Chapter 14

1.5K 42 8
                                    

Katatapos lang ng klase namin at kasalukuya'y hinhintay ko pa ang in-order kong boxes of pizza.

Kare-release lang kasi ng official statement ng UAAP Board about sa Mythical Five at naisipan kong magdala ng makakain para i-congratulate si Kobe for being part of it.

My trip back home went well. Kinabahan pa nga ako nang magkita kami ng buong pamilya ko especially when I found out na Jace and Cayden were there. Baka kasi ikinwento ni Mom ang nakita niya.

Wala naman akong problema when it comes to my whole family knowing about Kobe. Wala rin naman kasi akong tinatago eh. It's just that kung iyan nga ang mangyayari gusto kong desisyon naming dalawa na ipakilala si Kobe at hindi mula kay Mom.

Especially with my cousins around na napakastrikto at binibigyan ng malisya ang lahat. Muntik na nga nilang mabugbog si Carlo noon if it wasn't for Sandra na dumating at ipinakilala ang sarili bilang girlfriend ni Carlo.

Nakahinga lang ako ng maayos, assured na hindi nga nagkwento si Mom nang makabalik na ako sa school at walang kahit anumang tanong ang ibinato nila sa akin.

Nagpasalamat na ako nang ibinigay na ang order ko sa akin. Pumasok na rin ako sa aking sasakyan at dumiretso na sa gym. Kara wasn't around dahil may ginagawa pa raw siya kaya mag-isa lang muna ako ngayon.

During my time at home, limitado lamang sa mga pagbati ang texts namin ni Kobe. Naging busy rin kasi ako sa bahay sa pagtulong sa mga ginagawa at tuwing nababasa ko ang texts niya ay late na. Kung mag-rereply ako'y hindi na siya nakakareply dahil nagsisimula na siguro ang training nila.

Pagbalik ko naman dito'y sandali lang kami nagkita kasi may training pa sila. Napagkasunduan na rin naming hindi na muna kami sabay na mag-lulunch like usual kasi may training sila.

I know how important their remaining games are kaya hindi na ako umangal pa.

Nang makarating na ako ay bumaba na ako sa sasakyan. After getting the boxes in one hand and my phone on the other ay pumasok na ako.

Hindi pa ako nakakapasok ay napansin ko nang hindi masyadong maingay ang lugar. Only a single ball can be heard bouncing.

Nang tuluyan na akong nakapasok ay nakita kong mag-isa lamang si Kobe. He was only wearing his basketball shorts, his well-toned back was facing me at may iilang butil ng pawis ang tumutulo roon.

Kahit na hindi naman ito ang unang pagkakataong makita ko siyang walang suot na pantaas ay may parte pa rin sa aking hindi mapigilang hindi humanga.

Nakahanda na siyang mag 3-points. He bounced the ball a couple of times and then went for the shot. Dumiretso ang bola sa loob ng ring at tumakbo siya para kunin iyon.

"KOBE PARAS, THREEEE!" I tried to imitate the voice of the barker at ipinalalim ang aking boses pero nagmukha tuloy akong tanga dahil sa ginawa.

Gulat na lumingon si Kobe sa gawi ko habang dala na ang bola sa isang kamay. Nang nakita niya ako ay agad siyang ngumiti ng malapad at binitawan ang bola.

Napangiti rin ako nang makitang nag jog na siya papunta sa akin. Ang cute niya kasi! Para siyang batang nae-excite.

Hindi siya nagdalawang isip na yakapin ako. I tried to return his hug pero may hawak akong box ng pizza kaya hindi ko iyon magawa.

Napanguso ako nang maamoy siya. He still smelled so manly kahit na halos maligo na siya ng pawis. Naramdaman kong bahagyang nabasa ang aking suot dahil sa pawis niya pero pinabayaan ko na lang muna because admittedly, I was enjoying this.

"I missed you so much," bulong niya after kissing the side of my head. Umayos na rin siya sa pagkakatayo at tiningnan ang dala ko.

"Congrats for making it to the Mythical 5!" bati ko sa kanya at  tinaas ang aking dala. I jumped a bit para maabot ang pisngi niya and kissed his cheek.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon