Wala na si Nadia nang magising si Noel kinabukasan.Nakangising mukha na ni Alvin ang bumungad sa kanya.
"Langya pre! ulcer na yan noh?"agad na sabi nito na ang tinutukoy ay ang pananakit ng tiyan niya.
"nasaan si Nadia?" bigla ay naitanong niya.
"wow!pagmulat ng mga mata si Nadia agad ang hinahanap?" nang-aasar pang sabi nito.
"Sira!Hindi kasi siya umuwi at magdamag akong binantayan!" seryosong sabi niya.
"Hindi ko na siya inabutan eh!"sagot nito.
"Ikaw ba ang nag utos sa kanya na bantayan ako?"nakakunot ang noong tanong niya.
"hindi!bakit ko naman gagawin 'yon?nakangising sagot ni Alvin.
"Eh kung hindi ikaw sino?"dugtong pa niya.
"Pare,yung katulad niyang mukhang angel hindi na kailangang utusan para gumawa ng kabutihan,natural na niya 'yon!"nakangiting sabi pa nito.
Biglang natigilan si Noel na animo'y nag-iisip.
"Teka!huwag mong sabihing napofall ka na sa kanya?"
"Sira ka talaga!Lumayas ka na nga!" aniya sabay bato ng unan sa kaibigan.
"Bakit,maganda naman siya!Kung hindi mo siya liligawan,ako ang poporma dun!"tila nang-iinis pang sabi nito.
Muling kumuha ng unan si Noel at ipinukol sa kanya.
Mag aalas otso na ng umaga ng muling bumalik si Nadia.
"Good morning sir!Dinalhan ko po kayo ng almusal,kain na po kayo!" nakangiting bungad nito.
Naalala niya ang sinabi ni Alvin.maganda nga ito lalo na kapag nakangiti.
"Bagay po sa inyo ang naka smile sir!" agad na sabi ng dalaga.
Napakunot ang noo ni Noel hindi niya namalayang nakangiti na rin pala siya.
Agad namang nagseryoso ang mukha nito at inabot ang dala niyang pagkain.
"Sir nasalubong ko po si sir Alvin sa labas,pinasasabi niya po na doon muna daw ako sa kanya mag opisina habang nagpapagaling daw po kayo!"
"No!" naniningkit pa ang mga matang sabi nito.
Bigla namang natahimik ang dalaga.
"Hindi ako pwedeng magpahinga ngayon,sumama ka sa akin sa bahay doon tayo magtatrabaho!" seryoso ang mukhang sabi nito.
Hindi na umimik pa ang dalaga.
Nang makalabas ng ospital,sa bahay na pansamantalang nagtrabaho sina Noel at Nadia.
"Sir,okay lang po ba kayo?Kailangan po ba talagang tapusin agad 'tong project na 'to?" nag-aalalang tanong niya.
"Hindi ako pwedeng magkamali ngayon!Kailangang makuha ko ang project na 'to!"anito habang patuloy sa ginagawa.
"Pero sir kagagaling niyo lang po sa ospital baka mapano po kayo niyan?"Seryoso ang mukhang napalingon sa kanya si Noel.
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone nito.
"Hello dad!"agad na sabi nito nang sagutin ang telepono.
"Inaayos ko na po ang lahat!Don't worry dad aabot po ako sa deadline!Sisiguraduhin ko pong makukuha ko ang project na 'to".iyon lang at ibinaba na nito ang phone.
Nakaramdam ng awa si Nadia para kay Noel.Ni hindi man lang nagpakita ng pagaalala rito ang sariling ama sa halip ay mas inisip pa nito ang project proposal na inihahanda ng anak.
"Sir,Kumain muna po tayo para makainom kayo ng gamot!" sabi niya at hindi na siya naghantay pa ng sagot lumabas na siya at kumuha ng pagkain sa kusina.
Matapos kumain ay muling sumabak sa trabaho ang dalawa.Halos maghapon din silang nakakulong sa library para mag isip ng mga bagong idea at konsepto tungkol sa project.
"Kung ikaw ang kliyente anong mga bagay ang gusto mong makita kung bibili ka ng isang property?"tanong ni Noel sa kanya.
"siyempre po kung bibili ako ng bahay sa isang subdivision,gusto ko yung may malapit na convenience store,dapat mayroong ding park at playground para sa mga bata,basketball court,may security personal,cctv sa harapan ng bahay at hindi lang dapat naka install ang cctv dapat may nakatutok din sa monitor 24hours.
"medyo high maintenance yang sinasabi mo,pero may point ka naman!"naniningkit pa ang mga matang sabi nito na animo'y nag-iisip.
"Medyo malaki ang budget sir pero if titingnan niyo po kung maglalagay kayo ng mini mart or convenience store sa loob,mababawi niyo rin po agad yung puhunan niyo doon".
"At first medyo mahirap po talaga mag risk kasi hindi pa natin sigurado kung ilan ang bibili ng unit,pero pwede naman po tayo mag promotional campaign sir!"
"Alam mo tama ka eh!bakit ba hindi ko agad naisip 'yon!" anito na nangingiting ginulo ang buhok niya.
Napangiti na rin ang dalaga.
Dumating na nga ang araw na hinihintay ni Noel.Excited siyang pumasok sa opisina.
"Ms.Nadia pakihanda lahat ng kakailanganin ko sa proposal" Nakangiting sabi pa niya.
Agad namang kumilos ang dalaga at inilapag lahat sa mesa ang mga dokumentong kailangan niya.
"Sir!saan po ang meeting niyo?"naisipan niyang itanong habang dinodouble check ang mga folders ng documents.
"Diyan lang sa may golf course malapit sa atin"sabi nito habang isa isang sinisilip ang documents.
Sinisiguro niyang nakaayos at kumpleto lahat ng kailangan niya para sa project proposal.
Mayamaya pa ay dumating bigla si Gabby ang panganay na kapatid ni Noel.Dire- diretso itong pumasok sa loob ng opisina.
"I heard na naospital ka daw?Ano natapos mo ba ang project proposal?"agad na bungad nito.
"Grabe!mas importante pa talaga ang business kaysa sa kapatid!" isip-isip niya.
"Look, Noel this will gonna be your last chance!kapag pumalpak ka pa dito sisiguraduhin kong bababa ka na ng pwesto!" banta nito sa kapatid.
Hindi umiimik si Noel na noo'y nakatalikod lang sa kapatid habang nakaharap sa salaming dingding.
"Tapos ka na ba kuya?Malelate na ko sa appointment ko!"narinig niyang sabi nito nang humarap sa kapatid.
Galit na kinuha nito ang mga files na nakapatong sa mesa atsaka walang imik na lumabas ng opisina.Hindi na rin ito nagpaalam kay Nadiah.
Ilang minuto na rin ang nakakalipas nang makalabas ang magkapatid pero hindi parin tumitinag sa kinatatayuan si Nadia.Naipit kasi siya sa pagtatalo ng dalawa at hindi na niya nagawang makalabas ng opisina.
Hawak ang isang folder ay bumalik siya sa kanyang desk.Inilapag niya ang folder at saka niya binuksan ang laptop at nagsimula na siyang magtrabaho.Ilang minuto na rin siyang nakaupo sa harapan ng laptop ng mapansin niya ang folder na kanina lang ay inilapag niya.Biglang nanlaki ang mga mata niya.
"Lagot!Naiwan ni boss ang isang folder!"bigla siyang napatayo at dali dali niyang hinabol si Noel.
BINABASA MO ANG
Nads & Noel
RomanceMeet Noel ang presidente at istriktong boss na hirap magtiwala sa ibang tao.Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. Meet Nadiah ang simple at magandang sekretarya ni Noel.Aakalalain mo ba na ang simpleng dal...