Bigla siyang pinagkaguluhan ng bumaba siya.
"Grabe ka girl!ang haba ng hair mo!" agad na sabi ni Joy na sinegundahan pa ng iba.Hindi magkamayaw ang mga ito sa pagkantyaw sa kanya.
Napakunot ang noo niya.
"Anong sinasabi niyo diyan?"
naguguluhang tanong niya."Ano pa ba,e di 'itong pinost mo kagabi!"ani alpha sabay dutdot sa kanya ng phone.
Nanlaki ang mga mata niya sabay takip sa bibig.
"ui,huwag mong sabihing hindi ikaw ang nagpost niyan?"ani kristine na nagulat sa reaksyon niya.
"it wasn't her!it was me!"sagot ni Noel na noo'y nakalapit na sa kanila.
"Wow Nadia! ang swerte mo naman!si sir pa pala ang nagpost!"naiinggit na sabi ni Joy.
Alanganing ngiti ang sumilay sa mga labi niya sabay sulyap niya sa binata.
"guys,check your time table!after breakfast sa field tayo mag aactivity!"Napalingon ang lahat sa head facilitator at nabaling na ang atensyon ng lahat dito.Kaya agad na siyang hinila papalayo ni Noel.
Sabay silang nag-almusal sa iisang table.
"So anong feeling na maging girlfriend ng isang company president?" seryosong tanong ng binata habang nakatingin sa kanya.
Napayuko si Nadiah.
"Sorry po talaga sir!buburahin ko na po 'yung post ko!" sabi niya na hindi makatingin ng diretso sa kaharap.
"Itaas mo yang ulo mo,nakatingin sila sa atin" bulong nito matapos siyang lagyan ng pagkain sa plato.
"Cheer up!" nakangiting sabi nito sabay pisil sa baba niya.
Akmang kukunin niya ang cellphone nang makipag-unahan ang binata. Nakipagselfie pa ito sa kanya at pinost na may hashtag na "firstbreakfastwithmyhoney".
Lalong namula ang mukha niya nang makita ang pinost nito.
"stop acting weird!panindigan na lang natin kung anong alam nila!"anito na pinisil pa ang kamay niya.
Nakaramdam naman ng kapanatagan ang dalaga ng hawakan nito ang kamay niya.
Pagdating sa bus.Muling umugong ang kantyawan ng magkahawak kamay na umakyat sila.Sa likod sila pumuwesto kung saan walang ibang nakakakita.
Hindi bumibitiw sa pagkakahawak sa kamay niya ang binata kahit pa nga pilit niyang binabawi ang kamay niya.Nilalakihan lang siya nito ng mata sa twing tatangkain niya bumitaw sa kamay nito.
Habang nagbibiyahe humilig pa ito sa balikat niya hanggang sa makarating sila sa location.
"nandito na tayo!"bulong niya kasabay ng mahinang pagtapik niya sa pisngi nito.
Nagmulat ng paningin ang binata atsaka ngumiti sa kanya.
"bilis naman!"anito habang tumatuyo.
Nagpatiuna na itong bumaba kaya kahit papaano ay nakahinga ang dalaga.
Sa baba habang nakikipag usap ito ay agad na lumapit sa pintuan ng bus nang mapansing pababa na siya.Inabot nito ang kamay niya upang alalayan siyang bumaba.Kakaibang saya ang dulot noon sa kanya.
Halos buong activity ay nakatabi lang sa kanya ang binata kaya naman ganoon na lang ang pagkantyaw sa kanya ng mga kaibigan.
Hapon na nang matapos ang group activity at nagkanya kanya ng gala ang lahat.
Lumapit sa kanya si Alvin at masayang nakipag kwentuhan sa kanya.
Habang si Noel naman noo'y kasalukuyang may kausap sa phone sa di kalayuan at nakatanaw lang sa kanila.
Ilang saglit pa at nagpaalam na rin si Alvin kay Nadia.
Madilim ang mukhang ibinaba na ni Noel ang phone at walang sabi sabing naglakad pabalik sa bus.
Napakunot ang noo niya nang hindi man lang siya inaya ng binata.
Tahimik na umakyat rin siya at naupo sa dati nilang pwesto.
Seryoso ang mukhang tumingin ito sa kanya.
"So, ano okay ba sa'yo na ganito tayo?"sabi pa nito.
"Sorry po sir!ipapaliwanag ko na lang po sa kanila ang lahat!"nakayukong sagot niya.
"paano?nakita nila tayong magkasama at magkayakap sa iisang kwarto tapos sasabihin mong wala lang 'yon?Ano iisipin nila sa akin?mapangsamantalang amo?Iyon ba ang gusto mo?ang masira ang reputasyon ko?"mariing sabi nito.
"Hindi po!'agad na sagot niya.
"then let it be!ako ang magsasabi kung kailan tayo maghihiwalay!".seryoso ang mukhang sabi nito.
Marahan lang tumango ang dalaga.
"And one more thing, habang girlfriend kita hindi ka dapat nakikipagsayaw o nakikipagtawanan sa ibang lalaki!"dugtong pa nito.
Sunod-sunod ang naging pagtango ng dalaga na animo'y sunod-sunuran lang sa binata.
Tumayo ang binata at bumaba ng bus.Naiwan siyang pilit pinipigilan ang luhang kanina pa nag-uunahang pumatak.
Hiyang-hiya siya sa sarili at sa binata.Kung hindi lang sa malaking pagkakautang niya sa bangko ay dali dali na sana siyang tumakbo at nagpakalayo-layo rito.
"Ang tanga!tanga mo kasi!" umiiyak na sabi niya kasabay ng paulit-ulit niyang pag sampal sa sarili.
Lingid sa kaalaman niya ay hindi naman lumayo ang binata.Nakatanaw lang ito sa kanya mula sa pinagkukublihan nito.
Nang dumilim na,isa -isa nang nagsipagbalikan ang mga empleyado kaya agad na ring umakyat ang binata sa bus.
Nakapikit si Nadiah habang nakahilig sa bus.Kaya agad niya itong kinabig pasubsob sa dibdib niya.
Pero nagising ito at agad na lumayo sa kanya.Habang umaandar ang bus ay nanatili lang itong nakatingin sa labas ng bintana.Unti-unti ng lumalamig ang simoy ng hangin kaya agad niyang hinubad ang jacket niyang suot at ibinalabal sa dalaga pero hindi parin ito lumilingon sa kanya.
Ilang minuto ng nakatigil ang bus at halos nakababa na ang lahat pero hindi pa rin kumikilos si Noel.Gusto niyang kausapin si Nadiah pero nagpatiuna na itong tumayo.Napabuntong hininga na lang ang binata.
Pagdating sa kwarto ay agad na sumubsob sa kama ang dalaga atsaka doon itinuloy ang pag-iyak.
Samantala sa kabilang kwarto naman dinig na dinig ng binata ang pag-iyak niya kaya ganoon na lang ang pagkaguilty nito.Gustong gusto niyang tumawid at aluin ang dalaga pero pilit niyang nilalabanan ang sarili.
"I'm sorry!" bulong pa niya.
BINABASA MO ANG
Nads & Noel
RomanceMeet Noel ang presidente at istriktong boss na hirap magtiwala sa ibang tao.Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. Meet Nadiah ang simple at magandang sekretarya ni Noel.Aakalalain mo ba na ang simpleng dal...