Chapter 13

76 4 0
                                    

Michelle.

Kinagabihan ay agad din naman kaming umuwi. Pagkatapos ng walang sawang asaran at bangayan. Huminga ako ng malalim ng maramdamang muli ang pamilyar na lambot ng kama ko.

From: Monkey

I'm home.

Goodnight, girlfriend <3

I mean

Goodmorning ^_^

See you later :*

Ilang minuto lang ng i-dial ko ang cellphone number nito na kaagad din naman niyang sinagot.

"Still up, girlfriend?"  He asked.

"No. Did I wake you up?" Umayos ako ng pagkakahiga at tahimik na tumitig sa ceiling.

"Actually not. Hindi rin ako makatulog." Natatawang sambit nito.

"I just called to say goodnight." Nakangiti kong banggit. Alam ko ng hindi naman niya nakikita e.

"Tamad ka parin pala talagang mag type ng reply, hays." I shrugged.

"Goodnight Clyd."  Akmang ibaba ko na ng biglang siyang magsalita.

"Dream of me.."  napairap ako sa kawalan.

"I wish I could kill you in my dreams." Walang ganang sambit ko na ikinatawa niya ng malakas.

"I love you"  nahigit ko ang sariling paghinga ng marinig ang salitang pahabol niya pagkatapos ay agad na pinatay ang tawag. Ilang saglit din akong napatitig sa screen ng cellphone ko bago ipatong ito sa dibdib ko bago ipinikit ang mga mata.

I hope everything wasn't just about the bet. But who I am kidding anyway?

--

"Pang-ilang laro ka, Michelle Del Rosario?" Tiningnan ko si Harold na nasa harap nanaman ng loptop niya. Palibhasa kasi hindi pa nagsisimula ang laro nila.

"Kailangan full name ko talaga?" Inirapan ko ito."Second game, bukas pa." Sagot ko habang nilalaklak ang pangatlong bote ng yakult.

"Oo pala. Kalaro mo ang Cullinary Art Department. " yup. At yan ang department nila Clyd.

"So si Danica ang makakalaro mo?" Anca asked. Tumango naman ako.

"No harm done." Walang gana kong sambit.

"Nakalimutan ko badminton din pala ang sort no'n." Sabi nalang ni Gino. Wala kasi itong sinalihan na sport ngayong Intrams pero varsity siya ng volleyball.

Kinuha ko ang chips na kinakain ni Gino na agad namang nagreklamo.

"Bili ka pa." Natatawang utos ko dito ng wala ng laman at pagtry ng mga booths. Bukod kasi sa mga palaro, nag open din sila ng iba't ibang booth.

Hanggang sa magsimula ang laro nila Harold ay nando'n kami nanunuod. Tamang cheer lang. Para ngang may halong ibang schools sa dami ng binuong cheering squad na nagiingay sa paligid. Halos dumagundong ang buong gym.

At tulad ng inaasan, pasok sila Harold sa Championship. Ang kalaban nila ay ang mga nasa Engineering Department. Hayok din naman kasi ang mga players.

"Oh, tubig." Inihagis ko kay Harold ang isang bottled water.

"Congrats." Bati namin ni Gino. Si Anca? Well, nasa deans office at kasama sa nagaasikaso sa forms ng players.

"Nakakapagod!" Reklamo ni Harold. Kinuha ko ang towel niya at kaagad na pinunasan ang likod nito na hindi niya maabot.

"Thank you mommy." Biro nito. Binatukan ko lang naman siya.

"Pagnagkasakit ka, di ka makakalaro." Iling na sambit ko dito. Ginulo niya lang ang buhok ko.

"Sana all may nagaalala." Inirapan ko naman si Gino na nakabusangot. Ikinawit ko ang kamay sa braso nila Gino at Harold. Bale, napagkaka-gitnaan nila ako.

"Libre niyo ko. I want ice cream." I pouted at tinuro ang isang booth na may dirty ice cream.

"Wala akong pera." Sambit ni Harold.

"May 2 pesos ako, Michelle." Ipinakita sa akin ni Gino ang dalawang piso mula sa bulsa niya.

"Ako rin may dalawang piso." Dinagdagan iyon ni Harold ng dalawang piso.

"Kuripot niyo talaga kahit kailan." Reklamo ko habang binibilang ang apat na piso sa kamay ko.

"Anca!" Nagawi ang tingin ko sa tinawag ni Gino.

"Bigyan mo nga ng piso 'tong batang 'to." Natatawang banggit niya. Agad namang naglabas ng piso si Anca.

"Eat well, kid." Sambit niya na ikinasama ko ng tingin dito. Humalakhak naman sila Gino at Harold habang kinakawayan ang papalayong Anca dahil may gagawin pa daw ito.

"Kailan kaya ako masasanay sa inyong dalawa huh?" Sambit ko ng maubos ang limang pisong ice cream na binili ko sa booth na iyon.

Nag shrugged lang naman sila sa akin.

"Ako na nga manlilibre, tara don." Hinila ko sila sa kamay papunta sa booth na gusto ko. Kung saan nagsi-serve sila ng pizza.

"Lalaki ng ngiti natin a?" Pagpuna ko sa mga ngiti nilang malaki. Inirapan ko ang dalawa.

"Libre e."

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa pumasok sa booth ang pamilyar na tao. Si Clyd kasama si Mika. Napataas naman ang kilay ko.

"Clyd!" Mabilis na sinamaan ko ng tingin si Harold na tinawag ang huli. Nginitian niya lang ako ng hilaw.

"Yo! Congrats." Masayang bati nito sa kasama ko. Hindi naman niya nakikita ang mukha ko dahil nakatalikod ang kinauupuan ko sa kanya. Alam ko naman na hindi niya ako napansin e.

"Baby, ayoko ng pinya sa pizza." Nagpantig ang tenga ko ng marinig ang boses ni Mika.

"Sure." Sagot naman ni Clyd at narinig ko nalang ang pagorder nila.

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong umirap. Hanggang sa inilabas ko ang cellphone ko.

To: Monkey

Wry?

Bahagya kong nilingon ang pwesto nila kung saan masaya silang kumakain. Sige lang, mabulunan sana kayong dalawa tapos malagutan na ng hininga.

Nakita kong binuksan niya ang cellphone niya pero agad din naman niyang binitawan habang masayang nakikipagkwentuhan kay Mika.

"Badmood e?" Sinamaan ko lang ng tingin si Gino na mabilis nagtaas ng dalawang kamay na para bang sumusuko.

"Chill, si Mika lang iyon." Hindi ako nagsalita. Nginisihan ko nalang si Gino.  Since nasa dulong bahagi kami ng booth.

"Watch." Matalim na banggit ko bago ngumiti ng malapad. Idinial ko ang cellphone number ni Clyd. Ilang ring pero hindi niya sinasagot.

Hanggang sa maging dalawang missed calls iyon. Muli ko iyong dinial at sa wakas sinagot niya naman. Nagpalit kami ng upuan ni Harold kaya kitang kita ko ito mula sa kinauupuan ko.

"Hey baby, saan ka?" Malambing kong tanong. Bahagya akong kumagat sa slice ng pizza.

"What's with baby?" He asked confused.

"Bakit? Si Mika lang ba ang pwedeng tumawag sa'yo ng baby?" I asked innocently.

"Fuck. Where are you?" Nakita ko ang bahagyang paglingon lingon niya sa paligid. Bahagya kong itinaas ang kamay at kumaway sa kanya. Nagtama ang tingin namin. Pinanatili ko ang isang ngiti sa labi.

"You intentionally missed my calls. Why's that?" Hindi parin siya nagsasalita hanggang sa bigla siyang mapatayo.

Tinaasan ko parin siya ng kilay at nginitian.

"I don't really care if you wanted to kiss that bitch infront of me, I'm willing to be your guess, babe."

And I don't know why.. I felt a small pang of pain in my chest.

--


The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon