Chapter 4

1.8K 54 7
                                    

Swerte nga ako nang ang class ko pala tuwing Wednesday ay 7:00-10:00 am at wala na akong ibang klase pa.

Maaga kaming dinismiss ng 9 am prof ko kaya nagmamadali akong lumabas ng room. Kinuha ko ang aking phone at tinext si Kara.

You:

San ka na?

10:30 kasi magsisimula ang game tapos siguradong matatagalan pa kami dahil sa traffic. I checked in with my car earlier pero ang sabi ay hindi pa rin daw nagagawa kaya sasabay ako kay Kara ngayon papuntang MOA.

Kara:

Nasa lobby ng condo mo, san ka?
I've been waiting for you to come down!

Bumuntong hininga ako. Ulyanin talaga tong si Kara. Tinawagan ko siya and after a ring ay sinagot niya naman.

"Nasa school ako! Katatapos lang ng class ko," agad kong ani.

"Punta ka na lang dito sa condo mo at may gagawin ako sandali. Bilisan mo ah!" sagot niya at pinatay na ang tawag.

Soemtimes, Kara can be so bossy pero pinalalampas ko lang kasi ganun rin naman ako paminsan-minsan. Kaya siguro nagtatagal ang pagkakaibigan namin.

Whenn I arrived, it was already clear na matatagalan kami. Pagpasok namin sa condo ay dumiretso si Kara sa loob ng kwarto ko.

"Cie!" tawag niya. "Punta ka nga dito at magbihis ka! Ang stressed mo tingnan sa suot mo ngayon, typical iska."

Pumasok nga ako sa kwarto at hinarap siya bago pabirong umirap. Tumawa lamang si Kara. She's right though. Kagagaling ko lang sa magkakasunod na oral recit at long quiz kaya sino ba naman ang hindi mas-stress sa lagay na yan?

I changed into my shorts at spaghetti top na tinabunan ko naman ng maroon jacket ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakatayo na si Kara habang may tinitipa sa cellphone niya. Nang marinig niya ang paglabas ko ay lumingon siya. "Tara na?" ani niya.

Second quarter na nang nakarating kami sa loob. Nakita ko agad si Kobe at matapos ang ilang segundo ay lumingon siya sa direksiyon ko. I cheered him on at umupo na nga.

The game was very close lalo na nang dumating ang 4th quarter. Nakatayo na ang lahat sa huling 10 seconds na laro. Malakas na rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nang naubos ang 10 seconds ay napasigaw kami ni Kara nang tuluyan ng nanalo ang UP.

What a win!

Agad kong tinext si Kobe ng congrats at kinalabit na si Kara para umalis na. I don't really expect na magkakausap pa kami ngayon dahil siguro'y busy nga siya. In fact, hindi ko rin inasahang magkikita pala kami kahapon or na papansinin niya ako.

It is after all, basketball season at alam kong nagiging abala ako sa kaniya kung ipagsisiksikan ko ang sarili. I don't want that.

"Kain tayo sa labas!" pag-aya ko kay Kara.

Umiling lamang siya at inabot ang bag kong siya ang nagdala. Nang makuha ko ito'y gulat ko siyang tiningnan. Bakit ang bigat?

"Kompleto na iyan, you just have to enjoy." wika niya at umalis na. Susunod pa sana ako nang may tumawag.

"Cie!" Gulat kong tiningnan si Kobe na nakasandal sa nakaharang para hindi kami makarating sa court. First time niya atang tinawag ako sa aking pangalan. Nilingon ko muna si Kara na nakalayo na at binigyan niya ako ng thumbs up bago tuluyan ng umalis.

"Hi! Congrats nga pala! Ang galing mo!" nakangiting ani ko. Dahil nakasandal siya'y medyo abot ko na ang tuktok ng ulo niya kaya tinapik ko iyon.

Narinig ko ang malakas na tawanan ng iilang kasama niya. "Aso ka lang pala pre!" ani Noah. Nakangisi ko silang tiningnan natatawa pa rin. Naabot ang tingin ko kay Coach Bo. He nodded at my direction pero hindi siya mukhang natutuwa.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon