Chapter 9

1.5K 42 4
                                    

Kinaumagahan, ikinwento ko nga kay Kara ang nangyari. Hindi nga ako makapaniwala nang kinampihan niya si Kobe. Ayon pa sa kanyang tama nga naman ang rason niya with Sandra.

"Knowing Sandra, she probably doesn't have any sense of decency." I remembered her saying. "At hindi ko sinasabi ito dahil lang kampi ako kay Kobe ah? I'm saying this because even in her relationship with Carlo, kadalasa'y nakikita ko rin siyang nakikipaglandian sa iba."

Umiling na lang ako sa sinabi niyang iyon. Parang kahapon lang nang grabe ang ginawa niyang pagmumura kay Kobe.

Kasalukuyan akong nasa loob ng airport, hinihintay ang flight ko. Sunday na at ito ang unang beses na hindi ako makakadalo sa game ng UP mula noong nagkakilala kami ni Kobe.

Umuwi ako sa bahay namin kahapon para tuluyang mapanatag si Mom sa kalagayan ko. I told her na sasama nga ako kina Kuya Cayden, cousin ko sa side ni Mom para makatulong sa Mindanao.

Panatag naman si Mom dahil Structural Engineer si Kuya kaya may tiwala siyang hindi ako malalagay sa panganib. She even gave me instructions na wag raw umalis sa tabi ni Kuya but I know that it's impossible.

Kasama namin ang iilan pang volunteers na tumanggap sa offer ni Mom. We're going to be gone for a week at alam kong magiging mahirap iyon sa akin dahil sa workload na kailangan kong habulin pero hindi ko na muna iyon inisip. Nakapagpaalam na rin naman ako.

Habang hinihintay ang flight ay kausap ko pa si Kara sa phone ko. Even though wala ako, dumalo pa rin siya sa game. But this time, nakaupo na siya sa Patron.

"Kakaupo ko lang," ani Kara and let out an exaggerated moan. "So good to be back sa bandang ito, kung sana walang nag-aaway diyan sa gilid gilid edi sana hindi ako nailayo dito."

Tinawanan ko lang siya sa kaniyang sinabi. Hindi ko namalayang napalakas pala ang tawa ko dahil nakuha ko ang atensyon ni Kuya. "Who's that?" tanong niya, in his overprotective stance.

I have another male cousin kasi sa side ni Mom but he's still in med school kasi sa labas ng bansa kaya hindi siya nakasama. Bago pa ipinanganak ang iba ko pang mga pinsan, kaming tatlo ang palaging magkasama and back when I was still 10 at high school na sila ay palagi nilang ipinapangakong bantay sirado ako pagdating sa pakikipagrelasyon.

Kaya hindi na ako nagulat sa tono ng boses niya. "Si Kara lang." I said dismissively. Kumunot ang noo ko nang instead of losing interest para pang nawala ang lahat ng hints na inaantok siya. Fishy.

Kara requested for a FaceTime at sinagot ko naman. We never really used this in the past kasi sabi pa niya, nasasawa na raw siya sa mukha ko at ayaw niya nang kahit simpleng phone call ay nagkikita pa kami. Kaya naman nagulat ako sa ginawa niya.

She was grinning like an idiot sa screen, ang camera ng phone niya ay ilang dangkal na lang at masusubsob na sa mukha niya. Kung titingnan siya ng ibang tao roo'y aakalain siguro nilang may sira siya sa utak kasi may binubulong siya sa camera.

"May naghahanap, Cie." nakangising ani ni Kara. My brows scrunched in confusion. Ipinaalam ko na naman sa mga taong posibleng maghanap sa akin na aalis ako ngayon ah?

"Sino naman?" tanong ko. I scavenged for my earphones sa aking bag pero hindi ko ito makita at ang sama na ng tingin ni Kuya sa akin. Marahil ay narinig ang sinabi ni Kara. Hilaw ko siyang nginisihan bago nagpaalam. "Maglalakad lakad lang sandali, kuya."

Tumango lamang siya pero habang papalayo ako ay ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin.

"Okay na ba?" pabulong na sabi ni Kara. I glared at her. Alam niya kasing kasama ko si Cayden ngayon at kung gaano siya ka protective.

"Ang laki ng bunganga mo, o sige sino ba?" I asked her when I was already out of his earshot.

Her camera shook a bit at bumaliktad ang camera. It was facing the court na puno na ng mga players na nagsisimula ng mag warm up. The UP Fightig Maroons were on the other side kaya medyo natagalan pa before she managed to zoom it in to Kobe na nagwa-warm up nga.

"Ilusyunad ka rin Kara. What part of that is looki—"I stopped talking nang pagkatapos niyang maka shoot ng tatlong 3 points worth of balls ay lumingon siya sa lugar kung saan pumapasok ang mga titingin sa game before moving his gaze sa mas mataas na parte ng UP side bago bumalik sa banda ni Kara.

Nakita kong kumunot ang noo ni Kobe nang makita ang phone ni Kara na nakatutok sa kaniya. Narinig kong humalakhak si Kara sa background. "Haba ng hair ah, kahit wala dito hinahanap." wika pa niya.

I admit that I've been pondering over the things that happened noong gabing iyon. Tama nga si Kara, may mali ako. Pero may mali rin kasi si Kobe eh at alam kong magiging mahirap para sa aming dalawang ibalik ang dati.

My argument was wrong that night and I accept that. Looking at him now habang ipinagpatuloy ang pagsho-shoot tapos ay lilingon na para bang may hinahanap ay nakatataba sa puso.

Sana ibinaba ko na lang ang pride ko. It was my pride that spoke that night, taunting me dahil inakala kong ganoon lang ako kadaling palitan. Pride plus the pent up frustration that I've secretly kept and unknowingly nurtured.

Nagswitch na ng side sa court ang players at mas malapit na sa kinauupuan ni Kara. Ibinalik niya sa dati ang camera at nakaharap na itong muli sa mukha niya. She grinned at me. "I told you so!" She said in a sing-song voice.

"Oo na, ikaw na ang tama." Pabiro ko siyang inirapan. Nag-usap pa kami tungkol sa iilan pang mga bagay. After a while ay muli na naman siyang ngumisi.

"He's at it again." bulong niya sa camera.

"Let him focus, Kara. Wag mong palaging tutukan ng phone camera." Natatawang sabi ko. Nilingon ko si Kuya na nagbabasa na ulit ng libro. "If it does something, eto na ang hinahanap mo oh." I teased her then pointed the camera to Kuya Cayden na lumingon naman pagkatapos kong ibinaliktad ang camera para makaharap ito sa kaniya.

Kitang kita ang pamumula ng mukha ni Kara. Ah yes, nothing like revenge. Ibinalik ko na ang  camera para nakaharap na ito sa akin. I was still laughing na ang sama na ng tingin ng ibang taong malapit sa akin. When I looked back at the screen, nakita kong naka-zoom in na ang mukha ni Kobe, but this time he didn't look confused, instead mas mukha siyang gulat.

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi at naramdaman ko ang pamumula ng mukha. Kara was laughing in the background while saying "Naka-front cam iyan, kita niya mukha mo."

Inilayo ko ang mukha ko sa screen at pinatay na ang FaceTime. Damn! Naisahan ako doon ah! Sigurado akong nakita niya ako, sa linaw ba naman ng tawag namin.

Bumalik na ako sa upuan namin at timing naman at pagdating ko'y boarding na namin. Kinuha ko na ang bag ko at pumasok na.

See you in a week, Manila.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon