Chapter 26

1.2K 32 8
                                    

True to his words, bumisita nga siya every Saturday. Weeks passed and before I knew it, palagi ko nang inaabangan ang Sabado.

It was already the 2nd Saturday of September at maaga akong nagising ngayon kaya nagluto na rin ako ng agahan namin.

Pagkatapos kong magluto ay umakyat na ako sa kwarto para magbihis na so I could go to the town square kung saan palagi kaming nagkikita.

My phone beeped kaya tiningnan ko muna ang nakuhang text.

Kobe:

Good morning, I'm so sorry I can't go right now. May kailangan kasi akong tapusin. I'll visit you before this coming Saturday.
Take care

Magrereply pa sana ako nang may isa na namang text na pumasok galing kay Mom.

Mom:

Goodmorning anak!
I'm an hour away from you na.
Prep your things and we'll be going home!

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom. In the past 4 years, hindi ako nakatapak sa kahit saan mang bahagi ng Luzon na naging parte ng buhay ko noon.

They didn't want me to be overwhelmed with how familiar the place was kaya nila ako ipinadala rito. And now, Mom was telling me that I'm gonna leave this place instantly.

Bumaling ako sa labas ng bintana. Kahit paano, napamahal na ako sa lugar na ito. Knowing the big city, I'm pretty sure I'm gonna miss the solace this place gives.

Tulad ng sabi ni Mom ay inihanda ko na rin ang mga gamit ko. Dahil tulog pa si Dad ay hindi ko pa siya nasabihan. In the middle of packing, pumasok si ate Vanessa sa aking kwarto at diretsong umupo sa kama.

"Susunduin ka na?" tanong niya.

"Oo eh, papunta na si Mom." I stopped packing first at mahinang nginitian si ate. "Thank you for everything, ate."

Sinuklian niya ang aking ngiti bago siya nagpalabas ng buntong hininga. "I don't mean to meddle," panimula niya. Nagpatuloy rin naman ako sa ginagawang pagliligpit.

"Nung dumating ka dito, hindi ko sinasadyang mapakinggan ang pag-uusap ni Tita at ni Dad. Tita was giving Dad instructions and she specifically told him na hindi ka raw dapat lumalapit sa mga tao o bagay na kaugnay sa basketball."

Mas lalo akong nalito sa mga ginagawa ni Mom. Bakit? May kinalaman ba ito kay Kobe? In our past meeting, I'd always hear Kobe mumble to himself about how he badly wants to explain the truth.

"Dad has grown relaxed over time, marahil iniisip na ayos na ngayong suwayin ang utos ng nanay mo dahil ilang taon na naman ang lumipas. But I really think that it has something to do with Kobe."

Natigilan ako sa sinabi niya. So we were thinking of the same thing then.

"Nung gabing pumunta kayo ng bar ni Kara, naaalala mo naman sigurong si Kobe ang naghatid sa'yo pauwi? I had the chance to talk to him then, to make sure that his intentions are pure. Hindi ko man alam ang buong kwento, Ara pero kitang kita ko ang paraan ng pag-aalaaga niya sa'yo and the way you both look at each other. Mag-ingat ka," wika niya bago ako binalot ng yakap.

I've been lying to myself ever since I met him, aminado na ako. Oo nga't sumasama ako sa kanya dahil gusto ko siyang maalala but the feelings that also grew inside me were overwhelming.

Very overwheling to the point that I'm so damn ready to give in to the temptation of being with him.

Nakakalimutan kong sinusubukan ko palang alalahanin ang nakaraan namin. But still, I hold back.

No matter how serious we both are in whatever this is that we have, I'm not that dumb para sumugod sa isang digmaan habang nabubulag pa ako sa isang napakaimportanteng detalye.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon