Chapter 03

122 3 0
                                    

Michelle.

"Nakita kita at si Clyd kahapon."  Mariing sambit niya sa akin. "And you seems happily flirting at him!" Dinuro duro niya pa ako.

"Mika, stop this." Kalmadong sambit ko.

"Now I know, kung bakit siya nakipag break sa akin. So he's seeing you now, huh?" Nagtubig pa ang mga mata nito ng sinabi niya sa akin iyon.

"Come on, Clyd dumping a girl is not new, Mika." Nagawi sa kanan ang mukha ko ng sampalin niya ako.

"He dump me because of you! Flirt! Sisirain kita." Naiwan akong nakatulala sa gilid dahil sa ginawa niya. Did she just slapped me?

Sinipa ko ang isang ibaba ng locker ko dahil sa inis. Bakit ba naman kasi naglo-loading ang utak ko kapag sinasaktan na ako physically e! Putek na yan.

Bumuga ako ng hangin at lumabas. Kailangan kong paghandaan ang research namin na ipi-present namin mamaya. Tatlong subject ang nakasalalay doon at kung hindi ko iyon maitatawid ay hindi ako makakapasa this semester.

Huminga ako ng malalim at dumeretso sa klase ko.

"Anong gagawin natin?" 

Napataas ang kilay ko ng makitang aligaga si Anca. Habang nasa harap naman ng loptop ko si Harold na paulit ulit na nagmumura.

"Papatayin ako ni Michelle pag nalaman niya."

"Nalaman ang ano?" Nanlaki ang mata ni Anca na bumaling sa akin.

"Y-yung research.." kumunot ang noo ko. Nagsimula ng maglikot ang mata ni Anca.

"Nawawala yung flashdrive." Sambit ni Gino na may nakaipit na lolipop sa bibig niya.

"Sorry Michelle! Sorry talaga! Nakasalpak lang naman yung flashdrive kasi nililinis namin ni Harold yung presentation e tapos nagCR lang ako saglit tapos wala na. Sorry talaga!" Umiiyak na ito.

"Wala. Ayaw maback-up Michelle."

"Sorry talaga! H-hindi ko sinasadya! D-di ko naman alam e."

Hindi pa ako nakakareact ng pumasok ang research teacher namin at isa-isa ng pinapapasok ang bawat grupo sa isang silid para magpresent.

Napaupo ako. Shems. Hindi ako makahinga.

--

"How can you be this careless?! Michelle, you're the research leader, how can you be so careless?" Hindi ako nagsalita.

"Ma'am, sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya na iwan yung loptop e." Hindi pinansin ni Ma'am ang sinabi ni Anca.

"Ayusin mo ang papeles mo. You'll have an extra classes."

Hindi ako nagsalita at walang imik na lumabas ng silid.

"Michelle, sorry talaga. Di ko sinasadya."

Ipinikit ko ang mga mata. Kailangan kong kumalma.

"Uh oh! The bagsak is here, look." Napamulat ako ng mata. Magisa ko dito sa classroom at pagkatapos pa ng isang oras ang klase ko.

"Say hi to our new irregular student," nakangiting sambit ni Mika. Hindi ako nagsalita. Wala ako sa mood.

"Anong pakiramdam, Michelle? Kulang pa yan e. See this?" May iniangat siyang bagay.

"I-ikaw.." naikuyom ko ang nanginginig kong kamay.

"I guess, sayo nga ito." Nakangiting sambit niya. "Nagpakahirap ako para kunin 'to kanina and I'm glad, tatanga tanga ang mga kasamahan mo."

"Ibalik mo sa akin iyan." Sambit ko.

"Paano kung ayoko?" May ibinigay na isang baso ng tubig ang kasama niya. At bigla nalang isinaboy iyon sa akin. Napasinghap nalang ako.

"Mika, ano ba talagang problema mo?"inihilamos ko ang kamay sa mukha ko. Gusto kong manabunot.

"Stop this childish act, Mika. Huwag mong isisi sa akin kung iniwan ka ni Clyd dahil boring ka." Mariing banggit ko.

"Everything is clear to me now, Michelle. Huwag ka ng pai-nosente. Clyd told me everything. Ikaw ang rason kung bakit hiniwalayan niya ako. At pagsisisihan mo iyon. This flashdrive? Pangarap mo ang nandito right?" Inihagis niya iyon sa lamesa. Akmang pupulutin ko iyon ng bigla niyang tapunan ng tubig ang lamesa.

Basa na.. yung flashdrive.

"Good for you." Iniwan nila ako doon ng nakakuyom ang kamao. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang mukha ko.

Hinabol ko ang sariling paghinga. Kailangan kong kumalma. Dinampot ko ang flashdrive at  lumabas sa classroom.

"Mukha kang basang sisiw, anong nangyari sayo?" Natatawang bungad ni Clyd sa akin.

Hindi ko ito pinansin at nilagpasan lang. "Hoy taba, sabing anong nangyare sayo e? Nabored ka ba at binuhusan mo sarili mo ng tubig?"

Nagtuloy ako sa paglalakad at naramdaman ko ang prisensya niyang nakasunod.

"Hoy basang sisiw na mataba, depress na depress a? Baka magpakamatay ka na niyan." Inis na hinarap ko ito at natigilan naman siya.

"Putangina Clyd, tantanan mo ako."  Mariing banggit ko at hindi ko na napigilan ang luha na tumulo sa mga mata ko. Nagulat naman siya doon.

"T-teka..bakit.. ka umiiyak? Hoy." Pinunasan ko ang luha ko at tinalikuran ito. Hindi naman siya nagabalang sumunod sa akin.

Nakakuyom ang kamao kong tinungo ang isang lugar.

Clyd POV.

"A-anong nangyari sa baliw na yon?" Nagkibit balikat nalang ako at tinuloy ang paglalakad.

"Grabe, bagsak si Michelle ng tatlong majoy subject. Ang alam ko iniingatan niya yun e."

"Ang alam ko, may sumabotahe ata sa research nila. Knowing Michelle e hindi naman nangyayari sa kanya 'to ngayon lang."

Michelle? Bagsak? Napakunot ang noo konat nilapitan ang dalawang babae na naguusap at kumakain.

"Hi," nginitian naman ako nung dalawa. "Anong nangyari kay Michelle?"  I asked. Naghesitate pa silang magsalita pero sa huli ay nagsalita rin lang.

"Bagsak siya ng tatlong majoy subject at irregular students na siya ngayon. May sumabotahe ata sa research nila e. Nawala daw." Sabi nung babaeng nakapink

"Kasi kanina inaayos lang ni Anca yung research nila e kaya I'm sure na handa ang grupo ni Michelle. Tapos nagulat nalang ako ng wala silang mapresent." Dagdag pa nung isa.

"Atsaka kanina, may nakakita daw. May nagsaboy sa kanya ng tubig. Hindi nakita yung mukha kasi nakatalikod daw. Basta, hawak nung babae yung flashdrive ng grupo ni Michelle. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos non. Teka, ba't curious ka?" Nginitian ko lang ang dalawa. Bago nagpaalam at umalis.

I guess, i know what just happened.

--

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon