chapter 15

336 14 0
                                    

Mag-aalas siyete na nang makabalik si Nadia.Walang imik na nilampasan niya lang si Noel atsaka niya kinuha ang kanyang bag at ang naiwang cellphone.

"Where have you been?" mariing tanong ni Noel.

Pero hindi sumagot si Nadiah at dire- diretso lang na lumabas ng opisina.

"Hey!"habol pa ni Noel pero hindi na siya nilingon pa ni Nadia.

Napasuntok na lang sa mesa ang binata.

Masamang masama ang loob ni Nadia kaya nang gabi ding iyon ay nag gawa siya ng resignation paper.

Kinabukasan namumugto ang mga matang pumasok siya ng opisina at dumiretso sa opisina ng binata.

Naabutan niyang abala ito sa pagtutok sa computer.Marahan niyang inilapag ang resignation paper sa harapan nito.Tumigil ito sa ginagawa at bahagyang sumulyap sa kanya atsaka binasa ang  inilapag niyang resignation paper.

"bakit?"seryoso ang mukhang tanong nito matapos basahin ang resignation paper niya.

Hindi umimik ang dalaga at nanatili lang nakayuko.

"I said why?" muling tanong ng binata kasabay ng pagtiklop ng laptop atsaka bumaling sa  kanya.

"hindi na po ako productive para sa position ko sir!"mabilis na sagot niya na ang mga mata'y nananatiling nakatuon sa sahig.

"who told you?" galit pa rin ang tono ng boses na tanong nito.

Hindi umimik ang dalaga.

"So paano na yung building na tutubusin mo?hahayaan mo na lang bang maremata ng bangko?"sunod na sabi nito.

Sunod-sunod na umiiling ang dalaga habang nakayuko.

"Then why are you filing this resignation?"halos pasigaw nang sabi nito.

"Hindi ko na po kayang magtrabaho kasama niyo sir!" mahinang sagot niya.

"Dahil ba nasigawan kita kahapon?ano malaki na ang  ulo mo at ayaw mo na ng napapagalitan?"mariing sabi pa nito.

"aalis na po ako!"sa halip ay sagot niya at akmang lalabas na nang pigilan siya sa braso ng binata.

"I won't accept your resignation!Go back and work!"mariing sabi nito.

Nagtaas ng paningin ang dalaga at nagtama ang paningin nila.

"After creating such a big mess,do you really think i can easily let you go?"sabi nito na ang tinutukoy ay ang ginawa niyang isyu sa social media.

"Go back to work!" mariing sabi nito.

napaawang ang mga labi ng dalaga.

"But...sir!"tanging nasambit niya.

"I don't wanna hear your excuses!" anito na tinalikuran na siya at lumabas ng opisina.

Naiwang nakatulala ang dalaga.

Samantala dumiretso naman si Noel sa opisina ng nakakantandang kapatid na si Gabby.Halos pabalibag na itinulak niya ang pinto.

"Kuya anong sinabi mo kay Nadiah?" agad na bungad niya.

Napangisi naman si Gabby na agad na tumayo at hinarap siya.

"Bakit anong sinumbong ng girlfriend mo sa'yo?" nakangising tanong pa nito.

"So,ikaw nga?" mataas ang tono ng boses niya.

"Bakit ?sinabi ko lang naman sa kanya na nagwithdraw na ng investment sa atin ang papa ni Stephie na dapat sanang magpifinance sa mga latest project mo!"mariing sabi nito.

"Kaya ba pinagreresign mo siya?"halos pasigaw ng sabi niya.

"I'm not asking her to resign...Sinabi ko lang sa kanya ang kasalukuyang condition ng kompanya".mahinahon nang sagot nito.

"But she is actually filing a resignation because of what you said!"halos pasigaw ng sabi niya.

"Then good!Suyuin mo si Stephie para hindi tuluyang malugi ang kompanya!"

"No!Hindi ako papayag na maging collateral damage si Nadiah!"halos pasigaw nang sabi niya.

"Please kuya,Let her out of this!Ako ang aayos ng problema!"

Iyon lang at iniwan na niya ito.

Pagbalik niya sa opisina ala na doon si Nadia.Asar na hinablot niya ang coat at nagmamadaling lumabas ng opisina.

Napahampas pa siya sa manibela bago niya tuluyang binuhay ang makina.

Naabutan niya si Nadiah na may kausap na til abogado kaya nagmamadali siyang umakyat.

"I'm sorry Miss Nadiah..."naabutan niyang sabi ng abogado.

"Excuse me!anong nangyayari dito?" agad na singit niya sa usapan.

"Sir kayo po pala!"Nakangiting bungad ng abogado sa kanya.

"Attorney!Anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong niya.

"Sir ito po 'yung bagong property na sinasabi ko sa inyo!"nakangiti pang sabi nito.

"Sino nagbenta sa atin nito?iforward mo nga sa akin lahat ng details".madilim ang mukhang utos niya.

"Bakit po sir?may problema po ba?"napakunot pa ang noong tanong ng abogado.

"Sabihin mo sa kausap mo idedemanda ko sila for selling the property na hindi pa sa kanila!"galit na sabi niya.

Napatingin ang abogado sa dalaga atsaka muling tumingin sa binata.

"sir magkakilala po kayong dalawa?"tanong nito.

"She's my girlfriend!" seryoso ang mukhang sagot niya.

"Attorney!gusto kong asikasuhin mo ang kaso ng building na 'to" aniya bago bumaling kay Nadiah.

"Ibigay mo kay attorney ang lahat ng hawak mong documents."

Tila natutulala lang na tumango ang dalaga.

Nakaalis na ang abogado at naiwan na lang silang dalawa na nanatiling nakatayo sa terrace.

"I will help you gain back this building just stay with me!" seryoso ang mukhang sabi ng binata.

Napasulyap ang dalaga sa kanya.

"Gaya ng nasabi ko na sa'yo,ako ang magsasabi kung kailan tayo maghihiwalay!"

"Let's go!" anito sabay hila sa isang kamay niya pababa.

Wala ng nagawa pa si Nadiah kundi sumunod na lang.

Hanggang sa makarating sila sa opisina ay hindi bumibitiw sa kamay niya si Noel kaya naman ganoon na lang ang pagkakangiti ng lahat ng madaanan nilang empleyado.Lahat ay halos naiinggit sa kanya.

"coffee please!" tila walang nangyaring bulong nito sa kanya nang makapasok sila sa opisina.

Gumapang ang tila kuryente sa pisngi niya.At agad siyang napahawak sa mukha niya.

Sumunod siya sa loob ng opisina nito para magtimpla ng kape.

Kasalukuyan siyang naglalagay ng asukal nang mula sa likuran ay kinuha nito ang kutsara sa kamay niya halos nakayakap na ito sa kanya habang naglalagay ng creamer sa tasa.Hindi nakagalaw si Nadia na nakakulong na sa pagkakayakap ng binata na nagtitimpla ng sarili  kape.Bahagya pa itong yumuko at  ikiniskis ang pisngi sa pisngi niya.

"anong ginagawa mo?" kunot ang noong tanong ng dalaga.

Nginitian lang siya ni Noel bago humigop ng kape atsaka may kung sinong nginitian sa labas.

Napasulyap siya sa salaming dingding.Nakatanaw pala sa kanila ang ilang empleyado mula sa labas.

Namumula ang mukhang agad niyang ibinaba ang venetian blinds.

"Relax!"anito na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kanya.

Pinisil pa nito ang pisngi niya atsaka siya nginitian.

Lalong nag init ang pisngi niya kaya nagmamadali siyang lumabas  at bumalik sa sariling mesa.

Nangingiti namang napailing na lang si Noel.






Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon