Michelle.
Have a nice day ;)
-boyfriend.
Lalong kumunot ang noo ko ng mabasa ang nakasulat sa sticky note na nakadikit sa cup of coffee mula sa isang cafè -- Cherry's.
Katabi nito ang isang tupperware na may lamang pancake. I guess, alam ko na kung sino ang may pakana nito.
"OMG! OMG! IS THIS FOR REAL?! AAAH! I'M KINIKILIG!" pinagyu-yugyog ni Anca ang balikat ko at para siyang kiti-kiti na nakangiti at hindi mapakali.
"Parang nililigawan ka na nga niya. We're gonna win the bet." Paulit ulit na sambit nito habang hindi magkamayaw sa kinatatayuan.
Ibinaba ko naman ang bag ko sa upuan ko at ang laptop ko sa lamesa ko.
"Nagi-improve na nga ang bet. Hmm?" Hindi ko nilingon si Danica na nagsalita mula sa likod ko.
"I guess?" Hindi siguradong sambit ko. Kasi first of all, alam ni Clyd ang tungkol sa bet and we're both playing the game.
"Keep it up, Michelle. I just hope you won't regret it." Why.. would I regret it? Tinapik niya lang ang balikat ko mula sa likod at umupo na sa upuan niya. Magkaklase kami sa isang subject which is Statistics.
Huminga ako ng malalim at pinakatitigan ang pagkain at kape sa harapan ko. Pinigilan ko ang mapangiti at itinuon nalang ang sarili sa tinatapos kong graphing.
Natapos ang klase ko sa Statistics. Inaayos ko na ang gamit ko ng magvibrate ang cellphone ko. Sunod sunod ito
From: Monkey
Hey
Busy?
Sabay tayong maglunch mamaya?
I automatically dialled his phone number. At ilang ring lang ay kaagad naman itong sinagot.
"Is that your way of saying good morning?" Pagbungad ko rito. Narinig ko siyang tumikhim mula sa kabilang linya.
"Ahm.. what?"
"I mean, coffee and pancakes. Seriously?" Bahagya pa akong natawa.
"Well, it was suppose to be a rose..." nagaalangan na sambit niya. "Ayaw mo ba? Should I change the coffee flavor?"
"No.. no. It's just that, hindi ko lang ini-expect." Isinara ko ang laptop ko at maingat na inilagay ito sa case habang inipit ko naman sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone.
"Then expect something from now on." I can imagine his infamous smirk.
"Are you flirting with me?" I asked.
"Is it working? I mean, I can make you blush if I wanted to." Napataas ang kilay ko sa sinabi nito.
"Make me?"
"I can say that you're raising your eyebrows just now.. ng may malaking ngiti sa labi mo." Napatigil ako.
"How can you say sure?"
"Michelle.." napaharap ako sa pintuan at doon bumungad sa akin si Clyd na nakasandal at nakatapat ang cellphone sa tenga habang ngumisi sa akin. Nagtama ang tingin naming dalawa.
"Why are you here?" I asked wiping off that tiny smile on my lips.
"To make you blush?" He grinned. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inismiran.
"Michelle, you're beautiful."
Naibaba ko ang cellphone ko habang nakatingin parin sa mata niya. And he said it, out loud. Natulos ako sa kinatatayuan.
"You're blushing hard, babe." Humakbang ito papalapit at gusto ko mang umatras ay hindi ko magawa. Parang napako ang paa ko sa sahig.
Huminto ito kalahating metro ang layo sa akin.
"You're beautiful." Titig sa mata na sambit niya. Hanggang sa umangat ang sulok ng labi nito at nauwi sa pagtawa.
"Did I just make you speechless? Uh oh." He playfully said.
"Y-you didn't."
"Did I just make you stutter? This is a progress." Ngumiti siya sa akin ng malapad.
"Shut up!" Itinulak ko ito sa dibdib para makalayo siya sa akin. Inirapan ko nalang siya bago niyakap sa dibdib ang case na may lamang laptop at nauna ng lumabas ng classroom. How dare him flirt with me?!
"Wait up, babe!" Sumabay ito sa akin sa paglalakad na sinamaan ko lang ng tingin. Umupo ako sa usual spot naming magkakaibigan at inilapag lahat ng gamit ko doon. Wala pang masyadong tao dito sa canteen kasi hindi pa naman lunch time.
"Michelle.." iniangat ko ang mata at inirapan siya ng ilang beses.
"Ayokong makita ka." Walang ganang sambit ko habang ini-on ang loptop ko para tapusin ang graph na ginagawa ko.
"Ouch. Hinay hinay naman. Sinasaktan mo'ko." Inilabas ko ang pancake na binigay niya sa akin at iyon ang kinain ko.
"Nami-miss mo luto ko no?" Biglang sambit niya. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Hindi luto mo ang nami-miss ko." Sambit ko habang ang mata ay nakapako sa screen ng loptop ko.
"So.. ako ang namimiss mo?"
"Dream on. Mas masarap parin luto ni nanay sa'yo." Pangaasar ko. Honestly, masarap talaga ang luto ni Clyd simula pa noon. I just can't bring myself to admit it kasi we're enemy in the first place.
"Kaya pala kapag pumupunta ka sa bahay palaging luto ko lang ang kinakain mo." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Shut up." Natawa naman siya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Kulang nalang ay hampasin ko siya ng isa sa mga upuan sa gilid ko.
"Ngayon lang ulit kita nakausap ng ganito." Nalangiting sambit niya sa akin. Bahagya siyang yumukod sa lamesa at ipinatong ang baba niya sa palad niya.
"Eversince, palagi ka nalang kasing nagwa-walk out kapag inaasar kita." Natatawang sambit niya.
"Pikon ka talaga Michelle no?" Bahagya kong hinila ang buhok nito at napa-aray naman siya.
"Shut up." Inis na sambit ko.
"Oh ayan, boyfriend mo na ako't lahat lahat, brutal ka parin? Let me remind you, ikaw ang nag-aya sa akin na maging boyfriend mo."
At sa pagkakataong ito, gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko at huwag ng magpakita sa kanya kahit kailan. Arghhh!
--
BINABASA MO ANG
The Player's Endgame [COMPLETED]
Teen FictionZEMBLANITY SERIES #2 We both love each other. We're suppose to end up together.. this isn't happening.. why? Is this really.. what the player's endgame mean? - Former title: I Heard You're A Player