Chapter 02

179 5 2
                                    

Michelle.

Isa-isa kong inilagay ang libro ko sa locker ko. Inayos ko na din ang pagkakasalansan ko dito. Huminga ako ng malalim at sinara iyon, eksaktong pagtalikod ko ay bumungad sa akin ang malaking ngiti ni Clarise.

"Ate Michelle!" Ngumiti nalang ako sa kanya ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Clarise, kumusta ka na? Laki na ng pinagbago natin a!" Pagbati ko dito. Humagikgik naman ito sa akin at muli akong niyakap.

"Di ka na pumupunta sa bahay ate, namimiss na kita." Natawa ako ng mahina.

"Come on, busy lang si ate ngayon." Pi-nat ko ang ulo nito. "So bakit ka nandito?"

"Ikaw kasi sadya ko dito ate," ngumiti ito ng malapad sabay abot sa akin ng kulay pulang envelope.

"Invitation?" Tumango ito ng ilang ulit. "18th birthday ko na ate, sa sabado. Punta ka ha?" Natigilan ako.

"Nabigyan ko na ng invitation sila ate Anca at kuya Harold tapos iba ko pang kaibigan sa department niyo. Ikaw kasi ang wala kanina ate kaya hinanap kita." Mahabang paliwanag nito.

"Dapat binigay mo nalang kay Anca at siya magbigay sa'kin. Ikaw talaga. May tinatapos kasi akong research ngayon e, but I can treat you." Mas lalong lumaki ang ngiti nito sa akin.

"Talaga ate? OMO! Gusto ko ng vanilla smoothie dyan sa labas ate. I saw the shop kanina and I heard maganda at masarap daw doon." Nagcling ito sa braso ko at halos sabay kaming naglakad.

"Alam mo bang niyayaya ko si Kuya pero ayaw niya." Clarise pouted.

"Hindi naman mahilig sa sweets ang kuya mo Clarise." I chuckled.

"Pero kahit na! He should gave me a consideration because I am his most beautiful sister." Mala teleseryeng banggit niya. Napailing nalang ako dito.

"You're his only sister, Clarise." Bumagsak naman ang balikat nito at sumimangot. Hindi parin ako makapaniwala na magi-18 na ito sa sabado.

Narating namin ang cafè na sinasabi niya. It has pink stuff everywhere. Cherry's. Pastel pink at pastel blue ang combination ng paligid. And based on those stuffs, I can say na girly ang may ari ng cafè. Pero hindi naman siya masakit sa mata, everything is balance. Instagram friendly din ang lugar.

Umupo kami sa malambot na upuan. Magkaharap as we ordered.

"So how's life in L.A?" I asked.

"Fun and exciting ate." She giggled. "Ang daming gwapo sa paligid. Marami na rin akong kaibigan and some of them ay a-attend sa party."

"Does your kuya.." umiling siya sa akin.

"Ofcourse. KJ naman palagi si kuya e." Nag shrugged nalang ako sa sinabi niya.

"Vanilla and cookies and cream smoothies for Miss Clarise?" Napatingin kami sa counter. Tumayo naman na si Clarise para kunin ang order namin at inilapag sa  lamesa saharap namin.

"Ate, your third year college diba?" I nodded. "Isang taon lang ang agwat niyo ni kuya." Napataas ako ng kilay.

"I know you hated him and.." umiwas ito ng tingin.

"Ahm.. but you knew that I ship the two of you right?" Napaubo ako ng wala sa oras. I bit my lowerlip at tiningnan si Clarise.

"Come on, Clarise." Umiling pa ako dito at tumawa ng pagak. "Clyd and I? Never."  We know each other's boundary and limitations.

"Kuya Clydder isn't that bad, right?" Nakangiwing sambit nito. Umiling nalang ako at tinawanan siya.

"Finish your food, Clarise. Gumagabi na. Baka hanapin ka ng kuya mo." Tumingin ako sa phone ko at 6:30 na ng gabi.

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon