Meet Nadiah,Nadiah Cordero, maganda, may katamtamang taas,maputi at makinis ang mga balat.Sa unang tingin aakalain mong siya ang chinese actress na si Shen Yue.Kabaligtaran ni Noel,si Nadia ay masayahin.Sanay siyang magpakababa at magpakatao dahil ganoon siya pinalaki ng mga madre at pari na kumupkop sa kanya.Baby pa siya noon nang mapulot siya sa harapan ng simbahan.At mula noon ay hindi na niya nakilala pa ang tunay niyang mga magulang.
Kasalukuyan siyang nakasakay ng Jeep papunta sa isang job interview.Halos hindi gumagalaw sa traffic ang jeep na sinasakayan niya kaya naman panay ang silip niya sa relos niyang suot.Isang oras na lang at malelate na siya sa intinakdang oras ng interview niya kaya naman ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya.
"Lord please help me!"panay ang usal niya ng dasal.
Hanggang sa magpasya na siyang bumaba na lang sa Jeep.Halos lakad takbo ang ginawa niya at hindi na niya alintana ang init at dumi ng hangin humahampas sa mahaba niyang buhok.
Matapos ang kalahating oras narating na rin niya ang kompanya.Muli siyang sumilip sa relos niyang suot.Kalahating oras na lang ang natitira bago mag start ang job interview niya.Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya.Nang bumukas ang elevator nakipag unahan siyang pumasok.Halos siksikan na sa loob.Tumunog ang warning sign na kailangang magbawas ng tao.Pero dahil lahat mukhang nagmamadaling makapasok walang ibig lumabas.Dahan-dahang kumilos si Nadia at lumabas ng elevator.At doon naman halos sabay sabay napabuntong hininga ang iba.
Ngumiti pa siya sa mga ito bago tuluyang magsara ang elevator.
Muli siyang sumilip sa relos niya,ilang minuto na lang ang natitira para sa appointment niya sa boss.Babaling na sana siya sa kabilang elevator nang mabangga niya ang isang lalaki mula sa likuran niya.
"Sorry po sir!" magalang sabi niya.
Hindi ngumingiti ang lalaki at seryoso lang na nakatingin sa kanya.Nagbaba ng paningin ang dalaga.Pagbaling niya sa ikalawang pinto mabilis itong napuno ng mga empleyadong nagmamadali na rin ng mga oras na iyon.
Lumingon siya sa likod marami pang empleyadong naghahabol sa oras kaya tumabi na lang muna siya at naghintay hanggang sa siya na lang at ang kaninang nabangga niyang lalaki ang natira.
Halos sabay pa silang pumasok ng elevator.
"Lord please sana po pwede pa akong humabol!" usal niya.
Napakunot ang noo ng lalaki nang marinig ang ang bulong niya.
Naiiling itong sumulyap sa kanya.Nakayuko ang dalaga kaya hindi na nito napansin ang lalaki.
Nang bumukas ang elevator sabay din halos silang lumabas.
Halos magkasunod din silang naglakad at pumasok sa iisang silid.
"Good morning sir!" bungad ng mga empleyado sa lalaking sinusundan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Nadia.
"Siya kaya ang boss?" bulong pa niya.
"Excuse me miss,may I help you?"approach sa kanya ng isang babae.
"Ah,Yes ma'am good morning!I'm Ms. Nadiah Cordero,I'm having an interview with Mr.Noel Anthony Badajos?"
Saglit na tiningnan ng babae ang hawak na log book atsaka siya pinapasok sa silid kung saan din pumasok ang lalaki.
"Ma'am pasok po kayo sa glass door sa kanan hinihintay na po kayo ni President!"nakangiting sabi ng babae.
Nanlaki ang mga mata ni Nadia.
"President ng company po?" alanganing tanong niya.
"yes! ma'am!" nakangiting sagot ng babae.
Natarantang inayos niya ang nalukot niyang damit at sinuklay ng mga daliri ang nagulo niyang buhok.
"Go ahead ma'am!hinintay na po kayo ni sir!" muling sabi ng babae.
Nang makapasok sa loob ng silid lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang matanaw niyang nakaupo na at naghihintay sa kanya ang lalaking kanina lang ay inakala niyang ordinaryong empleyado ng kompanya.
"Have a seat!"seryoso ang mukhang sabi nito.
"Nadiah Cordero right?" bungad nito.
"Yes,sir!" mag apply ka pala, bakit nagpaubaya ka sa elevator kanina?hindi ba dapat nagmamadali kang makarating sa appointment mo?" seryoso ang mukhang sabi nito.
Namutla si Nadiah at bahagyang napayuko.
Napakunot ang noo nang lalaki.
"Si Alvin,paano mo nakilala?"sunod na tanong nito.
"po?sino pong Alvin?" kunot ang noong tanong niya.
"Hindi mo kilala si Alvin?" nakakunot din ang noong tanong ni Noel.
Napabaling ang tingin ng dalaga sa ballpen na hawak ng binata.At doon niya naalala ang lalaking kumuha ng resume niya.
"Ah,Alvin po ba ang pangalan ni sir na naghiram po ng ballpen na 'yan sa akin?"nakangiting sabi ni Nadia sabay sulyap sa ballpen.
Natigilan naman ang binata at napasulyap din sa hawak na ballpen.
"So,hiniram niya lang talaga 'to?"napakunot noo pang tanong nito habang hawak ang ballpen.
"Opo,kahapon po sa malapit sa asian restaurant!" nakangiting sagot ng dalaga.
Bahagyang natigilan ang binata.May kakaibang karisma ang ngiti ng dalaga na tila nanghahalina.Ilang saglit siyang napatitig sa matamis at inosenteng ngiti ng dalaga.
"Marunong ka bang magdrive ng kotse?"tanong nito nang muling makabawi.
"Yes po sir!" mabilis na sagot ng dalaga.
"Good!kailangan ko ng secretary na marunong magdrive!Since recommended ka naman ni Alvin,let's see kung kakayanin mo ang trabaho".
"Tanggap na po ako sir?" nakangiting tanong ng dalaga.
"Yes!Pwede ka ng magsimula bukas" seryoso at hindi ngumingiting sabi nito.
"thank you po sir!"halos hindi maitago ang tuwa ng dalaga.
"follow me!" Agad na tumayo ang binata at naglakad sa hallway pabalik ng sariling opisina.
Matapos niyang maipakita kay Nadia ang pwesto ay pinauwi na rin niya ito.
Halos hindi makapaniwala si Nadia na tanggap na siya sa trabaho kaya naman agad siyang dumiretso sa pinakamalapit na simbahan.
BINABASA MO ANG
Nads & Noel
RomansaMeet Noel ang presidente at istriktong boss na hirap magtiwala sa ibang tao.Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. Meet Nadiah ang simple at magandang sekretarya ni Noel.Aakalalain mo ba na ang simpleng dal...