surprise. Inakala kong masisiyahan pa nga sila kapag nalaman ang naging desisyon ko. After all, they've been dead set on keeping us apart.

"It's the right thing to do!" sabi ko.

Kitang kita ang pagtitimpi ni Kara sa harap ko. Kulang na lang ay tanggalin niya ang face mask at pagalitan ako. Alicia on the other hand looked frustrated.

"Ate! That was before we found out the truth." Alicia said.

Umiling ako sa sinabi niya. Alam ko kasi sa sarili kong hindi pa ako handang sumugal ulit. And I can never know if magiging handa ba ako any time soon.

The next day, napag-alaman kong umuna na pala sa pag-uwi si Kobe. Ricci and the others remained. Once again, na-guilty ako. Hindi ko napigilang isisi sa sarili ang pag-alis niya.

At least, in the short span of time that we've met again, I'm sure that his feelings were true.

I spent the rest of our days in Boracay, silent. Palaging iniisip ang mga desisyon ko sa nagdaang araw. Dagdag pa sa mga iniisip ko ay kung paano sabihin kina Mom ang totoo.

Hindi naman kasi deserve ni Kobe ang turing nina Mom sa kanya.

Kakauwi lang namin mula sa Boracay nang ikinwento ko sa kanila ang nangyari. At first, they didn't believe me at nagalit pa nga sila dahil sa ginawa kong pagbisita sa kanya pero kalaunan ay natanggap rin nila.

Now, weeks later, I stretched my limbs after hours of work. Malapit nang mag-alas kwatro sa hapon at nasisiyahan akong natapos ko na ang trabaho.

Kakakuha ko lang sa position a week ago and the rest of the weeks before were scheduled for my training.

Wala sa sarili kong inabot ang cellphone at napatitig na lang sa contact niya sa phone ko. Hindi ko alam kung bakit naghihintay ako pero in times like these, I'd randomly find myself looking for him.

UAAP Season na kaya mas busy ang kompanya ngayon lalo na't isa kami sa mga companies na sponsors.

Bumukas ang pinto at pumasok ang secretary kong si Jenica. "We're scheduled to leave for MOA 5 minutes from now, Cie," ani niya.

Sinanay ko na rin ang mga katrabaho kong tawagin lang ako sa pangalan. Nakakailang kasing tinatawag nila akong "Ma'am".

Nagpasalamat ako sa kanya bago inayos ang sarili. Ito ang kauna-unahang pagkakataong pupunta ako sa isang laro ever since that Do-or-Die game against UST.

Naisingit na rin ito sa schedule ko dahil kailangan ring magpakita ako sa iilang events na sino-sponsor ng company. Hindi naman ako nagrereklamo dahil para na rin masupportahan ang Alma Mater ko mamaya.

It was going to be a game between UP vs DLSU.

Habang pababa kami sa elevator ay may mga nakasabay kaming mula sa Finace Dept. They were chattering excitedly at nang makita nila ako ay bumati.

"Good afternoon rin, saan ang punta niyo?" I said at sinuklian rin ang ngiti nila.

"Pupunta po kaming MOA, tapos na rin kasi kami sa trabaho kaya titingin kami sa game ngayon," pagkwento ng isa

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon