Chapter 01

364 8 3
                                    

Beware with some errors.

Michelle POV

"Break ulit kayo?!" Pinasadahan ko ng tingin si Anca na naghe-hesterical sa tabi ko.

"Na-bored ako." Walang ganang sambit ko. Huminga ito ng malalim atsaka umiling iling na tumingin sa akin.

"Alam mo Michelle? Mali 'tong ginagawa mo e. Pangilang boyfriend mo na ba yan sa loob ng dalawang buwan? Lima? Anim? Sampo? Maawa ka nama--" badtrip na tiningnan ko si Anca.

"Pwede bang tumahimik ka? Kung sesermonan mo lang ako, tumigil ka na." Umirap ako at dumeretso na sa paglalakad. Narinig ko pa ang buntong hininga niya bago sumusukong sumunod sa akin papasok sa Canteen.

Padabog na ipinatong ko ang bag ko sa lamesa at umupo dun. Si Anca na ang nagorder para sa akin-- toka niya ngayon e at alam kong alam na niya ang gagawin.

"Hey what's up? Balita ko break na kayo nung John a?" Sunod sunod na umupo ang mga hunghang sa table.

"Na bored nanaman 'yan panigurado." Inirapan ko si Harold na nagsalita. Humarap ito sa loptop niya na palagi niyang ginagawa.

"Ilang weeks lang ba ang tinagal niyo? Oh no, hindi pala umabot ng weeks, tatlong araw lang ata." Sinamaan ko ng tingin si Gino na nagsalita. Tumawa ito ng malakas bago tulungan si Anca sa dala-dala niyang pagkain.

"Nahiya ang GoSurf50 sa three day relationship niyo." Sabi pa ni Harold.

"Pwede ba magsitahimik kayo?" Asar na sambit ko bago kinuha ang isang plato ng pagkain na inorder mismo ni Anca. Kinuha ko din ang limang yakult.

"Intrams na next week a? Anong balak niyong salihan?" Biglang tanong ni Harold na nakatuon ang mga mata sa laptop sa gilid habang kumakain.

"Tigilan mo nga muna yang laptop mo at kumain ka muna." Asar na sambit ni Anca sa kanya.

"Teka, di pwede. Kailangan kong maayos ang research namin kasi ipi-present namin 'to mamaya. Ni-rush ni Sir e. Ewan," bumuntong hininga si Anca na para bang sumusuko.

"Ilang araw lang ba yan?" Tanong pa nito.

"Dapat nga next week pa'to kaso ewan, nabwisit ata si Sir at ginawang tatlong araw. Kaka-inform lang sa'min kahapon so wala kaming choice." Paliwanag niya.

"Yan ang mali sa mga schools e. Ginagawa nilang robot ang mga istudyante e hindi lang naman sa eskwelahan umiikot ang mundo natin. Isinasakripisyo natin ang kalusugan natin para lang makapasa." Hindi ako nagkomento sa sinabi ni Gino kasi totoo naman ito.

Schools and Universities are toxic nowadays. Example, for a regular junior student, may walong subject sa buong araw. Different fields and contents. Iba iba rin ang teachers, tapos magpapagawa ang isa't isa ng activities, quizzes, and exams even homeworks. Tapos kung makaakto parang iisa lang silang iniintindi ng mga istudyante kasi hindi manlang nila mabigyan ng consederation ang bawat students. Basta, mahirap magpaliwanag.

Dapat nga sana ang ini-enhanced ng isang school ay ang kakayahan ng isang bata. Abilidad na magagamit nila. Sila mismo ang nagsasabi na iba iba ang mga tao so bakit nila ifi-fit ang magkakaibang taong iyon sa iisang curriculum? Hays

"Hoy Michelle!"

Nabalik ako sa wisyo. Napaangat ako ng tingin at lahat sila nakatingin sa akin. Tinaasan ko nalang si Anca ng kilay ng inguso niya ang isang direksyon.

Ibinaba ko ang kutsara at binalingan ng tingin ang inginu-nguso niya at nakita ko ang lalaking ayokong makita. John.

"Gusto ka daw niyang makausap." Nilingon ko si Harold.

"Pake ko?" Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Nailing nalang sila sa inakto ko.

"Alam na kasi nilang hindi ka nagse-seryoso, hindi parin sila matigil. Umaasa na sila ang makakapagpalambot ng matigas mong puso. Yayks!" Tumatawang sambit ni Gino.

"Ikaw naman Michelle, seryoso yung tao bakit pinatulan mo?" I tsked.

"Malinaw na sa simula palang sinabi ko ng hindi ako nagseseryoso but he insisted. So, pinagbigyan."

"Hindi ka na natuto. " whatever.

"Hanggang ngayon hindi parin ako makapili kung basketball o sepak ba ang sasalihan ko, ano sa tingin mo?" Tanong ni Harold.

"Kailangan ka nila sa basketball Harold. Sa Sepak, nandyan naman si Vince." Sagot ni Gino na may isinusulat sa yellow pad paper. Hindi ko na pinansin iyon at inubos na ang pagkain ko.

"Magba-badminton ka ba ulit, Michelle?" Umiling ako bilang tugon.

"Speaking of Badminton, si Clyd--" sinamaan ko ng tingin si Gino.

"Huwag mong ma-mention mention ang pangalan na yan sa harap ko, Gino." Asar na sambit ko pero ngumisi siya sa akin.

"Ang alin? Si Clyd? Si Clyd--" ibinato ko sa kanya ang pinaglagyan ng yakult na naubos ko. Tumawa naman ito ng malakas.

"Palagi ka nalang badtrip kay Clyd, Michelle." Umiiling na sabi ni Anca bago ibinalik ang pinagkainnan namin. Nakabalik din naman ito kaagad.

"Hindi parin nakakagetover yan sa pagkatalo niya kay Clyd sa Badminton." Natatawang sambit ni Harold.

Napairap ako sa kawalan.

"Clyd! Pre!" I tsked. Nakaramdam ako ng masamang hangin na papalapit.

"Gino! Angeles! Ano?" Agad itong nakipag fistbump sa mga hunghang.

"Hi, Anca." Napairap ako ng wala sa oras.

"Hi, Clyd"

"Badminton ka ulit this year?" Tanong ni Gino. Sinamaan ko ito ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingi--

"Dipende, sasali ka ba babe?" Malandi nitong tanong habang duretso ang tingin sa akin. Nagangat ako ng tingin.

"Oh please, Clyd." Pasukong sambit ko.

"Please what?" Tinaasan niya ako ng kilay. May nausupil na ngiti sa bibig nito.

"Please die."

Padabog na kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng canteen. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ng mga hunghang habang ako ay nangangalaiti sa inis.

Argh!

--

Rye's note: This type of story isn't my genre. Again, hindi ko po gamay ang mga ganitong klase ng storya so please bare with me. I'm just exploring things at chinachallenge ko lamang ang sarili ko kung hanggang saan ang kakayanin ko na magsulat. Thank you and Godbless you. ♡

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon