Chapter 4

354 15 0
                                    

Biglang napaigtad si Nadia nang tumunog ang katabi niyang alarm clock.Agad niyang sinilip ang sofa kung saan nakahiga ang amo niyang si Noel pero wala na ito roon.Nagmamadali siyang bumangon,tiningnan niya ang kotse sa garahe at wala na rin ito roon.

"umuwi na siguro siya!" isip isip niya.

Napasulyap siya sa relos mag aalas siyete na nang umaga.Kaya nagmamadali na siyang kumilos para pumasok sa opisina.

Pagdating sa opisina,inabutan niyang abala na sa pagtatrabaho si Noel.

"nakakahiya naman!nauuna pa si sir sa akin!" bulong niya sa sarili.

Uupo na sana siya sa desk niya nang mapansin niyang nakatingin sa kanya si Noel.Sumesenyas ito sa kanya kaya nagmamadali siyang pumasok sa salaming silid na opisina nito.

"good morning sir!" bungad niya rito kasabay ng matamis niyang ngiti.

"pumunta ka kay sir Alvin mo sa second floor,pakikuha mo yung file sa Batangas project natin".anito na panay ang haplos sa noo.

"okay po sir" mabilis niyang sagot.

Bago siya dumiretso sa opisina ni Alvin ay kumuha muna siya ng gamot at tubig atsaka bumalik sa opisina ng binata.

"Sir baka po masakit ang ulo niyo kinuha ko po kayo ng gamot!"sabi niya habang iniaabot ang gamot.

"Nasaan na yung inuutos ko sa'yo?" nakakunot ang noong tanong nito.

"kukunin ko palang po!"alanganing sagot niya.

"pwede ba sa susunod kung ano lang ang inuutos ko iyon lang ang gagawin mo!" halos pasigaw pang sabi nito.

"Sorry po sir!" nakayukong sagot niya.

"pumunta ka na sa sir Alvin mo!" singhal nito sa kanya.

Nataranta namang lumabas ng silid si Nadia.

Halos namumutla pa siya nang marating ang opisina ni Alvin.

"Naku!miss Nadia,kakaalis lang po ni sir Al vin,may inaasikaso po sila sa field eh"sagot ng sekretarya nitong si Kristine.

Nanlaki ang mga mata niya.

"matagal na ba siyang nakaalis?" agad na tanong niya.

"kakalabas lang baka abutan mo pa sa lobby!"sagot ng sekretarya.

Parang walang narinig na nagtatakbo pababa si Nadia at hinabol si Alvin.Hindi na ito gumamit ng elevator kaya ganoon na lang ang hingal niya nang abutan niya ang grupo nila Alvin na kalalabas lang ng elevator.

"Sir Alvin!"Halos umalingawngaw ang boses niya sa lobby.

Napatingin ang lahat sa kanya pati na si Alvin.

"Nadia!What's wrong bakit humahangos ka!"ani Alvin na agad lumapit  sa kanya.

"Sir pinapakuha po ni sir Noel yung mga files daw po sa Batangas project." halos hinihingal pang sabi niya.

"Naku!hindi pa tapos kamo!Babalik pa ako doon ngayon!Sabihin mo ako na lang mismo ang magaakyat nun sa kanya bukas"nakangiting sagot nito sabay tapik sa balikat niya.

"sige po sir!"nakangiting sagot niya.

Bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ay inayos muna niya ang kanyang sarili at saka huminga ng malalim.

"Wag sana siyang magalit!" mariing dasal niya.

Walang reaksyon ang mukha nito sa sinabi niya.Sumulyap ito sa relos at muling bumaling sa kanya.

"Magbook ka ng lunch for 2 sa Louise Restaurant mamayang 12 noon."sabi nito na hindi tumitingin sa kanya.

"okay po sir!" agad na sagot niya.

Agad siyang nagpareserve sa restaurant na sinabi nito.Mabilis na lumipas ang oras.Isa -isa nang nagtatayuan ang mga empleyado para maglunch pero hindi pa rin makatayo si Nadia.Panay ang silip niya sa relos pasado alas onse na pero hindi pa rin lumalabas ng opisina ang amo niyang si Noel.

Kumakalam na ang tiyan niya sa gutom kaya naisipan na niyang katokin ang amo.

"Sir,paalala ko lang po yung reservation niyo po ng lunch mamayang 12noon." nahihiyang sabi niya.

"okay na 'yun!Nandoon na sila sa restaurant!" maikling sagot nito na hindi man lang lumilingon sa kanya.

Napakunot sng noo ni Nadia.

"Sir ,hindi po ba kayo maglalunch?"nag aalangang tanong niya.

"maglunch ka na!may tatapusin pa ko!"maikling sagot nito habang patuloy sa ginagawa.

Sa canteen naabutan niya ang ilang mga empleyado sa department niya.Agad siyang inaya nang mga ito sa mahabang table.Nakangiti namang nakijoin siya sa mga ito.

"Nadia,kumusta ka naman sa pwesto mo?" nakangiting. tanong ni Joy.

"okay naman!" nakangiting sagot niya.

"sinusungitan ka ba ni sir?"usisa naman ni alpha,

"naku! hindi!mabait naman si sir!" agad niyang sagot.

"Alam mo bang walang ibig pumuwesto sa pwesto mo ngayon?dahil natatakot kaming masibak!" bulong naman ni camille.

"bakit naman?" naiinteresadong tanong niya.

"mapili kasi si sir!at may pagka istrikto!pag mayroon siyang hindi nagustuhang ginawa ng sekretary niya tinatanggal niya agad-agad,kaya ikaw ingat ka ha?"muling bulong nito.

"tinatakot niyo naman ako eh!"aniya na napahawak pa sa dibdib.

"Sinasabihan kalang namin para alam mo,mukha naman matalino at magaling ka kaya mo 'yan!"nakanguting sabi ni Alpha.

Napangiti na rin siya.

Bago tuluyang umalis nang canteen bigla niyang naalala si Noel.Nakita niyang may pack ng food para sa VIP kaya naglakas loob na siyang bilhan ito.

"Bahala na kung masigawan na naman ako!" isip-isip niya.

Abot-abot ang kabog ng dibdib niya nang makarating siya sa sariling desk.Tanaw niya mula sa labas na subsob parin sa trabaho ang binata kaya lakas loob na kumatok ulit siya sa opisina nito.

"come in!" narinig niyang sabi nito.

Halos nanginginig pa siya nang ilapag niya sa mesa ang pack ng lunch na binili niya sa canteen.

Tumigil sa ginagawa ang binata at saglit na sumulyap sa iniwan niyang pagkain at saka matalim ang tinging tumingin sa kanya.

"What are you up to?" singhal nito sa kanya.

"po?" kunot ang noong tanong niya.

"kanina binigyan mo  ako ng gamot,tapos ngayon kinuha mo naman ako ng lunch?Kinukuha mo ang loob ko para saan?Tell me sino nagpadala sa'yo dito ha?"anito na tumayo at humarap sa kanya.

"excuse me po sir!wala pong ganoon,napansin ko lang po kanina na panay ang haplos niyo sa noo niya kaya naisip kong baka sumakit ang ulo niyo dahil sa pagkakainom niyo ng alak kagabi,saka napansin ko lang po na busy kayo kaya naglakas loob na po akong kuhanan kayo ng lunch.pero kung ayaw niyo po ibabalik ko na lang!"naluluhang sabi ng dalaga.

"Ano 'yan umiiyak ka?wow!should i say sorry?" nanunuya pang tanong nito.

"No sir!I'm sorry po!" aniya na pilit pinipigalan ang emosyon.

Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon