chapter 9

315 16 0
                                    

Mula sa kinapupwestuhan ay tanaw niya at nadidinig niya  ang usapan ng mga nasa itaas.

"Pano yan anak may naipon ka na bang pantubos sa building mo?" tanong ng isang matanda.

"Kulang pa po ako ng  three hundred thousand" matamlay na sagot ni Nadiah.

"eh,paano 'yan hija?aalis na ba tayong lahat dito?" malungkot na tanong ng matanda.

"Naku!hindi po!magagawan ko po iyan ng paraan!Tatanggap po ako ng maraming platsahin at padrawing para po kumita pa ako ng mas malaki."nakangiti nang sabi niya.

"Naku!ikaw talaga hija!nagagawa mo pang ngumiti eh alam naman naming pilit mo lang kinakaya!Hija,kung sakaling kulangin ang pera mo hayaan mong tulungan ka namin ha?" nakangiti na ring sabi ng matanda na humawak pa sa braso niya.

"Sabi niyo po 'yan ah!" nakangiting sabi pa niya.

"Saglit lang po lola,kukunin ko lang po sa loob  'yung pinaplantsa niyo kahapon;"aniya na agad pumasok sa loob ng bahay.

Nang makabalik ay dala na niya ang malaking supot nang nakatuping damit at ilang pirasong nakahanger.

"Tara po!ihahatid ko na po kayo sa unit niyo!" nakangiting sabi niya na nagpatiuna na sa paglalakad.

Matapos maihatid ang damit ay muli siyang pumasok sa loob ng bahay niya.Doon pinaandar na ni Noel ang makina pero bigla siyang natigilan nang makita niyang muling lumabas ang dalaga bitbit ang tila isang canvass na may larawan at kumatok sa katabing unit.

Lumabas ang isang bata at nagabot ng pera sa dalaga.

"grabe!paano niya nagagawa ang lahat ng 'yon!" kunot ang noong sabi niya.

Nasa bahay na ang binata laman pa rin ng isip niya ang dalaga.Hindi niya. akalaing may malaki pala itong hinaharap na problema.

Marahil kasama sa pagtitipid nito ang paglalakad papasok at pauwi sa trabaho pati na rin ang pagtitipid nito sa pagkain.Naiinteresaduhang muli niyang sinulyapan ang background check result  ni Nadia.At doon siya tila naliwanagan.
Naisanla sa bangko ang building na paupahan ng dalaga nang magsimulang magkasakit ang tatay tatayin nitong pari.

Kinabukasan bumisita sa opisina si Alvin.

"Ano kumusta ang pagiimbistiga mo sa sekretarya mo?may natuklasan ka ba?"tanong nito na naupo sa silya sa harapan ng mesa niya.

"Mukha namang hindi niya sinadyang isabotahe ang project ko!Sinundan ko siya kahapon,pero mukha namang walang kakaiba sa kanya!"seryosong sabi niya.

"Sabi ko naman sa'yo hindi siya padala ng kaaway!"ani Alvin na sumulyap sa direksyong kinauupuan ng dalaga mula sa labas ng opisina.

"Pero kahit pa!ayokong magpaka kampante!"sabi niya na muling ibinaling ang atensiyon sa ginagawa.

"Maiba ko!balita ko bumalik na raw si Stephie,ano,tuloy ba ang engagement niyo?"tanong ni Alvin.

"walang engagement na mangyayari!Buong buhay ko sumunod lang ako kay papa at kuya,pero not this time!" aniya na itinigil ang ginagawa at seryosong tumingin sa kaibigan.

"So?Are you telling me na hindi mo gusto si Stephie?"kunot noong tanong ni Alvin.

"Dati 'yon!mga bata pa kami noon,iba na ngayon!" maikling sagot nito.

"Baka naman may iba ka nang nagugustuhan?" nakangisi pang tanong nito.

"Ano naman sa'yo?" anito na dinampot ang  phone para magpatimpla ng kape kay Nadia.

Mayamaya pa ay pumasok ang dalaga  at nagtimpla ng dalawang tasa ng kape.

"hello miss ganda!" nakangiting bati ni Alvin.

"Hello po sir!" nakangiting sagot ng dalaga.

"ganda,wag mong mamasamain ha?may bofriend ka na ba?" nagpapacute pang tanong ni Alvin.

Bigla namang namula ang mukha ni Nadiah

"Naku!sir masyado naman pong personal ang tanong niyo!" nahihiyang sagot niya.

"Naku!Sorry ha!na akward ka ba!Sige wag mo na lang sagutin kung nahihiya ka!"mabilis na bawi ni Alvin.

"Sige po sir!lalabas na po ako!" nagmamadaling umalis ang dalaga.

"Sira ka talaga!" ani Noel nang makalabas si Nadiah.

"Bakit anong masama sa tanong ko?"pataymalisyang sabi ni Alvin sabay higop ng mainit na kape.

"infairness!ang sarap ng kape ha!"nakangising sabi pa nito.

Naiiling na humigop na rin ng kape ang binata.

"Kailan ka pa nagsimulang uminom ng kape?Ang alam ko ayaw mo ng kape diba?" bigla naalala ni Alvin.

"Since tinimpla ako ni Nadia!" kaswal na sagot niya.

"Wow!Nadia!first name basis?close na kayo?" nangaasar pang sabi ni Alvin.

"Siraulo ka!umalis ka na nga rito!"natatawang itinulak niya palabas ang kaibigan na noo'y hawak pa ang tasa ng mainit na kape.



Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang takbo ng negosyo ni Noel.Sunod-sunod ang project na nakukuha ng kompanya at lahat iyon ay dahil na rin sa kasipagan at brilliant idea ng sekretarya niyang si Nadia.

Hanggang isang araw bigla na lang nahimatay sa opisina si Nadia.

"Nadia!" sigaw ni Noel nang matanaw ang pagbagsak ni Nadia. agad itong tumakbo papunta sa dalaga.

Binuhat niya ito at agad dinala sa klinik at kalaunan ay sinugod niya rin sa pinakamalapit na ospital.

"Doc,ano pong lagay niya?" agad na tanong niya sa doktor.

"Dehydrated ang pasyente,mabuti na lang at naisugod niyo siya agad sa ospital,kakailanganin niyang macomfine ng ilang araw".

Napasulyap ang binata sa namumutlang mukha ng dalaga.Nakaramdam siya ng awa para sa dalaga.

"Kayo po ba ang kapamilya ng pasyente?" tanong ng doktor.

"opo!"agad na sagot niya.

Saglit siyang kinausap ng doctor para sa ilang detalye at pagkatapos ay muling siyang bumalik at naupo sa gilid ng kama ng dalaga.

Hindi niya alam kung bakit parang kinukurot ang puso niya sa kaawa awang hitsura ng dalaga.

"Tubig!" bulong nang dalaga nang magising.

Agad niya itong inalalayang makaupo atsaka niya dahan-dahan niyang pinasimsim ng tubig.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Marahan lang tumango ang dalaga at muling ipinikit ang mga mata.

"Magpahinga ka at magpalakas okay?" bulong niya rito.

Magdamag na binantayan niya ang dalaga.




Nads & NoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon