Chapter 04

112 2 0
                                    

Michelle.

Napatingin ako sa kalangitan. Uulan pa ata. Bumuntong hininga nalang ako at tahimik ma naghintay dito sa waiting shed ng sasakyan.

Dalawang araw na simula ng mangyari yon at sa dalawang araw na iyon, hindi nagpakita sa akin sila Mika. Nagsimula na din ang extra classes ko kaya eto, alas-otso na ng gabi at nandito parin ako sa eskwelahan.

Ilang students lang din ang namataan ko sa loob ng campus. Bala mga irregular din at paubos na. Unti unti na silang nakakauwi.

Nakatingin lang ako sa sapatos ko. Kung nagawa kong i-revived lahat ng nasa flashdrive ay marahil hindi ako naghihirap na gumawa ng sangkaterbang paperworks.

Napaatras nalang ako ng bigla nalang may humila sa headset na suot ko.

"Ano bang--?!" Nahinto ako sa pagsasalita ng makita ang mukha nito. Kinunutan ko siya ng noo at hinala ang hawak niyang kabilang side ng headset ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Hindi siya nagsalita.

"Sakay na." Ininguso niya ang kotse sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"No thanks. Maghihintay nalang ako dito." Iniyuko ko ang ulo at ibinalik ang headset ko.

"Okay. Sabi mo e."

At ang gago, iniwan nga ako dito.

Pinaningkitan at pinangigilan ko ang cellphone ko dahil sa inis. Patong patong na ang kasalanan sa akin ng gagong iyon.

Alas nyebe na at hindi parin ako nakakauwi. Madilim na ang paligid at nagliligpit narin ang guard ng university.

Tiningnan ko ang phone ko. Kung pwede lang istorbohin ang mga flings ko-- opps. Wala na pala akong flings ngayon. Takte. Kinakain ng paperworks ang oras ko kaya wala na akong makalaro.
Hanggang sa may tumigil na kotse sa harap ko.

"Sabi sayo, sumakay ka na." Napairap ako sa kawalan at sumakay na din. Wala akong choice. May tatapusin pa akong reaction paper na ipapasa ko bukas.

"Pabebe pa. Naghintay ka pa tuloy." Nakangising sambit niya habang nagu-U TURN.

"Sorry ha?" Iritang banggit ko na tinawanan niya lang. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa may tumawag sa kanya.

"Hey babe," natigilan ako sa pagkalikot sa phone ko.

"No. I'm sorry. I'm not free tomorrow." Nakangiting sambit nito at pinigilan ko ang sarili ko na lingunin siya at iripan.

Hanggang sa tapos na silang magusap. Hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Chesca?" I asked. Kumunot naman ang noo niya.

"No. It's Aubrey." Sambit niya.

"New fling?" I asked again.

"Side chick." Natawa ako sa sinabi nito. Walang hiya talaga ang gago.

Hindi na ako nagsalita matapos non. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa windshield ng sasakyan. Paniguradong mapapagalitan nanaman ako dahil alas dyis na ng gabi.

Malayo pa kami sa gate ay namataan ko na si Papa na nagaabang sa akin. Huminto ang kotse sa tapat nito. Hindi pa ako nakakakilos ng tumayo na ng tuwid si papa. Bumaba naman ako ng kotse.

"Pa," pagbati ko dito at kaagad na nagmano.

"Ginabi ka. Alas dyis na ng gabi, Michelle." Seryosong saad nito.

"Sorry po."

"Good evening tito." Natigilan ako ng may magsalita mula sa likod ko. "Wala na po kasi siyang masakyan kanina, kaya I volunteer na ihatid nalang siya. Delikado din sa daan tito." Nakangiting paliwanag nito.

"Ganuon ba?" Mapanuri parin ang tingin niya sa aming dalawa. "Hindi mo ba nililigawan ang anak ko? Wala ba talaga kayong relasyon?" Halos sabay kaming napaubo.

"Pa!" Suway ko sa magaling kong ama. "Itigil na ang imahinasyon natin ha? Kung saan saan napupunta." Tumawa ako ng hilaw.

"Naninigurado lang naman anak." Pumasok na ito sa loob pagkatapos tanguan si Clyd. Hinarap ko naman ang huli at tinaasan siya ng kilay ng nanatili siyang nakayuko.

"Huwag mong pansinin si papa." Sambit ko.

"Ingat ka." Tuluyan na akong pumasok sa bahay ng makaalis ang sasakyan niya. Bumuga ako ng hangin at nagtimpla ng isang tasa ng kape at dinala iyon sa kwarto ko.

Pumasok ako sa banyo at naglinis ng sarili. Bago humarap sa study table ko at sinimulan kong isulat ang reaction paper na kailangan ko bukas.

Napainat nalang ako ng matapos ko iyon at prinint na since may printer namin ako dito sa kwarto ko.  Humiga na ako sa kama at napatitig sa kisami.

Napatingin ako sa cellphone kong nagvibrate sa study table ko. Kinuha ko ito at binuksan ang message.

From: Monkey

I'm home safe. Stop worrying. Dream of me. Love youu!

Napataas ako ng kilay. At inis na dinial ang cellphone number nito.

"Hey babe. Miss me?"  I tsked.

"Babe my ass." Inikot ko ang mata. "And dream of you? No thanks." Narinig ko na ang malakas na tawa nito kaya pinatay ko na ang cellphone.

Sa inis ko ay ini-off ko na ito at ipinatong sa bedside table.

"Love you his ass. Jerk." Iritang bulong ko sa sarili.

--

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon