chapter 5

330 15 0
                                    

"ibabalik ko na lang po sir!" aniya na akmang babawiin ang pagkain pero pinigilan siya nito kaya dumampi ang mainit palad nito sa likuran ng kamay niya.Ilang saglit ding tila nakahawak ang kamay nito sa kanya bago niya ito dali daling tinanggal.

"Sorry po ulit sir!Lalabas na po ako!" nakayukong sabi niya.

Ilang minuto nang nakalabas si Nadia pero   palaisipan parin kay Noel ang pagiging  mabait nito sa kanya.

"Hindi magtatagal malalaman ko rin kung sino kang talaga!" seryoso ang mukhang sabi niya habang nakatingin sa direksyong
kinauupuan ng dalaga.

"Tingnan natin kung hindi ka sumuko at umuwi sa kung sino mang amo mo!"bulong pa niya.

Mag-aalas singko na nang hapon nang tawagin siya sa loob ni Noel.

"pa photocopy mo ng tig 10 pages ang bawat pahina na nasa loob ng mga folder na yan!" anito sabay turo sa makapal nafile nag folder sa mesa.

"okay po sir!" nakangiti pang  tugon ng dalaga.

napakunot na lang ng noo nang binata.

Pasado alas otso na nang makabalik ito dala ang mga pinaphotocopy na kopya.

"okay na po sir!"nakangiting inilapag niya ang mga folder sa desk.

"sige hanapan mo ng folder ang mga pinaphotocopy mo tapos ayusin mo isa -isa.gagamitin ko yan sa meeting bukas." seryoso ang mukhang sabi nito.

"bibili po ba ako nang folder sir?" nag aalangang tanong niya.

"No need!pumunta ka na lang sa library sa  5th floor may mga folder doon." sagot nito.

"okay po sir!"huminga muna siya ng malalim bago muling naglakad paakyat ng 5th floor dahil gabi na rin noon at takot siyang mag elevator mag isa kaya naghagdan na lang siyang paakyat.

Halos butil-butil na ang pawis niya nang makabalik siya sa opisina.Nakahalukipkip na si Noel nang maratnan niya.

"Bakit ang tagal mo?" halos salubong na ang kilay na tanong nito.

"Naghagdan lang po kasi ako sir!"maikling sagot niya habang isa-isa na niyang iniaayos ang kopya sa bawat folder.

"Bakit?sira ba ang elevator?"nakakunot noo pang tanong nito.

"Hindi po sir!Takot lang po akong mag-isa sa elevator!"

Hindi na umiimik si Noel at tahimik lang na pinagmasdan siya.

Nang matapos ay bumaling siya rito at inabot ang mga folder.

"okay na po sir!" malumanay ang boses na sabi niya.

"okay!ihatid mo na ako sa amin!"sabi nito na agad nang tumalikod.

Matapos masigurong maayos na ang lahat ay pinatay na niya ang ilaw sa opisina at sumunod na siya kay Noel.

Wala silang imikan habang binabaybay nila ang daan pauwi.

"Iliko mo sa kanan!" narinig niyang sabi nito,kaya nagdahan-dahan siya para makaliko sa sinabi nitong direksyon.

Nakaramdam ng kaba si Nadia nang maipark na niya sa loob ng bakuran ang kotse.Malayo ang lugar na iyon sa bahay niya.At hindi niya kabisado ang pasikot-sikot na daan pabalik sa main road.Dagdag pa na halos malalim na rin ang gabi.

Hindi na siya nilingon pa ni Noel nang magpaalam na siyang uuwi na.

"Lord please help me!" usal niya sabay sign ng cross para gabayan siya pauwi sa kanila.

Kitang-kita ni Noel ang pagkabalisa ng dalaga habang pinapanood niya ito sa cctv monitor niya sa loob ng bahay.Ilang minuto rin kasi itong tumigil sa harapan ng bahay niya bago tuluyang umalis.

Napasulyap siya sa suot niyang relos mag aalas onse na nang gabi.Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot para rito kaya nagmamadali siyang lumabas ng gate para habulan ito.Pero nakalayo na ito.Walang pumapasok na public vehicle doon kaya imposibleng makasakay agad ang dalaga.Kaya agad niyang inilabas ang kotse sa garahe at binaybay niya ang daan palabas ng village.Sa di kalayuan ay nailawan niya itong halos takbuhin na ang palabas sa village.Sunod-sunod ang pagbusina niya na nagpatigil sa dalaga.

Nakatakip pa ang mga mata nito na nasisilaw sa liwanag ng ilaw ng kotse.

"Nadia!" tawag niya rito.

Nag-aalangang tumigil ang dalaga.Agad na bumaba ng kotse si Noel at lumapit sa dalaga.

Inabot nito ang kamay ng dalaga at inakay papasok sa loob ng kotse.

"May lakad po kayo sir?" tila masigla pang tanong ng dalaga na pilit ikinukubli ang takot

napakunot ang noo niya.

"Tao ka ba talaga ha?" mariing tanong niya na hinarap ang dalaga.

"po?" nakakunot ang noong tanong ng dalaga.

"Look,pinahirapan kita buong maghapon sa work,sinadya kong sagarin ang oras mo tapos nagpahatid ako dito at pinauwi kita sa halos dis oras nang gabi at nagagawa mo pa ring ngumiti sa akin ng ganyan?"halos mataas na ang tono ng boses nito.

"wala naman po akong dapat ikagalit sir,part po ng work ko ang lahat ng iyon,kayo po bilang boss ko, karapatan niyo lang pong utusan ako,nasa akin na po iyon kung kakayanin ko!"malumanay pa rin ang boses na sagot niya.

"So ano?okay lang ba yun sa'yo?Kakayanin mo ba?" mariing tanong nito.

"opo sir!" blanko ang mukhang sagot ng dalaga.

Naiiling namang binuhay ni Noel ang makina."May lakad ako ngayon,sumabay ka na sa akin pauwi!" seryoso ang mukhang sabi nito.

"Thank you po sir!" nakangiting sabi pa ni Nadia nang makababa ng kotse.

Marahan lang tumango ang binata.

Nakapasok na sa loob ng bahay ang dalaga pero hindi parin binubuhay ni Noel ang makina.

"Sino ka ba kasing talaga?sino bang nagpadala sa'yo!"seryoso ang mukhang sabi pa niya sa sarili.

Samantala si Nadia ay hindi na nagawa pang maghapunan at agad ng ibinagsak ang pagod niyang katawan sa kama.Sa sobrang pagod ay agad na rin siyang nakatulog.

Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon