Palihim na sumusulyap si Nadia kay Noel.Mukha namang masaya itong nakikipagkwentuhan habang sumasayaw.
Ilang saglit pa ay inihatid na nito sa upuan si Alpha atsaka inalok si Joy na nakaupo lang sa bandang harapan niya.
"Grabe best!ang bango ni sir!" kinikilig pang napahampas sa braso niya si Alpha.
Hindi niya alam kung napansin ni Alpha ang pagsimangot niya.May mga kinukwento pa si Alpha pero hindi na niya naiintindihan dahil kinakain na siya ng matinding selos.
"Sayang nga lang!may gf na daw siya!"dismayado pang sabi nito.
Habang tumatakbo ang oras ay inisa-isang isayaw ni Noel ang mga babae sa ibat-ibang department maliban sa kanya kaya ganoon na lang ang pagngingitngit niya.
Mabuti na lang at to the rescue si Alvin.Malayo palang ay nakangiti na ito sa kanya.
"May I have this dance?" anito na inilahad ang kamay at bahagya pang yumuko na animo'y nagbigay galang sa isang prinsesa.
Nakangiting agad na inabot niya ang kamay nito.Habang sumasayaw napag usapan nila ang unang araw ng pagkakakilala nila kung saan nanghiram pa ito ng ballpen sa kanya.Kapwa sila natawa nang maalala kung gaano sila kahaggard noon.
"Teka!naibalik na ba ang ballpen mo?" naalalang itanong ni Alvin.
"Naku sir!hindi pa nga po!hindi niyo naman po sinabi na mahilig pala sa kulay pink si sir Noel!" natatawa pang sabi niya.
Saglit na nakalimot ang dalaga dahil sa mga biro at patawa ni Alvin.Hindi na tuloy niya namalayang kanina pa masama ang tingin sa kanila ni Noel.
Nang tumigil ang tugtog inihatid na siya ni Alvin sa upuan.at nagsimula na ring magbago ang beat ng tugtog kaya halos mapuno ang dance floor.Naiwan na naman siyang mag-isa sa mesa.
Tuwing daraan ang waiter ay kumukuha siya ng wine hanggang sa unti-unti na siyang malasing.
Hindi na niya halos maaninag ang mga mukha ng tao.At nakaramdam na rin siya ng pagkahilo.
"Tama na 'yan lasing ka na!" narinig niyang saway sa kanya ng isang lalaki.
"Sino ka ba?nag -eenjoy yung tao eh!" aniya na kumaway pa sa waiter na may dala ng wine.
Walang sabi-sabing tumayo ang binata at binuhat siya palabas ng function room.
"hoy!ibaba mo nga ako sino ka ba ha?" aniya na pilit kinikilala ang lalaki.
Halos nakapikit na ang mata niya habang pinipisil pisil niya ang mukha ng lalaking may buhat sa kanya.
Nang makapasok sa kwarto ay maingat na inilapag siya nito.
"Bakit ka ba naglasing ha?" singhal nito sa kanya.
Napangisi ang dalaga,nang makilala ang boses niya.
"ikaw pala yan sir!ano naubos mo na ba ang mga babae doon ha?naisayaw mo na ba lahat ng mga seksi?"mapait ang ngiting sabi nito na habang nakatingala sa binata.
"lasing ka na!magpahinga ka na!"sabi nito habang inaalalayan siyang makahiga.
"Bakit andito ka ha?kanina hindi mo naman ako pinapansin dun sa party ah,mukha lang akong tanga dun na daan-daanan mo!tapos ngayon nagpapanggap kang concern?"halos nakapikit nang sabi niya.
"Galit ka ba dahil dun?"tanong ng binata.
"Oo, naman!pinagmukha mo kaya akong tanga!"aniya na dinuduro-duro pa ang binata.
Hindi umimik ang binata.
"bakit ano bang mali sa akin?dahil ba hindi ako sing seksi ng mga babae dun ha?lahat sila pinaramdam mong importante sila sa'yo,maliban sa akin...sabagay sino ba naman ako?isang hamak na utusan mo lang naman ako diba?"umiiyak ng sabi niya.
"magpahinga ka na!mali ang iniisip mo!hindi ganun yon!"sabi ng binata habang marahang hinahawi ang nagulong buhok niya.
"Bakit importante din ba ako sa'yo?"
Nakatitig lang siya sa maamong mukha ng dalaga na noo'y halos nakapikit na.Ilang saglit din ang pinalipas niya bago niya ito sinagot.
"Oo naman!"sagot niya nang inakala niyang tulog na ang dalaga.
Bigla naman itong nagmulat ng mata.
"Talaga?importante din ako sa'yo?totoo ba yan ha?" anito na muling umusad papalapit sa mukha niya.
Napahiga siya sa kama habang nakayakap sa kanya ang dalaga.Halos nakadikit na ang mga labi nito sa labi niya.
"Iloveyou!" sabi pa nito sabay halik sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ng binata ng sunod-sunod siyang halikan nito sa labi.
"ang cute mo talaga!" nakangiti pang sabi nito na halos magsara na ang mga mata.
Napapikit siya ng mariin at pilit kinokontrol ang sarili.
Mayamaya pa ay kumilos ang dalaga at umalis sa pagkakadagan sa kanya.Pilit inabot ang cellphone na nakapatong sa mesa.Pagkatapos ay muling dumagan sa kanya at kumuha ng litrato habang magkadikit ang kanilang mga mukha.
Pilit niyang inaagaw ang cellphone pero naging malikot ang kamay nito at aksidenteng naishare ang picture sa facebook.
Mariing napapikit ang binata.Lalo na nang sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ng dalaga.
Agad na pinusuan at nilike ng mga katrabaho nila ang pictures at halos lahat ay nagcomment.
Napabuntong hininga na lang ang binata.
Walang kamalay-malay ang dalaga sa nagawa niya.
Nakatulog si Nadia habang mahigpit na nakayakap sa kanya kaya hindi na siya nakalipat sa kabilang kwarto.
Kinabukasan halos mapatili si Nadia nang magising na katabi niya.Napahawak pa ito sa ulo habang pilit inaalala ang nangyari.Dahan-dahang inalis niya ang kamay ng binata na nakadantay sa kanya.Pero bahagya itong kumilos at mahigpit na yumakap sa kanya halos nararamdaman na niya ang paghinga nito.
Napangiti pa siya habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng binata.
"Good morning!" nanlaki ang mga niya nang nagmulat ito at ngumiti sa kanya.
Napatakip sa mukha ang dalaga.Natatawa namang bumangon at sumandal sa kama ang binata.
"Ngayon ka pa nahiya pagkatapos ng ginawa mo sa akin kagabi?" nakangisi pang sabi nito.
Unti-unting ibinaba niya ang mga kamay niya.
"Sorry!"
"Sorry is not enough!"seryoso ang mukhang sabi nito.
"go fix your self!magsisimula na ang team building!"
Tumayo na ito at lumipat sa kabilang silid.
BINABASA MO ANG
Nads & Noel
RomanceMeet Noel ang presidente at istriktong boss na hirap magtiwala sa ibang tao.Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. Meet Nadiah ang simple at magandang sekretarya ni Noel.Aakalalain mo ba na ang simpleng dal...
