Chapter 3

1.7K 51 7
                                    

Kobe:

Are you home?

Natanggap ko ang mensahe niya right when I was about to open the door to my condo. Pumasok muna ako bago siya ni-reply-an.

You:

Just arrived. Ikaw ba?

Hindi ko pa rin mapaniwalaang hindi ko man lang naisip na ang nakilalal ko palang Kobe ay si Kobe Paras. The fact that he's tall should've been an obvious hint pero hindi ko nakita.

I showered first at tumungo na sa kwarto ko para humiga na sa kama. What a day indeed.

Kinuha ko ang aking phone at nakitang may message siya.

Kobe:

Kakarating lang rin.
Matutulog ka na?
Good night then

The last message was just sent. Agad naman akong nagtipa ng reply.

You:

Nagshower lang.

Kobe:

You should rest
Good night

Napanguso ako. Is he dismissing me? Baka nga't may ginagawa siya at nakakaabala ako. Mas mabuti nga at sinasabi niya kaysa namang wala akong kaalam-alam if ever.

You:

Good night

A part of me was troubled habang natutulog but I decided to shrug it off.

Tuesday ng umaga nang muli kaming nagkita in person. Kahapon ay nakatanggap lang ako ng message mula sa kanya na binabati ako ng 'Good morning'. Hapon na nang nabasa ko iyon kaya hindi na ako nag reply.

Katatapos lang ng last class ko for the morning at naglalakad lang ako sa campus habang iniisip kung saan ako kakain ng lunch. Hindi pa rin naaayos ang sasakyan ko at dahil mamaya pa naman ang next class ay naisipang okay lang na matagal akong kumain.

A familiar car slowed down beside me at bumaba ang window nito. "Lunch?" tanong ni Kobe.

"Basta ba't libre ko naman!" nakangiting sabi ko at sumakay na. "Ikaw na nga tong nagd-drive tapos di kita pinapakain, nako di pwede iyan."

"Good morning to you too." tanging sabi niya.

He was wearing casual clothes, kagagaling lang siguro sa klase niya. Tahimik siyang nagmamaneho kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa labas.

After a few minutes, tinanong ko siya. "Have you ever considered shaving your goatee?" I gestured at my own chin habang ang isa ko namang kamay ay ginamit ko upang damhin rin ang goatee niya.

His beard was rough on my palm at medyo nakakiliti ito kaya binalik ko ang aking kamay sa gilid. He slightly turned to my direction and just looked at me.

"I haven't. Gusto mo bang tanggalin ko?"

I blinked.

Nakatingin pa rin siya sa akin. Inobserbahan ko naman ang mukha niya. Nang dahil sa goatee niya, he looks more mature kaya rin siguro hindi niya naisipang tanggalin ito.

"Wag na. I like it." I said nonchalantly pero deep inside medyo naiilang ako sa bigat ng titig niya sa akin.

Tumingin ako sa paligid nang napansing nakatigil na nga ang sasakyan sa isang eat-all-you-can restaurant. "Let's go?" pag-aya ko sa kanya nang paglingon ko'y nakatingin pa rin siya sa akin.

Lumabas na ako at hinintay na makaikot siya mula sa kabilang banda ng sasakyan at sabay na nga kaming naglakad papasok.

Wala masyadong tao sa loob pero nang pumasok kami ay napatingin ang iilang customers at staff sa kasama ko. Such a head turner talaga.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon