Kinabukasan masiglang gumising si Nadia.
"good morning myself" nakangiting bati niya sa sarili habang nakatingin sa salamin.
"grabe!ilang araw palang ako sa work parang ang pangit ko na!"napasimangot pa siya habang tinititigan ang sarili sa salamin.
"hays!kaya ko 'to!" nakangiti nang sabi niya sa sarili.
"Good morning everyone!" bungad niya sa mga bago niyang kaibigan at katrabaho na sina Alpha.
"Abah!ganda gising teh?" kantyaw pa nito.
"Naman!" nakangiting sagot niya habang nagmamadaling pumasok sa loob ng opisina.
Wala pa sa loob ang boss niyang si Noel kaya nag ayos muna siya at bahagyang naglinis sa table nito.
Mayamaya pa ay dumating na rin ito.
"Good morning sir!" nakangiting bati niya rito pero unti-unting nawala ang maganda niyang ngiti ng ni hindi man lang ito lumingon sa kanya.
Nagaalinlangang sumunod siya sa loob ng opisina nito at nagtimpla ng kape.
Dahan-dahang inilapag niya ang kape sa mesa atsaka mabilis na lumabas pabalik sa sarili niyang pwesto.
Mula sa kinauupuan ay tinatanaw niya lang kung papansinin ng boss niya ang kapeng itinimpla niya para rito.Bahagya siyang napangiti ng matanaw niyang hinihigop na nito ang kapeng tinimpla niya.
Nang maghapong iyon naging abala ang mag amo sa kabi-kabilang meeting nito.Mabilis na lumipas ang oras at nakailang deal din ang na iclose nila.
"Good job miss Cordero!" narinig niyang sabi nito habang papauwi sila.
"Thank you po sir!" nakangiting sagot niya.
"Pwede kang umuwi ngayon ng maaga" nakangiting sabi nito.
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe nang mapansing namamalipit sa sakit ang amo niyang si Noel."nag-aalalang itinigil ni Nadia ang kotse.
"okay lang po kayo sir?"
"dalhin mo ko sa ospital please!" halos pabulong na sabi nito na halos mag kulay suka na sa sakit na nararamdaman.
Nataranta namang muling binuhay ng dalaga ang makina.
Sa ospital ay agad namang nilapatan ng lunas ang binata.
"Okay na siya miss!Hintayin na lang natin ang mga resulta ng lab test bukas."sabi ng doctor bago tuluyang lumabas ng silid.
Binalingan niya si Noel,payapa na itong natutulog.medyo malakas ang aircon sa kwarto kaya agad niyang iniangat ang kumot ng binata.
"sino kaya ang dapat kong tawagan sa pamilya niya?"aniya habang marahang kinakapa ang bulsa ni Noel.
Kumilos ang kamay nito at hinawakan ang kamay niyang naghahanap ng cellphone.
"wala kang tatawagang pamilya ko!" nagulat pa siya ng bigla itong nagsalita.
"pero sir,paano po kayo?wala po kayong kasama dito?"
"its okay!I can manage!umuwi ka na!" malamlam ang mga boses na sabi nito.
"sigurado po kayo?"alanganing tanong niya.
"yeah!" halos pabulong ng sagot nito.
Pero hindi niya maiwan -iwan ang amo.
Kaya kinausap niya ang nurse at binilan saglit bago siya umalis.
Sa bahay,habang naghahapunan hindi maalis-alis sa isip niya ang kalagayan ng amo kaya nagmadali siyang kumain at nagpasyang bumalik na lang sa ospital.
Bago dumiretso sa ospital,dumaan muna siya sa bahay nito para kumuha ng ilang personal nitong gamit.Nakisuyo na rin siya sa kasambahay na ipagluto ito ng pagkain.
Mag aalas nuebe na nang makabalik siya nang ospital.Napakunot ang noo ni Noel ng bumungad siya sa pintuan.
"anong ginagawa mo rito?"
"Dinalhan ko po kayo ng pagkain at personal na gamit.Pasensiya na po hiningi ko po yan sa kasama niyo sa bahay."lakas loob na sabi niya.
lalong kumunot ang noo ng binata.
"natural mo ba yan?o sinasadya mo lang talagang hulihin ang loob ko?" seryoso ang mukhang tanong nito habang nakatitig sa kanya.
"sabi po noon nila Father sa akin,natural daw po sa mga tao ang mapagduda sa kapwa pero hindi raw po iyon sapat na dahilan para talikuran natin ang mga taong alam naman nating nangangailangan ng tulong ng dahil lang sa nagdududa sila sa kabutihan natin".nakangiti pang sagot ng dalaga habang isa-isang inilalabas ang pagkaing dala.
"kain na po kayo sir!"matamis pa ang ngiting hinarap niya ang binata.
Alanganing inabot nito ang kutsara't tinidor.
Tahimik lang naman na nakamasid ang dalaga.
"wala bang lason 'to?" seryoso ang mukhang tanong nito bago tuluyang sumubo.
napangiti lang siya at sabay umiling.
Naparami ang kinain ng binata kaya muli itong nakaramdam ng bahagyang pananakit ng tiyan.
Agad namang napansin ng dalaga ang pag ngiwi ng mukha nito.
"Okay lang po ba kayo sir?May masakit po ba sa inyo?gusto niyo pong tumawag ako ng doctor?" halos sunod sunod na tanong ng niya.
"it's okay!ayos lang ako!"sagot nito nang unti-unting napapawi ang sakit na nararamdaman.
Iniligpit na ng dalaga ang pinagkainan ng binata atsaka muling naupo sa silyang nakapwesto sa gilid ng kama.
"hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng binata na bahagyang sumulyap sa kanya.
"dito lang po ako sir!babantayan ko po kayo!" nakangiting sagot niya.
"Umuwi ka na!hindi ko kailangan ng bantay!"mariing sabi nito habang ang atensiyon ay nakatuon sa telebisyon.
"Pero sir!masyado na pong malalim ang gabi,natatakot na po akong bumiyahe pauwi!"nag aalangang sagot niya.
Sumulyap sa relos ang binata atsaka sumulyap sa kanya.
"sige magpalipas ka na ng gabi dito!"
BINABASA MO ANG
Nads & Noel
RomanceMeet Noel ang presidente at istriktong boss na hirap magtiwala sa ibang tao.Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. Meet Nadiah ang simple at magandang sekretarya ni Noel.Aakalalain mo ba na ang simpleng dal...
