chapter 16

335 16 0
                                    

Breaktime na nang lapitan siya ni Noel at ayaing kumain.Tatanggi sana siya ngunit kinuha na nito ang isa niyang kamay  at hinila na siya palabas.

"ano ba?" naiiritang sabi ng dalaga sabay batak ng kamay.

Pero mahigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanya.

"Sumama ka sa akin kung ayaw mong buhatin pa kita palabas!" seryoso ang mukhang sabi ni Noel.

Natameme ang dalaga.Napayuko na lang siya habang sumusunod kay Noel na noo'y hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak kanya.

Napapalingon ang mga empleyadong nasasalubong nila kaya lalong hindi makapag angat ng ulo si Nadiah.

Pagpasok sa kotse narinig niya ang pagbuntong hininga ng binata bago ito magsalita.

"Kung ano man ang sinabi sa'yo ni kuya kalimutan mo na yon!"sabi nito nang hindi lumilingon sa kanya.

"Aamin na po ako sa lahat kung ano ang totoo sir!"lakas loob na sabi niya.

Malamlam ang mga matang sumulyap sa kanya si Noel.

"Iyan ba sa tingin mo ang solusyon sa problema ko?Yung iwanan mo ko sa gitna ng kaguluhang ginawa mo?"naluluha ang mga matang sabi nito.

"Gusto ko lang namang itama ang nagawa ko sir!"nakayukong sagot niya.

"Pero wala ka namang ginawang mali!At kahit pa hindi mo ginawa ang mga yon hindi rin naman ako papayag na magpakasal sa babaeng hindi ko gusto!Kung ano man ang naging problema ng kompanya labas ka na ro'n!"buo ang boses na sabi nito.

"Pero hindi po iyon ang nararamdaman ko!Nagiguilty po ako sa araw-araw na nakikita ko kayong nahihirapan sir!"aniya habang nananatiling nakayuko.

Bumaling sa kanya si Noel at dahan-dahang iniangat ang ulo niya.Nagtama ang kanilang mga paningin.

"Kung ayaw mo kong nakikitang nahihirapan hindi mo ko iiwanan!" malamlam ang matang sabi nito.

"Pero sir?"

Hindi na natapos pa ni Nadiah ang sasabihin nang bigla siyang kinabig at hinalikan ng binata.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi siya nakakilos.Hanggang sa dahan-dahang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Noel.

"Please stay!"may pagmamakaawa pang sabi nito.

Tila wala sa sariling napatango na lang ang dalaga.

Bahagya namang ngumiti si Noel sabay pisil sa pisngi niya.

Nang maghapong iyon tila wala sa sarili si Nadiah.

"Nads okay ka lang?" ani Alpha na noo'y ilang minuto ng nakatayo sa harapan ng desk niya.

"Ha?"nanlalaki pa ang matang tanong niya.

"Bakit lutang ka?Ayos ka lang ba?"nakakunot ang noong tanong ni Alpha.

"Ah,may iniisip lang ako!May kailangan ka ba?" aniya nang makabawi sa pagkabigla.

"Sabi kasi ni sir Noel puntahan daw kita!"

Napakunot ang noo ni Nadiah.

"Paano kayo nagkausap?Dumating na ba siya?"

Napangiti si Alpha.

"Nasa meeting pa siya!Tumatawag daw siya sa'yo pero naka off ang phone mo at pati yang telepono sa tabi mo hindi mo rin sinasagot!"

Nangingiting inabot niya ang phone niya na nakacharge sa gilid ng mesa.

Napapailing na lang na tumalikod na si Alpha.

Agad namang pumasok ang tawag ni Noel nang mabuksan niya ang cellphone.

"Hello hon!Bakit hindi kita makontak?"nag-aalang bungad nito.

Hindi agad nakaimik si Nadiah.

"Hello!nandiyan ka pa rin naman sa opis diba?"dugtong pa nito.

"Oo naman!" tanging nasambit niya.

"Good!Hintayin mo ko diyan!Sabay tayong uuwi okay?"iyon lang at ibinaba na nito ang phone.

Napakunot  noo nalang ang dalaga.

Mag aalas singko na ng hapon nang muling tumawag si Noel.

"Hon,mauna ka ng umuwi!May kailangan pa akong ayusin!Mag-ingat ka sa pag-uwi!"pagkatapos nun ay ibinaba na nito ang phone

Sa bahay,hindi mapakali si Nadiah.Paulit-ulit niyang naaalala ang ginawang paghalik sa kanya ni Noel.

"Nadiah umayos ka!halik lang 'yon!wala lang 'yon sa kanya" parang sirang kinakausap niya ang sarili.

Bahagya niya pang tinatapik ang magkabila niyang pisngi para maiwaksi ang laman ng isip niya.

Hanggang sa makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto.

"Nagising ba kita?" nakingiting bungad sa kanya ni Noel.

"Bakit nandito ka?"ganting tanong niya.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?Hindi ka ba masaya na nandito ako?" anito na dumiretso nang pumasok at naupo sa sofa.

Hindi umimik si Nadiah at nanatili lang na nakatitig sa  binata.

"Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan?"nakakunot ang noong lumapit ito sa kanya.

"may gusto ka bang itanong sa akin?" anito na bahagya pang yumuko at inilapit ang mukha sa kanya.

Nanatili lang itong nakatitig sa kanya habang naghihintay ng sagot niya.

Lalo namang hindi nakaimik ang dalaga at bahagyang napaurong.

"Ako na lang ang magtatanong sa'yo!"anito na hindi parin inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

Unti-unti itong lumapit sa kanya hanggang sa makorner siya.

"Mahal mo ba ako?"seryosong tanong nito.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga.Hindi niya alam kung anong isasagot niya.

Napakunot ang noo ng binata.

"Uulitin ko...mahal mo ba ako?"

Napasimangot ang dalaga at bahagya niyang itinulak papalayo si Noel.

"Sir ano ba 'to?Pinagtitripan mo ba ko?"

Unti-unti namang inilalapit nito ang mukha sa mukha niya.

"Just say it!"halos pabulong ng sabi nito habang nakatitig sa kanya.

Muli niya itong itinulak papalayo.

"Wala namang ibang tao rito para magpanggap tayo sir!"nanginginig pa anh boses na sabi niya sabay layo sa binata.

"Exactly!Kaya bakit ang slow mo! at hindi mo ma gets  na hindi ako nagpapanggap lang!"naiirita nang sabi ng binata.

Napakunot ang noo ng dalaga habang nakatingin sa kanya.

"So ano?mahal mo ba ako?" tila naiinip pang tanong nito na noo'y naupo na sa sofa.

"Grabe naman po kayo sir!Napaka straight forward niyo naman!"

Asar na hinila nito ang isang kamay niya at napakandong siya rito.Napangisi pa ang binata nang magtama ang paningin nila.

"Let's stop pretending na hindi natin gusto ang isa't isa!"seryoso ang mukhang sabi nito.

napaawang ang mga labi ng dalaga habang nakatitig lang sa binata.

unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya at marahan siyang hinagkan sa mga labi.

"I love you!"nakangiting sabi pa nito nang bumitaw sa kanya.











Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon