Chapter 12

1.5K 50 20
                                    

"Sigurado ka ba? I can tell Mom naman na may importanteng lakad ka."

I ased Kobe for the nth time. Nasa loob na kami ng sasakyan niya. Unlike kanina mas mukhang composed na siya ngayon pero alam kong grabe ang kabang tinatago niya.

Nang nagpaalam kami sa ibang teammates niya ay tinukso pa kami ng mga kasama at binati si Kobe ng good luck.

"Nope. I'm ready," sabi niya.

Alam kong ang unfair para sa kanya na tinatawanan ko ang sitwasyon niya ngayon but I just couldn't help it! Every now and then, the facade that he tries to bring up fades at makikitang ninenerbyos nga siya.

"Hey, hindi naman nangangagat si Mommy." mahina kong sabi habang nakangiti.

"Nangangain lang?" ani niya.

Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi. I feel so bad for him and the stuff running inside his head right now.

"Just act normal," huling sabi ko.

The rest of the drive to my condo ay nanatili kamimg tahimik. Paminsan minsan ay inoonserbahan ko siya at habang tumatagal ay parang hindi na siya kinakabahn.

Nang nakaabot na kami sa condo ay dumiretso na sa kinaroroonan ng room. Kinatok ni Kobe ang pinto at nang walang sumagot ay ako na naman ang kumatok.

No one answered.

Itinulak ko ang pinto at bumukas naman ito. We were greeted with complete darkness. Kinapa ko ang wall sa malapit para sa switch o anumang pwedeng gamitin para ilaw.

I felt Kobe doing the same to the other side. May nahawakan akong switch at pinindot ko iyon. The room was instantly filled with light.

Sa gitna ng sofa sa sala, Mom sat with her legs and arms crossed. Seryoso ang mukha habang tinitingnan si Kobe.

"Ma naman! Ano na naman tong pakulo mo?" I asked her at naglakad para halikan ang pisngi niya. When I leaned in to kiss her cheeks, she murmured something that I almost didn't hear. "Ito ba yung nagmura? Gwapo nga." Then she giggled a bit.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Muli kong nilingon si Kobe na nasa tabi ko na. Tumayo na rin si Mom para maayos ko silang maipakilala sa isa't-isa.

I saw how Mom blinked twice nang tuluyan nang nakalapit si Kobe. Hindi siguro inaasahang ganito siya ka taas. Yumuko si Kobe para magmano kay Mom at pagkatapos ay umayos sa pagkakatayo. He looks composed as ever.

"Kobe, si Mom pala." I started. "Mom, si Kobe."

Umupo si Mom kaya sumunod rin kami. I badly wanted to tell her na hindi pa kami naghahapunan pero I didn't want to break the atmosphere. Ngayon pa tuluyang nag settle in sa akin ang bigat ng meeting na ito.

Mom can be goofy at times pero when it comes to protecting me and ensuring my safety, you wouldn't really want to cross her.

"You look familiar, have we met?" seryosong tanong ni Mom. Her hands were on her lap and her back straight. Umayos naman ako sa pagkakaupo, na conscious sa poise ng ina.

"He does adver—"panimula ko.

"Let him speak for himself, Aragon," Tuluyan na akong tumiklop dahil sa paggamit ni Mom ng second name ko. She really means business at mas lalo na akong kinabahan. I shouldn't have made fun of Kobe kanina.

"I play basketball for the UP, po. I also advertise some brands." Seryoso ring saad niya. I couldn't help but be awed at him. Parang kanina lang kabang kaba pero ngayo'y walang trace ng anumang kaba na ipinakita kanina.

"I see, kaya pala napapadalas si Ciera sa games." Mom turned her gaze to me pero nanatili itong seryoso.

"Tumitingin naman talaga ako ng basketball games noon ah," mahina ko na lang binulong.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon