"Hinintay mo ba ako kagabi?"anito nang makaupo sa sofa.
"Hindi!Bakit naman kita hihintayin?"nakataas pang kilay na sagot ng dalaga na naupo na rin sa tabi niya.
Nangingiti namang bahagyang umusog si Noel at umakbay sa kanya.
"siyempre dahil hindi mo kayang hindi makita maghapon ang gwapo kong mukha!"nagyayabang pang sabi nito sabay halik sa pisngi niya.
"Abah!kapal ah!" aniya sabay pisil sa pisngi ng binata.
Nangingiting hinuli nito ang isang kamay niya at mabilis na sinuotan ng singsing.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga.
"Ano 'to?"tanging nasambit niya habang nakatitig sa singsing sa daliri niya.
"Ang slow mo talaga!Mukha bang kwintas yan?" halos salubong na ang kilay na sabi pa nito.
"Alam kong singsing 'to?Pero para saan 'to?Bakit mo ko binigyan nito?"aniya na hindi inaalis ang mga mata sa suot na singsing.
"Marry me!" seryoso ang mukhang sabi ni Noel.
"Ha?" aniya na hindi pa rin makapaniwala.
"Anong ha?,Ano ang sagot mo?" tila naiinip ng tanong nito.
"Hindi ba parang medyo mabilis yata?Kelan lang naging tayo ng totoo diba?Tapos magpapakasal agad tayo?"nakakunot ang noong tanong niya.
Napangiti ang binata na humarap sa kanya.
"Sa tingin mo talagang papayag akong maging fake boyfriend mo?"
"Anong ibig mong sabihin?"nakakunot ang noong tanong ng dalaga.
"Hindi ako nagpapanggap lang noon!Totoong feelings ang pinapakita ko sa'yo noon pa!"
"pero nag sungit ka sa akin noong huling activity natin diba?After mong makipag usap sa phone hindi mo na ko nilapitan." namimilog pa ang mga matang sabi niya.
Napangiti ang binata.
"Nagselos lang ako noon kay Alvin!" pag amin nito.
"So,ano nang sagot mo?"muling tanong nito.
"Hindi ko alam!" wala sa loob na sagot niya.
"Anong hindi mo alam?Mahal mo ba ko?"naiinis ng tanong ng binata.
"kailangan ko pa bang sagutin 'yan?"namumula ang mukhang tanong niya.
"Bakit ganon?Bakit hindi mo kayang sabihing mahal mo ko?Umamin nga sa akin?May gusto ka ba kay Alvin ha?"salubong na ang mga kilay na sabi nito.
Natawa naman ang dalaga.
"Bakit naman nasali si sir Alvin sa usapan?" nakangiting tanong niya.
"Eh bakit kasi hindi mo masabing mahal mo ko?"tila nauubos na ang pasensiyang sabi ni Noel.
"Iayos mo nga 'yang kilay mo!Lage nalang salubong 'yan!"aniya na hinimas himas pa ang makapal na kilay ng binata.
"Sabihin mo na kasi ang gusto kong marinig?"naglalambing na yumakap ito sa kanya.
"Paanobsi Stephie?" nakalabing tanong niya habang nakayakap sa binata.
"Huwag mo siyang alalahanin!Kinausap ko na siya,hindi niya tayo guguluhin!"
Dahan-dahang bumitiw ang dalaga sa pagkakayakap niya atsaka hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Mahal kita!Kaya "yes" magpapakasal ako sa'yo!" aniya habang nakatitig sa binata.
Nasasabik namang kinabig siya at mahigpit na niyakap ng binata.
"I love you!"nakangiting bulong nito sa kanya.
"I love you too!" aniya sabay pikit ng mga mata at dinama ang mainit at mahigpit na yakap ng binata.
The End...

BINABASA MO ANG
Nads & Noel
RomanceMeet Noel ang presidente at istriktong boss na hirap magtiwala sa ibang tao.Pag-aari ng pamilya niya ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. Meet Nadiah ang simple at magandang sekretarya ni Noel.Aakalalain mo ba na ang simpleng dal...