Kapansin pansin ang pagdistansiya sa kanya ng dalaga.Bihira na rin itong magsalita, sasagot lang ito kapag tinatanong niya hindi katulad dati na makwento at masiyahin ito.
"May sakit ka ba?" aniya sabay salat sa noo ng dalaga.
umiling lang ito atsaka nagbalik ng tingin sa kalsada.
Nang tumigil ang bus sa mismong harapan ng company.Agad na tumayo si Nadiah at nagmamadaling bumaba.
"Hon wait!" sigaw ni Noel.
Kinilig ang lahat at muling umugong ang kantyawan!Napatigil si Nadiah at nilingon niya ang binata.Nagmamadaling tumayo ito at humabol sa kanya.Agad namang tumabi ang ibang empleyado at nagbigay daan sa kanya.Agad niyang hinawakan ang isang kamay ng dalaga nang maabutan niya ito.
"Grabe naman ang sweet!" inggit na inggit na kantyaw ni Joy.
"ihahatid na kita!"anito na hinila na siya pababa ng bus.
Walang imik na sumunod lang ang dalaga.
Wala pa rin silang imikan habang nagbibiyahe pauwi sa bahay.Nang tumigil ang kotse sa harapan ng bahay niya ay dali dali siyang bumaba.Ni hindi na siya nagpaalam o nagpasalamat man lang sa binata.
"Nadiah!" narinig niyang muling tawag nito sa kanya.Saglit siyang tumigil at lumingon dito.
"Agahan mo bukas,may kailangan tayong tapusin!"seryoso ang mukhang sabi nito.
marahan lang siyang tumango at nagpatuloy na sa paglalakad paakyat ng bahay.
Kinabukasan halos magkasunod lang silang dumating sa opisina.Gaya ng nakagawian agad niya itong tinimpla ng kape.
Abala na ito sa ginagawa nang pumasok siya sa loob ng opisina at ni hindi man lang ito lumingon sa kanya.
"Sir!ano pong kailangan kong gawin?" tanong niya sa binata.
Nagtaas ito nang paningin atsaka inabot sa kanya ang isang folder.
"make 10 copies of each page!"seryoso ang mukhang sabi nito.
Agad namang umalis ang dalaga at nagtungo sa labas ng opisina kung saan nakapwesto ang xerox machine.
Matapos magpaphotocopy ay sumunod naman siyang pumunta sa library para kumuha ng folder na lalagyan ng mga kopya.
Napansin niyang andoon na rin ang binata at may kung anong hinahanap.
"Come here!" anito nang mapansin siya.
Agad na lumapit siya dito.
"Sir?" bungad niya ng makalapit.
"Bakit ba ang tamlay mo?may problema ba?"nakakunot ang noong tanong nito sabay salat sa noo niya.
Napakunot ang noo ng dalaga at pasimple siyang sumulyap sa gawing likuran.Wala ni isang tao roon para magpanggap ang binata.
"Did I made you feel that way?"muling tanong nito
"Hindi po sir!" maikling sagot niya.
"nagbreakfast ka na ba?"
Hindi na siya kumibo.
"follow me!" mariing sabi nito nang hindi na siya sumagot.
Sa canteen todo-todo ang pag aasikaso ng binata sa kanya.Kaya naman kumalat na sa buong company ang relasyon nila.
"Ubusin mo 'yan ha?" nakangiting sabi pa nito.
Alanganin namang ngumiti ang dalaga.
Ilang oras matapos silang kumain ay dumating ang nakatatandang kapatid ni Noel.Masama ang tinging ipinukol nito sa kanya bago tuluyang pumasok sa opisina ni Noel.
Abot-abot ang kabog ng dibdib niya habang pinapanood niya mula sa salaming dingding ang pagtatalo ng magkapatid.Nang mapansin siya ni Noel ay agad nitong ibinaba ang venetian blinds.
Ilang minuto ring nagtagal ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa bumukas na ang pinto at dire-diretsong umalis ang nakakatandang kapatid ng binata.
Mag-aalas dose na ng tanghali nang katokin niya si Noel.
"Sir!Lunch na po!" lakas loob na sabi niya.
"Kumain ka na!busog pa ako!" narinig niyang sagot nito.
Mabigat ang loob na lumakad siyang mag-isa papuntang canteen.
Halos hindi rin nagalaw ni Nadia ang kinuha niyang pagkain dahil inookupa ng binata ang isip niya.
Nang maparaan siya sa hanay na ng mga pagkain nakaprepared para sa VIP bigla niyang naalala si Noel.Bumili din siya ng chocolate,sandwich at milk tea kung sakaling ayaw nitong kumain ng kanin.
Nang makabalik sa opisina muli niyang kinatok ang binata.
"Come in!"narinig niyang sabi nito.
"Kinuha ko po kayo ng lunch sir!" halos nanginginig pa ang boses na sabi niya.
"Ilabas mo na yan!Ayokong kumain!"buo ang boses na sabi nito.
"Milk tea na lang po at sandwich sir!" aniya na inilapit pa sa binata ang milk tea at sandwich.
"Ayoko!" hindi lumilingong sagot ng binata.
"Chocolate na lang po!" aniya at dahan dahang iniusog sa binata ang bar ng chocolate.
Napapalo ng malakas sa mesa ang binata.
"Hindi mo ba naiintindihan?sinabi kong ayoko diba?" naniningkit ang mga matang sabi nito.
Naluluhang nagtatakbo papalabas ang dalaga.
Napabuntong hininga ang binata atsaka napasapo sa ulo.
Kasalukuyan siyang nakayuko sa mesa nang mapansin niya ang resibo ng pinamili sa canteen ng dalaga.Mariing napapikit ang binata.
Aware siya sa pagtitipid na ginagawa ng dalaga.Ni hindi nga ito kumakain ng tamang pagkain sa bahay para mapunuan ang iniipon nitong pambayad sa bangko.Pero gumastos ito ngayon ng malaki para lang sa kanya.
Naiiling na sinimulan niyang kainin ang pagkaing iniwan ng dalaga.Panay ang sulyap niya sa labas pero hindi pa rin bumabalik sa pwesto ang dalaga.
Nang matapos kumain lumabas siya nang opisina at tumayo malapit sa desk ng dalaga.Nandoon pa rin ang mga gamit nito.
Sumulyap siya sa suot niyang relos mag-aalas tres ng hapon. Inilabas niya ang cellphone at sinubukang tawagan ang dalaga,napakunot ang noo niya nang mapansin ang tumutunog na cellphone sa ibabaw ng mesa.
Naiiling na muli siyang bumalik sa loob ng opisina.
"Saan kaya siya nagpunta!" bulong niya sa sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/204192688-288-k184024.jpg)
BINABASA MO ANG
Nads & Noel
RomantizmMeet Noel ang presidente at istriktong boss na hirap magtiwala sa ibang tao.Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. Meet Nadiah ang simple at magandang sekretarya ni Noel.Aakalalain mo ba na ang simpleng dal...