Chapter 8

327 20 1
                                        

Pero nakaalis na ang sasakyan nito.Kaya agad siyang pumara ng taxi para sumunod sa golf course kung saan ito pupunta.

Nang makarating sa golf course ay agad siyang hinarang ng gwardiya.

"Good morning ma'am may VIP pass po kayo?" agad na bungad nito.

"Naku sir!wala po akong pass pero ang boss ko po nasa loob,may ibibigay lang po sana ako sir!"aniya na may himig pakiusap.

"Naku ma'am!pasensiya na po.Members lang po pwedeng pumasok sa loob!"magalang na sabi ng gwardiya.

"sir,baka naman po pwede akong makisuyo kay Mr.Badajos importante lang po sir!"pakiusap niya.

"sige po ma'am kausapin niyo na lang po yung chief namin."anito na itinuro ang isang nakaunipormeng lalaki na paparating.

"Yes,ma'am, how may I help you?"magalang na bungad nito.

"Sir,nasa loob po kasi yung boss ko si Mr.Badajos,may naiwan po kasi siyang importanteng documents para sa meeting niya ngayon baka naman po pwedeng pakibigay 'to sa kanya?"

"Sige po ma'am!wala pong problema!" nakangiting sabi nito sabay abot ng folder sa kanya.

"naku salamat po sir!"nakangiting sabi niya.

Payapa ang loob nagbiyahe pabalik sa opisina ang dalaga.

"Bago maglunch bumalik si Noel sa opisina,madilim ang mukha nito habang papalapit sa kanya.

"Follow me inside!" agad na bungad nito.

Nakaramdam ng kaba ang dalaga na agad namang sumunod sa binata.

Nakatayo lang siya habang hinihintay ang sasabihin ng amo.

"Diba aware ka naman kung gaano kahalaga sa akin ang project na 'to?" seryoso ang mukhang sabi nito na tumayo pa at humarap sa kanya.

"Yes po!" halos garalgal na ang boses na sagot ni Nadia.

"Then,bakit mo pinagkatiwala sa guard ang file?" halos mataas na ang boses na tanong nito.

"Sorry po sir,ayaw po nila akong payagang pumasok sa loob!" nangingilid ang luhang sagot niya.

"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan?Alam mo bang muntik nang sa iba mapunta ang project dahil sa kapabayaan mo?"mariing sabi nito.

"Sorry po sir!hindi na po mauulit!" naiiyak ng sagot niya.

"Tatlong project na ang nasulot sa akin dahil sa ganyang kapabayaan ng mga nagdaang sekretarya ko at hindi 'yon kaila sa'yo tapos inulit mo pa ngayon?Buti na  lang pala at lumabas ako para tawagan ka sana dahil sa naiwan kong folder na nakita ko namang pinamamaypay pa ng chief guard na inutusan mo".mariing sabi pa nito.

Napayuko ang dalaga.

"Sorry po talaga sir!" halos pabulong ng sabi niya na noo'y abot -abot ang kaba.

Kinakabahan siya na baka matulad siya sa mga nakaraang sekretarya na sinesante ng amo.

"Sige na!lumabas ka na!" narinig niyang sabi nito nang hindi na siya umimik.

Pagdating sa pwesto niya ay hindi na niya napigilan pa ang pagiyak.Panay ang punas niya ng mga luhang pilit kumakawala sa mga mata niya.Sa mga oras na iyon hindi niya napapansing pinagmamasdan lang siya mula sa loob ng amo niyang si Noel.

Nakaramdam ng habag ang binata para sa kanya.Lalo na nang pagbukas niya ng drawer ay makita niya ang personal niyang cellphone na may ilang misscall mula sa dalaga.

"Bakit hindi niya sinabing tinatawagan niya pala ako sa  number ko!" Doon lang siya tila natauhan na hindi nga pala alam ni Nadia ang isa pang phone number niya na ginagamit para sa negosyo.

Napalunok ang binata kasabay ng pagpapaluwag sa suot niyang necktie.

Bago maglunch break muling kumatok si Nadia sa opis ng binata at tahimik na inilapag sa mesa ang isang baso ng tubig at mga gamot ng binata.Atsaka walang imik ding lumabas ng silid.

Napasulyap sa inilapag niyang gamot ang binata atsaka tahimik lang na pinanood siya habang papalabas ng silid.

Pagdating sa canteen sinadya niyang hindi magpakita sa mga kaibigan upang  maikubli ang namamaga niyang mga mata.Kasalukuyan na siyang kumakain nang bigla nalang naupo sa harapan niya ang boss niyang si Noel.

"Nakita ko ang misscall mo sa naiwan kong cellphone,bakit hindi ka dumipensa kaninang pinapagalitan kita?"agad na tanong nito.

Marahan niyang ibinababa ang hawak na kutsara at tinidor at itinigil ang pagkain.

"kung sakali po tatanggapin niyo po ba explanation ko sir?mawawala po ba ang galit niyo?" mababa ang boses na sagot niya.

"regardless kung magalit ako o hindi dapat dinedepensahan mo ang sarili mo kapag alam mong tama ka!" malumana'y na ang boses na sabi nito.

"Bakit iyan lang ang kinakain mo?" anito na ang tinutukoy ay ang kalahating cup ng rice at piritong isda na ulam na nasa plato ng dalaga.

"busog pa po ako sir!"nahihiyang sagot niya.

Kinuha nito ang plato sa harapan ng dalaga at pinalitan nito ng plato na dala niya na pang VIP ang serving.

"ubusin mo 'yan!" utos nito bago tuluyang tumayo at iwan siya.

Napakunot naman ang noo ng dalaga na sinundan pa ng tingin ang papalayong amo.

Lihim siyang napangiti nang malasahan ang masarap na pagkain na iniwan nito sa kanya.

Saktong uwian na nang magpatiunang lumabas sa kanya si Noel.

"Sir,hindi ko po ba kayo ihahatid sa inyo?"habol niya rito.

"No need!umuwi ka na at magpahinga!"sagot nito at hindi na lumingon pa sa kanya.

Nagmadali naman ang dalagang magligpit at agad ring sumunod sa amo.

Sa di kalayuan ay nakapark lang ang kotse ni Noel na naghihintay sa paglabas ng dalaga.

Hanggang sa matanaw na niya itong papalabas ng kompanya.Napakunot ang noo niya ng baybayin ng dalaga ang daan pauwi.

"maglalakad lang ba siya?" aniya habang binubuhay ang makina ng sasakyan.

Napapangiti pa siya habang pinagmamasdan ang dalagan na animo'y
batang naglalaro  lang sa kalsada.
Kinakausap niya ang bawat rebulto o standy na nadaraanan niya.Maging si Jollibee na nanahimik na nakatayo sa labas ng fastfood chain ay kinukumusta niya.Tinabihan niya rin at inakbayan ang nakaupong si Mcdonald.

Napapailing na lang ang binata habang pinagmamasdan siya.

"Nadia!mabuti't maaga ka!May sulat ka galing sa bangko hija!" narinig niyang bungad nang may edad na matandang babae ng makarating siya sa bahay.

Matamlay na inabot niya ang sulat sa matanda.

"Noticed po ito sa bangko may 5 months nalang po akong palugit para makapagbayad!"dinig na dinig niyang sagot ni Nadia matapos basahin ang sulat.













Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon