Clyd.
Binati ako ng pamilyar na mga mukha.
"Magandang gabi Sir." Tinanguan ko lang ang bumati sa akin sabay ngiti. Lumpit ako sa front desk at ibinigay niya sa akin ang susi. Alam naman niya kung anong kwarto ang tinutuluyan ko dito sa resort.
"Ah sir, nandoon po pala si Ma'am Michelle, kagabi pa po siya doon hindi lumalabas. Hindi rin po siya kumain. Hourly naman po namin siyang chini-check." Tinanguan ko lang ito at kaagad na nagpasalamat.
Dumeretso ako sa kwartong iyon at doon ko nadatnan siyang nakasandal sa sofa at natutulog. Nasa harapan nito ang mini table kung saan nakakalat ang isang bote ng Jack Daniels at ilang supot ng chips.
Bahagya akong lumapit at inalis ang pagkakatabon ng magulo niyang buhok sa mukha niya. Napansin ko ang hilam na luha sa gilid ng mata niya, ang pamumula ng ilong at pisnge niya.
Napailing nalang ako.
"Bakit naman kasi lumaklak ka ng JD magisa." Mahinang tanong ko dito. Maingat ko siyang binuhat at kaagad na inilapag sa kama niya.
"Hmm.." bahagya siyang nagmulat ng mata at nagtama ang tingin namin.
"Clyd.." paos na sambit nito. Alam ko rin ang walang sawang pagsigaw niya nung laro nila Harold kaya hindi na ako magtatakang wala siyang boses.
"Sleep, Michelle." Mahinang sabi ko at inalis ang pagkakapatong ng kamay niya sa batok ko. Inayos ko ang paghiga nito sa kama.
"Clyd.." ipinikit nito ang mga mata. Iniangat ko na ang kumot para makumutan siya at bahagyang pinalakasan ang aircon ng silid. Inayos ko naman at binasura ang mga kalat niya.
Tahimik na nilibang ko ang sarili sa panunuod ng series sa cellphone ko. Napahinto nalang ako sa panunuod ng makitang tumayo si Michelle. Agad naman akong lumapit at inalalayan ito ng muntik na siyang lumagapak sa sahig.
"Inom pa more." Natatawang puna ko dito. Humawak naman siya sa ulo niya, I think hindi pa siya nahimasmasan. Alas dyis palang ng gabi at wala pang trenta minutos ang tulog niya.
"Clyd?" Kinutan niya ako ng noo at parang inaaninag ang mukha ko.
"The one and only." Nanatili siyang nakaupo habang nakatayo ako sa harapan niya.
"Jerk." Mahinang bulong nito at tumitig sa akin. Bahagya ko itong tinaasan ng kilay.
"What?" Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko masabi kung ilang beses niya akong pinapatay sa utak niya.
"L-lower your face." Unconciously akong bahagyang yumuko para magtapat ang mukha namin.
"And?" Nagtitigan lang kaming dalawa. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin nito sa labi ko and I saw a clear emotion sa mata niya. Desire. Napalunok naman ako.
Bumalik ang tingin nito sa mata ko. I unconciously lowerdown my face-- tempting to taste her lips ng itulak niya ang mukha ko palayo.
"You're ugly." Irap na banggit niya sa akin. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"Thanks for ruining the atmosphere." Asar na sambit ko. "I was just about to kiss you and you ruin the feeling. Thank you huh?" Hindi siya umimik at ibinagsak nalang nito ang katawan sa kama.
"My head hurt." Rinig kong mahinang bulong nito sa sarili. Dumeretso ako sa veranda ng silid. Sarap niyang ihampas sa dingding. Galing talaga manira ng babaeng iyon.
Asar na napailing ako. Ilang minuto akong nagpahangin dito sa veranda ng maisipan ko ng pumasok. Nakita ko siyang hawak ang isang tasa, kape siguro.
BINABASA MO ANG
The Player's Endgame [COMPLETED]
Teen FictionZEMBLANITY SERIES #2 We both love each other. We're suppose to end up together.. this isn't happening.. why? Is this really.. what the player's endgame mean? - Former title: I Heard You're A Player