Chapter 10

341 18 0
                                    

Kasalukuyan ng sumisikat ang araw nang magmulat ng mga mata si Nadia.Agad na napadako ang mga mata niya sa binatang nakaupo sa gilid ng kama.Nakatulog na rin ito habang nakasubsob sa kama at malapit sa kamay niya.

Dahan-dahang hinila niya ang isang kamay niya at bahagyang nagising ang binata.Agad itong nagtaas ng ulo nang mapansing gising siya.

"kumusta na ang pakiramdam mo?"agad na tanong nito.

"okay na po ako sir!pwede niyo na po akong iwan!"aniya sabay ngiti sa binata.

"Ala ka namang kamag anak paano kitang iiwan?sino ang magbabantay sa'yo?"nakakunot ang noong sabi nito.

"Kaya ko na po ang sarili ko!"sagot niya habang nakatingin sa binata.

"uuwi lang ang ako saglit!babalik din ako!May gusto ka bang kainin?"malumanay ang boses na tanong niya.

Marahan lang na umiling ang dalaga.

Umalis na nga ang binata at naiwang magisa ang dalaga.Pinagmasdan niya ang kabuuan ng silid nasa mamahaling silid siya.Kaya napaigtad siya at agad na pinindot ang buzzer na nakaconnect sa nurse station.

Nagpulasan naman ang mga doctor at nurse nang mareceive ang signal at nagtatakbo papunta sa room niya.

"Nangatigilan lang ito nang mapansing maayos naman siyang nakaupo sa kama.

"are you okay miss Nadia?" agad na tanong ng doctor.

"Doc,pwede po ba akong lumipat ng kwarto?" tanong niya.

"But why?hindi ka ba komportable sa kama ?anong gusto mo palitan natin ng mas malaki?"tanong ng doctor.

"hindi po doc,yung mas maliit po at mas mura ang gusto ko!"agad na sagot niya.

Napangiti ang doctor.

"wag mo ng intindihin yung bill,na settle na 'yon ng boyfriend mo."sabi nito sabay tapik sa kanyang kamay.

Napaawang na lang ang mga labi ng dalaga.

"boyfriend ko?" halos pabulong na sabi niya.

May kakaibang saya siyang naramdaman nang mapagkamalan siyang girlfriend ng boss niya.Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang pisngi.

Matapos siyang matingnan ng doctor ay nag-alisan na rin ang mga ito.

Naiwan siyang tila nakalutang sa alapaap.

"boyfriend ko siya?" nangingiting tanong pa niya sa sarili.

Pero agad niya rin iyong winaksi sa isip niya.

"hindi!hindi!hindi!imposible!"parang nasisirang  sunod-sunod ang naging pag-iling niya at pilit iwinawaksi ang naiisip.

Mag-aalas nuebe nang muling bumalik ang binata.May dala na itong pagkain para sa kanya.

Natatanaw palang niya itong papasok sa silid ay kumakabog ng dibdib niya.

"ano 'to?bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?"bulong niya sa sarili.

"nagpaluto ako ng pagkain kay nanay Ising,mag almusal ka na!"nakangiting sabi nito.

Hindi siya makatingin ng diretso sa binata.

"what's wrong?" agad na tanong nito nang mapansing hindi siya komportable.

"wala po sir!"agad na sagot niya.

Napakunot ang noo ng binata atsaka siya muling tinanong.

"Are you sure?parang kakaiba ka today?" nangingiti pang sabi nito.

"Huwag niyo na po akong pansinin,naasiwa lang po ako na kayo pa po ang nagaasikaso sa akin,hindi po ako komportable na masyado kayong mabait sa akin!" nakangising sabi niya.

Natigilan ang binata.

"Actually,ginagawa ko 'to sa lahat ng empleyado ko sa department ko kapag naoospital sila.Kakaiba lang ang case mo dahil wala ka ng kamag anak na pwedeng magbantay sa 'yo,but in terms sa gastos at food na ganito,naranasan rin ng iba 'to".seryoso ang mukhang sabi nito.

"Kung hindi ka komportableng nakikita ako dito,tell me kung sino ang pwede kong tawagan para magbantay sa'yo dito!"dugtong pa nito nang mailapag ang tray sa harapan niya.

Saglit siyang nag-isip.Pero wala siyang naisip na pwedeng tumingin sa kanya.

"nasa trabaho din po mga kaibigan ko sir"nahihiyang sabi niya.

"Well,wala kang choice kundi pagtiyagaan ang mukha ko!" nagbibiro pang sabi nito na naupo na sa sofa malayo sa kanya.

Matapos niyang makakain,hindi pa rin umaalis ang binata at matiyagang inililigpit nito ang mga kalat niya.Hindi mapakali sa kinahihigaan si Nadia dahil nanakit na ang likod niya sa paghiga.

"What do you want?" agad na tanong nito nang lumapit sa kanya.

"Pwede po pakiaangat kaunti 'yung bed,nangangawit na po ang likod ko!"

Agad namang inadjust ng binata ang kama hanggang sa maging komportable siya.

Nagulat pa siya ng ilapat nito ang mga palad sa kanyang noo.

"Mabuti naman wala ka ng lagnat" sabi nito habang nakatingin sa kanya.

Lalong namumula ang mukha ng dalaga.Hindi na niya natatagalan ang bawat pagtitig ng binata sa kanya.

"Pero bakit namumula parin ang mukha mo?" seryosong tanong nito.

Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi at hindi niya matingnan ang binata.

Lihim namang napangiti ang binata.

Matapos ang ilang araw ay nakalabas na rin ng ospital ang dalaga.At balik na naman sa normal ang buhay.

Nagkakagulo ang lahat ng mabasa ang memo sa bulletin board.Magkakaroon daw ng team building ang bawat department kaya naman excited ang lahat sa 3 araw na bakasyon.

"Guys,pinasasabi ni sir Noel,umuwi na raw kayo at magimpake dahil bibiyahe tayo mamayang alas 4 ng madaling araw". halos pasigaw ng sabi ni Zaldy.

Halos sabay sabay nagsigawan sa sobrang tuwa ang empleyado.

Bawat department ay may kanya-kanyang bus na nakalaan at wala ni isang allowed gumamit ng private car not even their boss, Noel.

Pasado alas kwatro na ng dumating si Noel,Naghiyawan ang lahat ng bumungad ang gwapong gwapong boss, nakasuot lang ng plain white tshirt at maong short.Sukbit sa likod ang isang backpack.Nakangiting pumondo ito sa unahan at nagpalinga-linga na tila may hinahanap.Halos puno na ang bus pero wala pa rin doon si Nadia.Sumulyap siya sa labas at doon niya napansin ang tumatakbong dalaga.Bahagya siyang napangiti.Naglakad na siya hanggang sa dulo ng bus na natitirang bakante.Atsaka niya hinintay ang paglapit ni Nadia.

Nagkaingay ang lahat ng umakyat si Nadia dahil ito na nalang ang hinihintay.
Napatakip ng mukha ang dalaga
sa sobrang hiya.At lalo pa siyang namula nang sa pag-upo niya ay mapansin niya na katabi niya ang among si Noel.Akmang tatayo siya at lilipat nang upuan nang  pigilan nito ang braso niya.Tumayo ito at lumabas at siya ang pinapasok sa gawing bintana.







Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon