Chapter 3

353 17 0
                                    

Kinabukasan excited na pumasok sa trabaho si Nadia.Bumubungad palang siya ay naririnig na niya ang malakas at galit na boses na nagmumula sa loob ng opisina ni Noel.

Kitang-kita niya mula sa salaming dingding na ngtatalo si Noel at ang dalawang lalaking bisita nito.Nang mapansing niya palabas na ang mga ito ay agad siyang lumayo at nagkubli.

Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya pumasok sa opisina ni Noel.

"Good morning sir!"bati niya rito.

"come here!" seryoso ang mukhang sabi nito.

binuksan nito ang computer at isa isang itinuro sa kanya ang mga dapat niyang gawin.

Mabilis naman niyang natutunan ang mga itinuro nito.

"Kung may questions ka just feel free to ask!mas gusto ko ang nagtatanong kaysa nagmamarunong!"makahalugang sabi nito.

"okay po sir!" nakangiting sagot niya.

muling sumilay ang cute na dimples ni Nadia na nagpangiti rin sa binata.

Nang bumalik na sa pwesto si Nadia napakunot ang noo ng binata.

"Bakit ba ako nahahawa sa ngiti niya!" nakakunot noo'ng  tanong niya sa sarili.

Hapon na nang mapadaan sa opisina niya ang kaibigang si Alvin.

"Abah,Miss ganda nandito ka na pala?"nakangiting bungad ni Alvin.

"Naku!sir!kayo po pala!Thank you po ah!"nakangiting sabi nito na yumuko pa sa kanya.

"naku!okay lang 'yon!basta pagbutihan mo lang ha?Wag mong papansinin yung amo mong masungit!"nakangiti pang bulong nito sa kanya habang inginunguso si Noel na nakaupo sa loob ng opisina.

Nakangiti namang tumango lang ang dalaga.

"So,how's Nadia?cute diba?" nangingiti pang bungad niya kay Noel nang makapasok na siya sa loob.

"Stop that none sense!Sabihin mo nga sa akin paano nalaman nila kuya yung nasulot kong project?"seryoso ang mukhang tanong niya sa kaibigan.

"Hindi ko nga alam eh!Parang hindi mo naman kilala 'yang kuya mo,daig pa ang pinya sa daming mga mata!"kaswal na sabi niya.

"malamang tama ka ng hinala sa ex-secretary mo!" anito na biglang naalala ang dating sekretary ng binata.

"Eh,eto kayang napulot mo?sa tingin mo ba okay 'to?"aniya sabay sulyap sa salamin na tumatagos sa pwesto ng dalaga.

"Oo,naman!tingnan mo naman mukhang angel 'yan oh?Don't tell me hindi ka nadadala sa smile niya?"nang-aasar pang sabi nito.

"Siraulo ka talaga! bumalik ka na nga doon!" aniya sabay tulak sa kaibigan palabas.

"Magpapaalam lang ako, may occular kame sa Batangas kaya huwag kang maglalasing walang magdadrive sa'yo!"nakangiti pang sabi nito.

"Sira ka talaga!umalis ka na nga!"

Nang gabing iyon.Pinagdrive ni Nadia si Noel papunta sa isang bar.

"Sir may imemeet po ba tayo dito?" alanganing tanong niya nang maipark ang kotse.

"Samahan mo lang ako saglit uminom".
maikling sagot nito.

"Pero sir hindi po ako sanay uminom!" agad na sagot niya.

"okay lang!ako lang ang iinom!"

Panay ang silip ni Nadia sa relos na suot, mag aalas diyes na ng gabi ay di parin tumitigil si Noel sa paginom.Ang dami na ring naikwento nito sa kanya tungkol sa mga nakaraang sekretarya nito na nanloko raw sa kanya.

"Sir,hindi pa po ba tayo uuwi?medyo late na po kasi?" bulong niya rito.

sumulyap ito sa relos at saka tumingin sa kanya.

"One shot na lang!" muling hirit pa nito bago tuluyang tumayo.

Sa tulong ng mga tauhan sa bar ay naakay nila pasakay ng kotse si Noel.

"Sir,saan po kayo nakatira?" tanong niya sa halos nakapikit ng binata.

"Just drive, I 'll tell you..." halos pabulong ng sagot nito.

Bahagya siyang dumukwang upang ayusin ang seatbelt ng binata kaya halos malanghap na niya ang amoy ng alak na hininga nito.

Nagsimula nang magdrive ang dalaga. At habang nagmamaneho siya ay nagtuturo lang ang binata kung saang kanto siya liliko pero nagpaikot-ikot lang sila sa lugar, hindi pa rin nito nakikita ang sariling tirahan kaya nagpasya na lang siyang dumiretso sa sarili niyang bahay.

Hirap man ay pilit niyang inalalayan paakyat sa bahay niya na nasa second floor ang binata.Halos mabitiwan na niya ito sa sobrang kalasingan.

"hays!grabe!bakit kasi nagpakalasing kayo sir!" hiningal pang sabi niya nang maihiga sa sofa ang binata.

Kinapkapan niya ang bulsa ng pants ng binata at kinuha niya ang cellphone para makontak ang pamilya nito pero tiyempo namang tumatawag ang bestfriend nitong si Alvin.

"Hello pre!kumusta!" agad na bungad ni Alvin.

"Hello sir!si Nadia po ito" maagap niyang sagot.

"nasaan ang boss mo?" agad na tanong nito.

"nalasing po eh!hindi ko po alam kung saan ang address niya, nandito po siya sa bahay ko ngayon." paliwanag niya.

"ah ganun ba?hayaan mo lang siyang matulog muna diyan?pasensiya ka na ha?Nasa Batangas pa kasi kame eh!"

"sige po sir!"

Matapos kausapin si Alvin.ay nagpainit na ng mainit na tubig ang dalaga para sa cup noodles na hapunan niya.Habang kumakain ay nakatanaw lang siya na natutulog na binata.

"Kawawa naman siya!" usal pa niya.

Mag aalas kwatro na nang madaling araw nang magising si Noel.Napaigtad pa siya nang mapansin ang kinahihigaan niya.Mula sa sofa ay tanaw niya ang kamang kinahihigaan ni Nadia.

"Bakit nandito ako!" tanong niya habang nakahawak sa noo niya.

Tumayo siya at nagmasid sa kabuuang kwarto ng dalaga.Simple at walang gaanong gamit sa loob ng kwarto maliban sa aparador na siya na ring nagsisilbing tokador.May isang maliit na refrigerator sa kusina na walang ibang laman kung hindi tubig.

Sa mesa napansin niya ang basyo ng cup noodles na pinagkainan ng dalaga.

"Ano 'to?ito lang ang hapunan niya?"aniya na kinuha pa at sinilip ang basyo ng cup noodles.

Muli siyang sumilip sa relos.Masyado pang maaga.

Marahan siyang pumasok sa silid kung saan natutulog ang dalaga.At tahimik lang na pinagmasdan niya ito.

"mag-isa lang ba talaga siya sa buhay?" bulong niya sa sarili.

napansin niya ang litrato na nasa picture katabi na lampshade.Larawan ni Nadia na nakasuot pa ng unipormeng pang high school kasama ang mga matatandang madre at pari na tumayong ama't ina niya.

"Hindi naman nagbago ang mukha niya!" napapangiti pang sabi niya.

"wala man lang kahit anong laman 'tong kwarto niya!"bulong pa niya habang papalabas ng silid.

Muli siyang naupo sa sofa at sinubukang muling bumalik sa pagtulog pero hindi na siya dalawin ng antok.Muli siyang tumayo at bahagyang sumilip sa dalaga na kasalukuyan nang mahimbing ang tulog.




Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon