chapter 17

340 17 0
                                        

"Dito ako matutulog ha?"nakangiti pang sabi nito sabay pisil sa pisngi niya.

"hindi pwede!"  mabilis siyang napatayo mula sa pagkakakandong sa binata.

"Bakit naman hindi pwede?Boyfriend mo naman ako!"nangingiti pang sabi nito na pumuwesto pa at nahiga sa sofa.

"Malamok dito saka maraming ipis!umuwi ka na lang sa inyo!" agad na sabi niya.

Napangisi naman ang binata at agad na tumayo at lumapit sa kanya.

"Sige pala!Ikaw na lang ang  sumama sa akin!"

"Bakit naman ako sasama sa'yo!mas komportable ako dito noh!"nakasimangot nang naupo siya sa sofa.

Sumunod naman si Noel atsaka nahiga at umunan pa sa hita niya.

"Sige dito na lang pala tayo matulog!"anito na ipinikit na ang mga mata.

Bahagyang napangiti si Nadiah habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng binata.

"Huwag mo akong masyadong titigan!Natutunaw ako!" sabi nito na hindi idinidilat ang mga mata.

"Tumayo ka nga diyan!May paplantsahin pa ako!"aniya sabay tapik sa noo nito.

Nagmulat ng mga mata ang binata at salubong ang mga kilay na humarap sa kanya.

"Itinigil mo na 'yang pagkuha mo ng extrang work.Kaya ka nagkakasakit eh!Tingnan mo oh?Ang payat-payat mo na!"anito na pinisil pisil pa ang braso niya.

nangingiti namang tumayo siya at kinuha ang mga damit na paplantsahin.

"Kung ayaw mong magpapigil ako na lang ang gagawa niyan!"ani Noel na kinuha na ang dala dala niyang mga damit.

"Naku!Huwag na baka masunog mo pa ang mga 'yan!" awat niya rito.

Inilapag nito ang mga damit sa ibabaw ng lamesita atsaka bumaling sa kanya.Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat atsaka siya iniupo sa sofa.

"Don't worry sanay ako sa gawaing bahay!Wala kaming maid sa London!"sabi nito na pinisil pa ang pisngi niya.

Na impress si Nadia ng matapos ng mabilis ni Noel ang mga plantsahin.

"See?Galing ko diba?" nagyayabang pang sabi nito hang inaabot sa kanya ang nakatuping damit na pinalantsa nito.

Nagingiting inabot niya iyon at sinimulang ilagay sa plastic.

Kasalukuyan niyang  inaayos sa plastic ang mga damit nang tumunog ang phone ni Noel.

Napakunot pa ang noo niya nang iabot nito ang cellphone sa kanya.

"Sagutin mo para sa akin!"seryoso ang mukhang sabi nito.Alanganing inabot niya ang phone mula rito.

"Hello?"bungad niya sa tumatawag na si Steffie.

"Hey!Where's Noel?who are you?Why are you handling his phone?" sunod-sunod at nagtataray na sagot ni Steffie.

Agad namang  inagaw ni Noel ang phone sa kanya.

"Hello Steffie?"anito na binago pa ang boses at umarteng naaalimpungatan.

"Hello Noel!I'm here in the bar,can you pick?"maarteng sabi nito.

"I'm sorry steffie!I'm with my girlfriend, you better call your driver!"iyon lang at nangingiti pang binaba niya ang phone

"Siguro naman pwede na tayong matulog diba?"anito na muling bumaling at yumakap sa kanya napangiti naman sng dalaga.

Pumasok siya sa kwarto para sana kuhanan ng kumot at unan ang binata pero sumunod ito sa kanya at padapang nahiga sa kama.

"Ano ba hindi ka pwede diyan!Doon ka sa labas!"aniya na pilit hinihila patayo ang binata.

"Dito na lang ako please!"nakalabi pang sabi nito na hinila na rin siya pahiga sa kama.

Nawalan siya ng balanse at napasubsob sa binata.

"Tulog na tayo!" halos pabulong ng sabi nito na yumakap pa sa kanya.

Matapos ang ilang minuto narinig na niya ang mahina nitong paghilik.

Unti-unti siyang tumayo at inayos ang pwesto ng binata.Atsaka siya nahiga sa kabilang dulo ng kama.Pero kumilos ang mga kamay ni Noel at muli siyang kinabig papalapit dito.At hindi na ito bumitiw pa sa pagkakayakap sa kanya.

Kinabukasan nagising na lang siya sa masuyong paghalos ni Noel sa buhok niya.

"Good morning!"matamis ang ngiting bati nito sa kanya.

Napangiti na rin siya habang nakatitig sa mapungay na mga mata nito.

"From now on itigil mo na yang mga extra job mo ha?Ayoko nang magkasakit ka ulit gaya ng dati!" nakasalubong pa ang kilay na sabi nito.

"Bakit naman kita susundin?" palabang sagot niya.

Pinitik siya nito sa noo at tinaasan ng kilay.

"Pag hindi ka sumunod patay ka sa akin!"nangingiti pang banta.

"Bakit ano namang gagawin?"namimilog pa ang mga matang tanong niya.

"Ganto!"anito na mabilis na kumilos at dumagan sa kanya habang nakahawak sa magkabilang kamay niya.

Mariing napapikit ang dalaga habang hinihintay ang pagdampi ng mga labi ng binata.

Nangingiti namang umalis si Noel sa pagkakadagan sa kanya.

"Huwag ka ngang gumaganyan baka hindi pa ako makapagpigil,sige ka!"kunwari'y sabi pa nito.

Asar na pinagpapalo siya ni Nadia sa kanyang likuran.

"ahhh!"anito na napangiwi pa sa sakit.

"Bagay yan sa'yo!Ang yabang mo kasi!"

Samantala naging abala sa maghapon si Noel sa paghahanap ng mga potential investors.Halos hindi na niya ito nakita mula nang lumabas ito ng opisina.

Matamlay na binaybay niya ang daan pauwi.Makailang beses niyang binalak tawagan ang binata pero hindi niya maituloy-tuloy.

Sa bahay panay ang check niya sa cellphone pero wala pa ring message mula kay Noel.Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog sa paghihintay.

Halos napaigtad pa siya nang magising siya sa matinding sikat ng araw na tumatagos sa bintana.

"alas diyes na pala!"aniya nang makita ang oras sa cellphone.

Mabigat ang mga paang bumangon na siya at nag-ayos ng sarili.

Habang nag aalmusal ay napapatulala siya.Hindi na kasi nagparamdam pa ang binata.

""Huwag ka ngang gumaganyan baka hindi pa ako makapagpigil,sige ka!""

Sunod-sunod ang naging pag-iling niya nang maalala ang sinabi nito sa kanya.

"Naturn off kaya siya sa akin?" nakakunot pa ang noong tanong niya sa sarili.

Nasa ganoong pag-iisip siya nang makarinig siya nang sunod-sunod na pagkatatok mula sa labas.

Excited na tumayo siya at halos takbuhin na ang pinto.Pero bigla nawala ang pagkakangiti niya nang bumungad sa kanya si Atty.Chen.

"Atty.kayo po pala!Tuloy po kayo!"

May isang oras din halos tumagal ang pag-uusap nila bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya.Ilang segundo niya palang naisasara ang pinto nang bigla na naman itong kumatok.

"Atty.may nakali..."hindi na niya natapos ang sasabihin nang sa pagbukas niya ay agad siyang sinunggaban ng halik sa labi ni Noel.

"Missed me?"matamis pa ang ngiting sabi nito nang bumitiw sa kanya.

"Sira ka talaga!"nangingiting sabi niya.





Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon