Chapter 11

333 15 0
                                    

"Late ka na naman!" narinig niyang sabi nito.

Bahagya siyang sumulyap at ngumiti sa binata.Pakiramdam niya noon pulang pula ang pisngi niya.Ramdam niya pa ang tila pamamanhid ng mukha niya.

Habang biyahe wala silang imikan dalawa habang ang lahat ay halos hindi na magkarinigan sa dami ng mga nagku kwento.Unti-unti na rin lumiliwanag kaya isinuot na nito ang shade na kanina lang ay nakasabit sa tshirt nito.Napasulyap siya rito lalo pa itong gumuwapong tingnan.

Nang makarating sa kurbadang daan ay halos magkagitgitan na silang dalawa.humawak ito sa bintana kaya halos nakadikit na ito sa kanya.

Kung tutuusin halos  nakaakbay na ito sa kanya kaya hindi niya magawang sumandal kahit pa ngawit na ngawit na siya.

Nakaramdam ng antok ang dalaga at hindi na niya mapigilan ang pagpikit ng mata niya.Dumukdok siya sa bahaging unahan ng bus habang nakahawak sa mahabang bakal.Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Marahan siyang kinabig ni Noel pasandig sa dibdib nito.Wala nang tao sa gawing likuran ng bus kaya wala ni isang nakapansin sa ginawa ng binata.

Malapit na sila sa hotel nang magising ang dalaga.Mariing napapikit pa ito nang mapansing nakasubsob siya sa dibdib ng katabi.

Hindi niya alam kung magpapanggap na lang ba siya na tulog o magkukunwari siyang walang alam.Pero naunahan na siya ng binata.

"Gising na!andito na tayo!" bulong nito sa kanya.

Pataymalisyang nagmulat siya ng mga mata at nagkunwaring walang alam.

"Wow!ang ganda!kunwa'y sabi niya!

Napangiti lang ang binata at hinila na siya pababa ng bus.

Third floor ang naka assign sa department nila kaya naman halos mag unahan sa pagpili ng kwarto ang mga kasama niya.
Ang pinakuhuling room sa third floor ang nakalaan para kay Noel at ang  kasunod naman na kwarto ay inilaan niya para kay Nadia na hindi alam ng dalaga.

Nagkatinginan sila nang biglang tumahimik ang buong paligid.

"Mukhang nagpapahinga na sila" nakangiting sabi pa nito.

Bigla namang lumungkot ang mukha ng dalaga.

"Why?" agad na tanong ni Noel.

"Nakalock na po lahat ng pinto, ibig sabihin kumpleto na sila sa room"
nakasimangot pang sabi niya.

"ikaw kasi ang bagal mo eh!" nakangiti pang sabi ng binata.lalo namang napasimangot ang dalaga.

Dumukot ito sa bulsa at iniabot sa kanya ang isang key card.

Napangiti ang dalaga.

"doon ka sa katabing room ko"nakangiting sabi nito.

Excited namang nagtatakbo ang dalaga sa sa silid na itinuro nito.Naiiling na lang na sumunod sa kanya ang binata.

Namangha siya sa magandang tanawin mula sa salaming dingding.

"Wow!ang ganda!" tanging nausal niya habang nakatingin sa magandang tanawin sa baba.

Hindi na niya namalayang kasunod niya parin ang binata.

"Okay lang bang mag-isa ka rito?hindi ka ba natatakot sa multo?"kunwa'y tanong nito.

Bahagya siyang natigilan.Marami na rin kasi siyang kwentong kababalaghan ang naririnig tungkol sa Baguio.

Nang hindi siya umimik ay ibinukas ng binata ang secret door na tumatagos sa kwarto nito.

"Technically hindi ka naman mag-isa sa kwarto,iisa lang ang kwarto natin kaya hindi ka dapat matakot nasa kabilang bed lang ako"

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nagulat siya sa nakita.

"Kung hindi ka komportable pwede naman kitang ikuha ng room sa fourth floor!" anito nang mapansin ang pagsama ng mukha niya.

Hindi pa rin umiimik ang dalaga.

"Miss Nadia,alam kong lately hindi ka na komportableng kasama ako,hindi kita masisisi ,marami talaga ang babaeng nagkakagusto sa gwapo kong mukha,Pero pwede bang iset aside mo muna kung ano man yang namumuong feelings mo para  sa akin?Magtrabaho  na lang tayo pwede?"seryoso ang mukhang sabi nito.

Lalo namang nag ngitngit ang dalaga.Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi.
"kainis!"bulong niya sa sarili.

Pilit na ngiti ang pinakawalan niya at tinalikuran na niya ang binata.

Medyo tinamaan din siya sa sinabi nito dahil unti-unti na ngang tila nahuhulog ang loob niya dito.

Sa sobrang inis ay nagkulong na lang siya sa kwarto.Nilock niya rin ang secret door kaya hindi makapagbanyo ang binata.Panay ang katok nito sa likod ng secret door pero hindi niya ito pinagbubuksan.Hanggang sa napagod ito at tumigil na rin sa pagkatok.

Ilang minuto pa bigla tumunog ang buzzer.Agad na binuksan niya ang pinto.Nanlaki ang mga mata niya nang dire -diretsong pumasok ang binata na noo'y nakabathrobe lang.

"sir!wait!" pigil niya rito.pero dire -diretso lang itong pumasok sa banyo.

Wala ng nagawa pa ang dalaga.

Matapos ang ilang saglit narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo.abot-abot ang kabog ng dibdib niya nang lumabas ang binatang nakatapis lang ng tuwalya.Mabilis na napatalikod ang dalaga.Napansin naman iyon ng binata kaya nanadyang lumapit pa ito at kinausap siya.

"Maligo ka na rin,may konting salo-salo tayo sa baba with other departments" anito na halos ilang dangkal na lang ang layo sa nakatalikod na dalaga.

Nang makatapos siyang maligo wala na sa kwarto ang binata.Agad na rin siyang sumunod sa function hall kung saan kasalukuyang nagaganap ang party.

Abala na ang lahat sa pagsasayaw nang pumasok siya.Agad na nahagip ng mga mata niya si Noel na noo'y may kasayaw  na seksing  empleyada.

"Kaya pala nagmamadali ang loko!" bulong pa niya sa sarili ang nakatanaw sa mga ito.

Natanaw siya ng mga kasamahan niya at agad siyang kinawayan.

"Dito best!" sigaw ni Alpha.

"kinatok ka namin sa room mo bakit hindi ka sumasagot?" sabi ni alpha nang makaupo siya.

"sana nagbuzzer ka!makapal ung pinto hindi masyado dinig yung katok sa loob" paliwanag niya.

tumango-tango lang si Alpha.

Nagpalit nang tugtog at isa-isang umupo ang nasa dance floor,Muling naghanap ng kapareha ang mga kalalakihan.Napansin niyang papalapit sa mesa nila si Noel kaya ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya.
Hindi siya nagtataas ng tingin habang kunwaring abala sa cellphone.Hanggang sa maramdaman niya na lang ang pagtayo ni Alpha na kilig na kilig ng ayaing sumayaw ng kanilang boss.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nadiah.Nang hindi siya ang inayang sumayaw ni Noel.

"kala mo kung sinong gwapo!" bulong niya sabay hablot ng baso ng alak sa kanyang harapan.Parang tubig na ininom niya iyon ng dire-diretso.

Mayamaya pa'y lumapit sa kanya ang ilang  mga lalaki at nag-alok ng sayaw pero tinanggihan niya ang  mga ito.























Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon